Trisha's POV
Nahanap na ni Marvin si Sandy at hinatid muna ni Marvin si Sandy sa room naming mga girls para makapagpahinga. Gusto sana namin siyang samahan na pero sabi niya i-enjoy nalang daw namin at wag nalang siyang alalahanin. Si marvin nalang daw ang magnabantay sa kanya.
Sampong baso na ata ang nainom kong alak o baka higit pa. Kanina pa kasi kami umiinom dito ni Rhoxanne. Nasa kabilang table naman sila Henry at Ramson at nagiinuman din sila. Dahil marami-rami naman na ang aming nainom na alak ay napagisipan namin ni Rhoxanne na magpahinga na din. Sabay kaming naglakad papasok sa hotel. Ng makarating kami sa room kung saan kami ay agad na kaming nakatulod dahil narin siguro sa kalasingan.
"Ang sakit ng ulo ko!" Reklamo ko agad ng magising ako kinabukasan.
"Ako din at parang....parang--" napatakbo nalang sa loob ng banyo si Rhoxanne at doon nagsuka.
"Oh ito inumin niyo para kahit konti ay mabawasan ang sakit ng ulo niyo." Sabi ni Sandy sabay abot ng dalawang kapsula ng gamot at tubig.
Ininom ko agad ang isa sa binigay ni Sandy na gamit. Paglabas ni Rhoxanne sa loob ng banyo ay agad ko naman binigay sa kanya yung isang gamot na agad din niyang ininom.
"Sinobrahan niyo sigurong uminom kagabi!" Sabi ni Sandy.
"Konti lang naman yon pero ang lakas ng tama sa amin!" Dinig kong sabi naman ni Rhoxanne.
"Baka nga," sabi ko "Gutom na din ako."
"Oo ako din gutom na. Kanina pa nakahain yung pagkain natin." -Sandy.
"Tara na gutom na din ako. Tawagin nadin natin yung mga boys para sabay sabay tayo." -Rhoxanne.
"Eh kanina pa kaya sila gising sa totoo nga'y mas nauna pa silang nagising kaysa sa atin!" Nagulat kami sa sinabi ni Sandy kaya ang aming mga mata ni rhoxanne ay nanlaki.
"What? I thought they like tulog mantika!" ano ba naman tong si Rhoxanne Taglish ang peg.
"Pero hindi!" Sabi ko at nagtawanan kami.
Lumabas na kami sa kwarto at tumungo na sa hapag-kainan. Andoon na sila Henry na naghihintay.
"Ang tagal naman nila kanina pa ako naguguyom!" dinig kong Reklamo ni Henry.
"Oo ako din, kanina pa tumutunog tong tyan ko!" Reklamo din ni Ramson.
"Baka pababa na din sila—oh andyan na pala sila." Sabi ni Marvin." Halina kayo kanina pa tong nagrerekla mo dahil ang tagal niyo!"
"Edi sana pinauna mo na para di nagrereklamo!" Sagot ni Rhoxanne na halatang naiirita.
"Gusto nga kitang makasabay kumain!" Sabi naman ni Ramson.
"Che kumain ka magisa mo!" Sabi ni Rhoxanne at nagwalk out na.
"Hon, wait wag kang magalit!" Sigaw ni Ramson at napatayo na sa kanyang kinauupoan.
"Dude, habulin mo!" Sabi ni Marvin kaya hinabol naman ni Ramson si Rhoxanne.
"Tara na kain na tayo, hayaan muna natin yung dalawa kakain din yun kapag nagutom." -Marvin.
Umupo ako sa may tapat na upoan kung saan nakaupo si Henry. Magkatabi naman si sandy at Marvin. Nagsimula na kaming kumain at ng matapos kami ay nagkanyakanya na kami kung saan namin gustong pumunta.
Pansin ko kagabi pa tahimik si Henry at di manlang niya ako nilalapitan at kinikibo. Ngayong umaga di niya rin ako binati. Nanininago ako sa mga kilos niya.
Naglakad ako papalapit sa kanya kasi nakatalikod siya at napansin kong maykausap siya sa telepono.
"Dad, bakit kailangan ko pang gawin----opo dad, alam ko naman kahit anong sabihin ko wala ring mangyayari....kung kaylan masaya na ako doon niyo namang sinabing nahanap niyo na siya, yung babaeng dapat papakasalan ko. Opo papakasalan ko po siya kahit anong mangyari , papakasalan ko siya dahil yon ang nararapat. Matagal ko na siyang hindi nakikita kaya siguro ngayon na din ang tamang panahon.----Bye!" Pinatay niya na ang kanya cellphone.
BINABASA MO ANG
The FASHIONISTA, SADISTA and NERD (Editing)
General FictionThe FASHIONISTA, SADISTA, and NERD Tatlong babaeng magkakaiba ang katauhan. FASHIONISTA- siya ang laging maganda at maayos ang pananamit. Hindi naman siya maarte at sa totoo lang sa kanilang tatlong magkakaibigan siya ay pinaka maraming Crush. Siya...