Tahimik kong pinapanood si Faustin na busy sa pagtulong kay Marie. Tinapos na lahat ni Faustin ang mga hindi nya pa nasasagutan.
Napabuntong hininga nalang ako dahil simula noong nakasabay namin sya sa pagkain sa cafeteria ay lagi na syang inaaya nila Marie para sumabay ulit sa amin. Ang nakakapagtaka doon ay hindi sya tumatanggi. Halos lagi narin syang sumasama sa amin kapag may outdoor activities kami.
Napanguso ako dahil sa mga text ni Vincent at ayokong nire-replay-an sya agad dahil hindi na ito titigil sa pangungulit.
"See you tomorrow guys." Paalam sa amin ni Marie bago tumakbo papunta sa itim na kotse.
"Mauuna na din ako." Pa-alam ni Diary sa amin, kaya kaming tatlo nalang nila Jona at Faustin ang naiwan na naghihintay sa waiting shed.
"Malayo ba dito ang bahay mo Faustin?" Curious na tanong ni Jona habang naka-hawak sa lace ng shoulder bag nya, napalingon ako kay Faustin para hintayin ang isasagot nya.
Nag-angat sya ng tingin sa aming dalawa at itinago ang hawak na cellphone.
"Oo medyo malayo, sa baryo pa ang sa amin." Simpleng sagot nya pagkatapos ay agad na nag-iwas ng tingin .
"Talaga? Malapit ba kayo sa ilog? Pwede ba kaming pumunta sa inyo sa weekend?" Sunod-sunod na tanong ni Jona.
Hindi ko maiwasang ma-excite sa ideyang iyon.
"Medyo malapit lang pero hindi ko alam kung kailan ako pwede dahil sumasama ako sa bukid para umani." Sagot nya kay Jona, nawala ang ngiti sa labi ni Jona dahil sa narinig.
"Ganon ba? Gusto ko pa namang mag-relax dahil nai-stress na ako sa school." Pagpapa-rinig nya kay Faustin, kahit ako ay hindi ko napigilan ang sarili na sumali sa usapan.
"Ako din gusto kong mag-picnic sa ilog." Mahinahon kong sabi, tinatantya kung ano ang magiging reaksyon nya.
Nagbuntong-hininga lang sya bago inilagay ang dalawang kamay sa bulsa.
"Sige, sasabihan na lang kita Coligne kung kailan pwede." Tila napipilitang sabi nya.
"Ayy! kaharot bakit sya lang ang sasabihan mo?" Pang-aasar ni Jona kay Faustin.
Hindi na lang sya nito pinansin at ako naman ang kinulit ni Jona.
"Hoy! Coligne, anong mayroon sa inyo? Care to share?" Naniningkit ang bilugan nyang mga mata habang sinisiko ako.
Pilit ko syang binalewala hanggang sa dumating na ang sundo ko. Ibinaba ni Kuya ang windshield ng sasakyan at sinulyapan ang mga kasama ko.
"Hi Kuya Cole, ingat po sa pag-uwi." Agaw ni Jona sa atensyon ni Kuya, ngiti lang ang isinagot nya bago huminto ang mata kay Faustin. Pero parang may iba pang hinahanap ang mata nya.
Bago ako tuluyang makapasok sa loob ng sasakyan ay napansin ko ang pamilyar na kotse na nakasunod kay Kuya.
"Sino yung isa nyong kasama?" Napabaling ako kay kuya ng magtanong sya habang diretso ang tingin sa daan.
"Classmate ko, Kuya." Simpleng sagot ko, saglit syang sumulyap sa akin.
Bago umangat ang kanan na kilay para bang may hinihintay pa syang marinig saka ibinalik ang tingin sa harapan.
"Full name?" Napalabi ako dahil bihira lang ma-curious si Kuya sa mga kaklase ko kahit babae pa iyon.
"Faustin Laurente, Kuya." Nakita ko ang pagtagilid ng ulo nya para tignan ang side mirror.
"Faustin Laurente" Narinig kong pag-ulit nya sa pangalan pero mahina lang iyon dahil tila may iniisip sya. Ilang sandali lang ay nakita ko ang paniningkit ng mata nya at kumunot ang noo, mrahas syang napabaling sa akin.
BINABASA MO ANG
Seducing My Brother's Bestfriend
RomanceBeing known as one of the wisest women in their batch is the best facade for not-so-smart Coligne. Being perfect is no easy job, pretending to be calm while everyone is having a hard time reviewing for the sake of their grades. That's how it works;...