Chapter 2: Who the hell is he?!
Nagising ako sa tilaok ng manok naming si chester. Oo, may pangalan ang tandang namin. Kumirot ang sintido ko. Napadami nga pala ang inom ko kagabi.
Nga pala, hindi kami mayaman. Hindi rin naman sobrang hirap. Average lang ang buhay namin. Ayos na yung tatlong beses kumakain sa isang araw. Half-half ang bahay namin, hindi phil-am ha. Ibig kong sabihin, kalahati gawa sa samento ang kalahati sa kawayan. Matandang bahay kasi ito ng mga ninuno namin. Actually hindi naman sobrang ancient, yung mga lola ko lang.
"Casey!!!!!! Tanghali na. Bumaba ka na dito!" Rinig ko ang sigaw ni mama sa baba. 2nd floor kasi ang bahay pero hindi naman ganun kalaki. Nasa taas ang 3 kwarto at sa baba naman ang mga kusina, salas at banyo.
"Opo ma!" bumangon na ko bago pa ko sugudin dito ni mama para hampasin ng walis tambo sa puwet. Morning person kasi 'yung si mama. Ang sabi nya hindi daw maganda yung nasisinagan pa ni haring araw sa kama. Bad luck daw ang katapat 'non.
Tumingin ako sa maliit na salamin na nakasabit sa may pinto ng kwarto ko, "Ay lentek, may sisibol na pimple." sabi ko habang kinakapa ko ang parang me usbong sa may noo ko.
Pano nga ba hindi e halos gabi gabi akong puyat. Ni hindi ko nga pala nasalubong ng maayos ang new year kagabi. Natulog na 'ko at napagod din sa kakaiyak.
Inilapit ko ang muka ko sa salamin at tiningnan ang umuusbong kong pimple para maagapan agad. nang...
*BOGSH*
Biglang may nagbukas ng pinto ng sobrang lakas at nauntog ang noo ko sa may salamin.
"Ouch!!!" yung feeling na sisibol palang pero pakiramdam mo sobrang lalaki na nya kasi nauntog. "Lenjok naman Fate! Yung pimple ko!! Uso din kumatok ano!" sabi ko habang kinukuskos ang tagihawat na na-damage.
"E kasi naman, pinapunta na ko ni mama dito para paluin ka ng walis-tambo kasi akala nya hindi ka pa bumabangon." nakita kong may hawak nga syang walis.
"At nagiinarte ka nang nanay ngayon?" kinuha ko sa kanya ang walis, "Ikaw kaya ang hampasin ko neto" at umakto akong hahampasin sya.
"Ate naman e!" natatawa pa talaga sya, "May bisita ka kasi sa baba."
"Ano kamo? Bisita?"
"Oo, kaya bumaba ka na." lalabas na sana sya pero humarap ulit, "At maghilamos ka muna, kadiri yang panis na laway mo e."
"Aba't talagang-" umakto akong hahampasin ko ulit sya. Binelatan nya ako saka lumabas na.
Pumunta ako sa banyo ng kwarto ko. Sa lahat ng kwarto dito ito lang ang may banyo. Naghilamos ako at pinunasan ang mukha ko. "Ano daw? Bisita? Sino naman kaya yun.." Hindi talaga ako nageexpect ng bisita ngayon. Nagbihis ako ng mas maayos na pambahay at sinuklay ang buhok ko. Pagbaba ko sa kwarto naabutan ko si mama na nagluluto.
"Ma."
"O nak, me bisita ka daw, nasa sala." tumango na lang ako at dumiretso sa sala.
Nakita ko ang taong hindi ko inaasahang makita dito sa bahay miski sa panaginip...
Si Cherry.
Sino si Cherry? Sya lang naman yung babaeng kahalikan ng boyfriend ko nung hapong iyon.
Tumayo sya mula sa pagkakaupo nang makita nyang dumating ako.
"Hi Casey.." may inilahad sya saking tumbler ng kape, masaya nyang bati at hinihintay nya lang na kunin ko ang kapeng hawak nya.
BINABASA MO ANG
I Love my Rebound
Fiksi RemajaGaano nga ba kahirap mag move on mula sa taong sobra mong minahal? Gaano kahirap makalimutan ang taong halos araw-araw mo namang makikita dahil wala kang choice? Gaano ba katagal ang kailangan? Okay. Let's rephrase the question. Paano nga ba mag mov...