Chapter 15 - Ganap

89 2 1
                                    

Zam's POV

OOOOOOKAAAAAY... Bakit nawawala ang mga tao ngayon? Ang creepy dito sa apartment!!! -.- Si Fia, nandun, nilamon na ng mga sem ender activity prep at paperworks ng org. Ang dami kasing activities ng org ngayon sem, kailangan pa ng sem ender party. Medyo magiging madali lang sana kung lahat ng officers niya, tumutulong,. President siya ng org namin. Yep, busy na kasi ang mga 3rd year at 4rth year namin kaya sa lower years pinasa yung mga positions. E ayon, sinasarili na lang niya kasi kahit anino ng mga officers niya hindi niya mahagilap.

Si Gie busy sa varsity practice. Volleyball player siya. Malapit na kasi ang School meet kaya everyday na din ang practice nila after classes. Uuwi na lang yun na mukha ng narape sa sobrang pagod. Haaay,

Si Khai, may pinapaasikaso yung parents niya sa kanya kaya kailangan niyang umuwi at magpaexcuse ng isang linggo. Ang hirap talaga maging anak mayaman..

Si Fudge? Ewan ko sa babaeng yun. Medyo missing in action nitong mga nakaraang linggo. Simula nung mabalitaan namin na nagbreak na sila nung boyfriend niyang higad, hindi na napirmi dito sa bahay.

Si Ace?

*doorbell!*

Tunog ng doorbell namin yan, walang aangal. Ewan ko ba kay Chikky kung bakit ganyan tunog niyan. haha! Anyway, binuksan ko na yung pintuan.

"Hi, Zam!" o ayan, hinahanap niyo si Ace?

Tambay na siya dito sa bahay. Malay ko ba diyan, parang gusto na rin atang makitira dito sa apartment sa sobrang dalas niya dito. Mas naging close kami nung nilibre niya kami ni Fudge sa Mall. Saka, mas naappreciate ko siya simula nun. Parang hindi lang dahil dun sa agreement kaya gusto niyang makisama samin. Nagiging close na nga rin niya yung barkada. Maliban na lang kay Jet. Ilang linggo na din kasing missing in action at laging busy. Ewan. Nakakatampo pero.... aaahh basta. Hayaan na muna natin.

Anyway, Maalala niyo yung sa mall? Yea, ako yung nakita nila. Nagulat pa nga ako nung nakita ko sila ni Fudge na magkasama. Eto yung nangyari...

*MegaFlashback*

Naglalakad-lakad lang ako sa mall dahil end na ng exams, wala akong magawa at nagke-crave ako ng ice cream. Ayan, alone ang drama ko. Keri lang kahit mag-isa.. Nakabili na ako ng dalawang scoop ng triple chocolate ice cream. Masayang naglalakad palabas ng ice cream parlor nung saktong pagangat ko ng tingin nakita ko din sila Fudge at Ace na pumasok ng ice cream parlor.

"Ace..."

Napatingin sila pareho sakin. "Zameeeee!!!" si Fudge yan.. sino pa ba? Lumapit siya sakin sabay yakap. Parang nawawalang bata..

"sinong kasama mo?" dinig kong tanong ni Ace.

"wala nga e. Gusto ko lang ng ice cream kaya nagpunta ako mag-isa.. Kayo? Ba't magkasama kayong dalawa?" sagot ko naman... Nang tignan ko si Fudge, umiiyak na siya..

Anong problema ng babaeng to?

"tara, upo muna tayo... Kwento namin ni Fudge sayo lahat."

Umupo kami sa gilid na part ng ice cream parlor, medyo nakatingin na din kasi yung mga tao samin. Nagumpisang magkwento si Ace habang kapit tuko parin si Fudge sakin kahit matutuluan na siya ng Ice Cream ko. Baliw talaga to...

*endofMegaFlashback*

Ayun nga yung nangyare...

"Pasok ka.. Kasama mo?" tanong ko kay Ace na nakatayo parin pala sa may pintuan.

"Ako lang.. may dala akong DVD saka ice cream. tara Marathon tayo.. Tinext ko na din si Fudge, pauwi na daw siya." sabi ni Ace sabay upo sa sofa. Ayan..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Kind of Fairytale Lovestory ~Editing~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon