CHAPTER 5

12 0 0
                                    

FIVE (5)

Dalawang linggo bago matapos sa ikalawang taon sa Senior HighSchool ay pinaplano na nina James, Allan, Rex, Althea, Cathy, Grace at Karen ang kanilang magiging bakasyon. Ito ay upang anila’y ‘ma-refresh’ at matanggal ang stress na pinagdaanan nila sa buong taon ng pag-aaral. Napagpasyahan nila na sa probinsiya nina Raphael sila magpupunta.

Sa kabila ng pagtutol at babala ni Raphael tungkol sa kanilang lugar sa probinsya ay tila hindi na mapipigilan ang magbabarkada sa planong pagbabakasyon roon. Binigyang-diin ni Raphael na ‘maiinit sa mata’ ang mga dayo at bagong salta sa lugar nila. Idinagdag na rin niyang ipaalam sa mga kaibigan na may misteryong nagaganap sa lugar. Ngunit, hindi iyon pinansin ng mga magbabarkada. Dahilan nila ay mga ‘adventurous’ naman daw sila. Ayun pa sa kanila, mas maganda nga iyon dahil mas may ‘thrill’ at ‘suspense’ ang kanilang magiging bakasyon.

Wala nang nagawa is Raphael kundi pumayag sa ‘trip’ at gusto ng mga kabarkada. Kahit pa hindi niya alam ang maaaring kahihinatnan ng ‘pagbabaksayon’ nilang iyon. Matagal na rin kasi siyang hindi nakakauwi sa kanilang lugar. Gusto rin niyang makabalik dito kahit ilang araw o linggo lang. Hindi lamang niya alam kung hanggang ngayon ba ay may mga kakatwa o kababalaghan pa ring paniniwala o mga pangyayari sa lugar.

Ang lugar nila Raphael ay bahagi ng isang bulubundukin. Dahil sa malayo ito sa kabihasnan ay nananatiling limitado ang supply ng kuryente rito. Bukod sa hindi kaya ng mga nakatira rito ang gastos sa pagpapakabit ng sariling linya ng kuryente ay ayaw din nilang mamroblema sa buwan-buwan na bayarin. Kaya, halos lampara lamang ang ilaw ng mga bahay doon sa gabi. Mayroon ding particular na oras ang supply ng kuryente – ibig sabihin, kahit na magpakabit ka ng kuryente sa lugar ay hindi rin 24-oras kang makakagamit.

Wala ding signal ang alinmang network provider sa buong isla. Nananatiling payak at tila hindi pa nababahiran ng sibilisasyon ang lugar. Luntian ang paligid. Halos maihahalintulad pa sa kagubatan ang mga pamayanan sa dami ng punong kahoy. Nakakabingi rin ang katahimikan sa gabi – na puro tunog at huni ng mga kulisap at insekto ang iyong maririnig.

Mga bagay na gustong-gusto ng magbabarkada. Dahil anila’y sawang-sawa na sila araw-araw na nakikita sa siyudad. Gusto din anilang makalanghap na ng sariwang hangin.

Kaya’t dalawang araw matapos ang kanilang Completion Rights sa kani-kanilang napiling kurso sa Senior High ay agad silang bumiyahe papuntang probinsiya nina Raphael.

Ginamit nila ang isa sa mga sasakyan nina Rex. Isang uri ito ng van na 18-seater. Kaya’t maluwag pa ang kanilang sasakyan dahil iilan lang naman silang magkakasama.

Si Rex na rin ang nag-drive. Ito pa lamang kasi ang nakakakuha ng driver’s license sa kanilang magkakaibigan.

Nakailang stop-over sila dahil sa kinailangan nilang dumaan sa groceries, fast food at para mag-CR. Bumili sila ng mga pagkain at mga bagay na kakailanganin nila habang nasa probinsiya. Bumili din sila ng makakain nila habang nasa biyahe.

Dahil sa mahabang biyahe, hindi naiwasan ng mga magbabarkada na antukin at makatulog sa daan.

Tanging ang driver na lamang na si Rex at si Raphael na siyang nagtuturo ng daan ang nananatiling gising. Sanay si Rex sa pagda-drive at dahil sa labis nitong kinahiligan ang pagmamaneho ng sasakyan, tila hindi ito tinatablan ng antok kapag ginagawa iyon, lalo pa kapag may pinapatugtog sa sound system na mga paborito niyang kanta. Nakatulong din ang maya’t-mayang pakikipagkuwentuhan sa kanya ni Raphael.

At matapos ang ilang oras na biyahe ay nagising na lamang ang mga natutulog nang maramdaman nilang tila napapadalas ang pag-uga ng sasakyan dahil sa malubak na daan.

Kukurap-kurap ang mga matang sumilip sa bintana ng sasakyan ang mga nagising na magkakaibigan.

“Narito na ba tayo?” tanong ni James na kinukuskos pa ang mga mata.

LIHIM NG SAN PATRICIO (Siete/Kuarenta Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon