JEEPNEY 2

4 0 0
                                    

NAKAUPO SI EANA kasama ang kanyang kasintahan sa loob ng isang jeepney na kanilang sinasakyan. Tulog ang lalaking iniibig nito sa kanyang kanang balikat habang inihahanda niya ang kanyang planong pakikipaghiwalay rito dahil nakatakda siyang ipakasal sa lalaking hindi pa n'ya nakikilala.

"Patawad mahal ko. Pero wala na akong magawa kundi ang pumayag kina mommy," bulong nito sa lalaki habang mapait na nakangiti.

"May makikilala ka ring magmamahal sayo ng higit pa sa nagawa ko, mas sasaya ka sa kanya, sana h'wag ka n'yang iiwan 'di gaya ng gagawin ko," sambit nito sa lalaking mahimbing ang tulog sa kanyang balikat saka hinalikan ang ulo ng kanyang minaahal.

Ngayon ay ang ikatlong anibersaryo nila ni Adrian. Masaya kung iisipin ngunit isang bangungot ito sa kanya pagka't lilisananin na n'ya ang lalaking minahal n'ya ng buong buhay n'ya.

Agad na pinahid ni Eana ang kanyang luhang pumatak ng hindi n'ya namamalayan nang biglang gumalaw si Adrian.

ILANG MINUTO PA ANG LUMIPAS nang makarating na sila sa kanilang destinasyon—ang parke. Kaya agad nitong hinawakan ang kamay ni Adrian saka tumulo ang luhang kanina pa nagbabadyang tumulo.

"Bakit mahal? Ano'ng problema? May masakit ba sa'yo?" Nagtatakang tanong ni Adrian sa babae.

"M-mahal, h-happy 3rd anniversary, p'wede bang do'n na muna tayo sa bahay n'yo? doon na lang tayo mag-celebrate 'hal," naiiyak na wika ni Eana.

"Sige, sabihin mo na muna kung bakit ka umiiyak, nag-aalala ako mahal," pangungulit ni Adrian.

"Later mahal, pagdating natin doon sa inyo,"

Sumakay na muli ang dalawa sa jeepney habang nanatiling nakayuko si Eana.

"Mahal?" Panimula ni Eana

"Sorry, 'di kita naipaglaban kina mommy," nababarang ang boses na wika ni Eana.

"About ba sa--"

"I-ikakasal na ako sa makalawa mahal, a-ayoko pero wala akong maagawa, i-itatakwil ako ni dad," pagpapatuloy ni Eana.

"Mahal, I understand, masakit pero kailangan eh,"

Niyakap ni Adrian si Eana ng mahigpit kahit na s'ya na alam na n'ya na anumang oras ay tutulo na rin ang luha niya. Hinalikan ni Adrian ang ulo ni Eana.

"This'll be our sweetest and easiest yet kind of hard goodbye, my love, I'll let you go and fly, and I'll let you walk away with my heart. I love you Eana, 'til infinity runs out," mangiyak-ngiyak na wika ni Adrian,

"Till we meet again, mahal ko," sambit ni Adrian,

Mapait na nakangiti si Eana habang nakaharap sa lalaking minamahal n'ya. Kahit na basang-basa naang kanyang pisngi ng luha at pinagtitinginan na sila ng iilan sa mga pasahero'y wala silang naging pakialam sa paligid nila. What matters right now for them is this moment.

Mabigat man sa loob ni Adrian na lisanin si Eana't ihatid ito'y hindi na nito nagawa dahil sabigat na nadarama nito. Sa kabilang banda'y impit ang naging pag-iayak ni Eana habang pinagmamasdan ang lalaking pinapangarap n'yang makakaharap n'ya't makakasama habang-buhay na lumalakad papalayo sa kanyang kinaroroonan.

----PAGTATAPOS

JEEPNEYWhere stories live. Discover now