Chapter 18: O

44 2 2
                                    

KALEIDOSCOPE’S CHAPTER 18: The ablaze flame of avid and it’s stifling puff of smoke

I.

CHITTAPHON

I‘m sorry.” Fuck it. Why did I said those words out loud?

Hindi ko na matukoy pa kung ano ba nga ba talaga ‘tong emosyon na nararamdaman ko kanina pa. Napakahirap na nilang pakisamahan, parang may napakaraming mga boses na nag-uudyok sa akin na sabihin ang mga salita na kanina ba nagtatangkang lumabas mula sa bibig ko, na alam kong maaari lamang maging tulay para sa isang kaguluhan.

Hindi ko na namalayan pa sa aking sarili ang kusang paghigpit ng kapit ng malalamig at nagpapawis kong mga kamay sa likurang bahagi ng suot na damit ni Jaehyun.

Mistula bang wala na akong balak pang pakawalan o bitawan siya muli.

Panandalian na pinamunuan ng tensyonado at nakakabinging katahimikan ang buong rooftop, walang ibang maririnig kundi ang kalmado at nakakagaan sa pakiramdam na kaluskusan sa isa’t isa ng mga dahon na mula lamang sa matayog na punong katabi ng ospital kung saan kami kasalukuyang naroroon.

“Hey,” I automatically felt his confounded and unease stares landed onto me as soon as that word slipped out from his lips which just made me more nervous and conscious. “Are you okay? You’re body temperature seems hotter than usual.” He added while his embrace loosen up a bit, followed by a warm and soft palm touched my forehead.

Palihim naman akong napapikit dahil sa init na ibinigay agad nito sa nanginginig na sa lamig kong katawan.

Ah, his warmth, it’s oddly relaxing. Don’t remove it. Stay a little longer.

Para bang panandalian na nawala ang bigat, panlalamig, at panghihina na nararamdaman ko kanina lamang.

Don’t let me go, even just for a minute.

“Damn it.” Bahagya akong napapitlag dahil sa malutong na murang bigla na lamang lumabas mula sa bibig niya, animo’y galit na galit siya sa nais niyang batuhin ng salitang ‘yon.

Mabilis naman akong dinaluyan ng pangamba dahil do‘n, pati na rin ang matulin na pagragasa ng mga katanungan sa utak ko.

W–What happened? Am I that obvious? Did he—

“I shouldn’t have requested Dongyoung to bring you here. You have a fever.”

Ano?

“Ha?” Naguguluhang tanong ko at sa pagkakataon na ‘to ay humugot na ako ng lakas ng loob upang tumunghay at tignan siya sa mga mata niya.

Tumambad naman sa akin ang mukha niyang sapul na sapul ng liwanag na ibinibigay ng buwan, dahilan para kaagad kong mahalata ang mukha niyang may nakaguhit na nag-aalalang ekspresyon, idagdag niyo pa ang nakataas niyang kanang kilay pati na rin ang pag-aalala at pagsisisi sa kanyang mga mata na tila ba mga salamin na kumikislap dahil sa liwanag na mula pa sa buwan.

“Ang sabi ko, may lagnat ka. Come on, let’s get inside.” Sa puntong ‘to ay tuluyan nang kumalas ang maiinit na bisig niyang nakapulupot sa maliit at katamtaman kong katawan, tulay para magsimula na naman muling mangatog ang katawan kong nasanay na sa init na pinadaloy ni Jaehyun galing sa kanyang katawan. “Ipapahatid na lang muna kita kila Dongyoung. Take a rest, I’ll buy you some medicines before you go home.” Pahayag niya pa sabay maingat akong hinila gamit ang kamay niyang ngayon nama’y nakayapos na sa kanang pulsuhan ko.

Kaleidoscope » Jaeten ✧Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon