By: PsychopathSisters
(This story is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of the author's imagination, or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, or events is entirely coincidental.)
A/N: Hiya~! Andito na naman si ako! Ang pa-iba ibang isip, may pagka-childish at weird nyong author! Riri ng PsychopathSisters. This is my first time writing a one shot in this account. May nasulat na akong one shot story pero nasa account ko kasi iyon.
Anyway, this story was born the moment I heard the song "A sad love song" by Davichi. Kaya iyong may oras na ako, tinype ko agad at Voila! Eto na ang nagawa ko. Hahaha! Bahala na sina Rara at Ruru ang mag-edit nito.
Enough of my blabbering!
-----------------------------------------------------------------------------------------------
“There are a lot of things I feel sorry for, but there are a lot of things I couldn’t say
For you who have turned away right now, I can only give tears
Truthfully, I’m so upset; I don’t even know the reason
To why I have to separate with you.”
A sad love song by Davichi (translated to English)
-------------------------------------------------------------------------------------------------
Bakit kaya, laging bumabalik sa akin ang lyrics ng kanta ng davichi? Siya nga pala ang davichi ay isang Korean female duo artists, narinig ko lamang ang kanta nila sa mp3 ng kaibigan ko. Pagkatapos ni-research ko ang kahulugan kaya alam ko kung tungkol saan ang kanta.
Siguro natatamaan ako sa pinapahiwatig ng kantang ito.
(1 year ago….)
“Lucas!”
Lumingon ako at nakita ang pinakamamahal kong babae. Tumatakbo papunta sa akin. Napangiti ako sa galak. Niyakap ko siya agad ng sobrang higpit.
Niluwagan niya ang pagkakayakap sa akin at tumingin siya sa akin.
“I miss you…” sabi niya.
“I miss you too, Sarah…” pagkasabi ko nun ay hinalikan ko siya sa labi.
Mahal na mahal ko talaga ang babaeng ito. Hinding hindi ko siya ipagpapalit kahit ano man ang mangyari. Pagkatapos ko siyang hinalikan ay hinawakan ko ang kanyang kamay at nagsimula na kaming naglakad. Halata sa kanyang mga pisngi na namumula siya.
--------------------------------------------------------------------------------------------------
“I’m so upset
For real, for real, I’m crying right now
Though you see me smiling”
Sad love song by Davichi
---------------------------------------------------------------------------------------------------