9

35 4 9
                                    

Daig ko pa ang binangungot nang bigla akong mapabalikwas sa kinauupuan ko. Gusto ko na ngang tampalin ang magkabilang pisngi ko dahil napagtanto kong nakatulog ako nang mahigit dalawang oras. Sobrang nakakainis, kung hindi sana ako nagpatalo sa antok, malamang ay natapos ko na ang pinagagawa ni Ms. Odeth.
"Ang tanga ko talaga!" bulalas ko at isa-isang inayos ang nagkarambolang papel at resibo sa mesa kung saan nakapatong ang ulo ko kanina lamang.
"Uy, gising ka na pala."

Sa sobrang pagiging abala ko ay hindi ko na namalayang may kasama pala ako sa loob. Halos takasan na naman ako ng aking kaluluwa dahil nakita kong papalapit si Eric at may bitbit itong dalawang tasa ng kape. "Nandito ka pa pala?" gulat na tanong ko sa kanya. "Yup," sagot niya saka ipinatong sa mesa ang kape na itinimpla niya. "Bakit? Inutusan ka ni Ms. Odeth?"

Umiling siya. "No, pero alam kong hindi siya makatarungan sa'yo."

"Alam ko pero wala naman akong magagawa eh. Superior natin siya," sagot ko na lang sabay ismid. Mukhang hindi naman siya kumbinsido sa isinagot ko. "May magagawa ka. Hindi ka lang talaga umiimik. Look, Krisnel wala tayong bayad dito. Tayong lahat, iisa lang ang goal. Gusto nating tumulong. Pero ang lumalabas, hindi sila nakikipagtulungan at inaasa na lang ang lahat sa'yo. Ano ba naman 'yong kumuha siya ng makakasama mo rito. Makina ba ang tingin niya sa'yo? Hindi mo nga matatapos 'yan kahit 'di ka nakatulog eh."
Masyado siyang concern base sa pananalita niya. Hindi ko ma-gets ang pagtrato niya sa akin ngayon. Paano niya nalaman na nandito pa ako? Samantalang hindi ko na nga siya nakita kanina? Mas galit pa yata siya kaysa sa akin na talagang inutusan para gawin ang task na 'to. "Eric, hindi mo naman kailangang maging concern masyado. Isa pa, kung hindi ka naman inutusan ni Ms. Odeth, hindi mo naman ako kailangang samahan," mahinahon kong paliwanag. "Then? Kapag pumalpak ka, ikaw lang ang sisisihin? Kailangan mo nang baguhin ang ugali mong 'yan Krisnel. Masyado kang mabait, inaabuso ka na nila. Hindi ka pa ba nakakahalata?"
Lalong nalukot ang guwapong mukha ni Eric. Mas apektado siya sa akin. "Look, naayos ko na ang iba dyan," pagtukoy niya sa paperworks ko. Habang nakatingin ako sa kanya, pilit ko pa ring binabasa ang kanyang kilos, pati na rin ang mga mata niya. Kung magsalita siya, parang kilala na niya ako nang lubusan. Samantalang ilang buwan lang naman kaming magkaklase noon. Natameme na lang ako at sinubukang ilayo sa kanya ang mga papel na kailangang i-file at i-check nang maayos.

"Why you can't even say a word? Tama ako di ba?" untag niya pa saka tinapik ang kamay ko para mabitawan ko ang mga papel. Seryoso ko siyang tinapunan ng tingin. "Bakit ka ba ganito? Bakit simula nang magkita tayo, bigla kang bumait? Hindi mo ba alam, ginugulo mo lang ang utak ko? Hindi ko alam kung gumaganti ka lang ba, kasi alam kong galit ka sa 'kin!"
Nailabas ko rin nang 'di inaasahan ang mga tanong na gusto kong itanong kay Eric. Nahihirapan na talaga ako, parang sasabog na ang puso ko kapag hindi ko 'yon nailabas. Parang malaking bara ang mga tanong na 'yon na parang iyon ang dahilan kaya ako nahihirapang huminga.

"Kahit kailan hindi ako nagalit sa'yo Krisnel." Lumalim ang baritono niyang tinig at mas sumeryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. "Gusto kong mag-sorry dahil nasaktan kita, remember that day? Tinanong kita noon kung bakit ka mabait? Akala ko ay oportunista ka."

"Anong big deal doon? May magbabago ba sa'yo? Wala naman 'di ba? Napaka-immature mo pa noon at sarili mo lang ang iniisip mo Eric."
Bahala na, basta nasabi ko rin ang gusto kong sabihin. Gusto ko na lang makaiwas sa kanya. I think I should go home. Papunta na ako sa unahang pinto pero nasundan niya kaagad ako at hinawakan ako sa braso nang marahan. "Bakit mo ako iniiwasan kung wala lang sa'yo lahat ang nangyari noon. Ininsulto kita 'di ba?" nakataas ang boses niya habang naghihintay ng kasagutan mula sa akin.
"Eric ano ba? Matagal na 'yon, hindi ako nagalit sa'yo. Ako pa nga ang dapat mag-sorry eh, napagsabihan kita ng masasakit na salita. Hiniling ko pa na sana may masamang mangyari sa'yo dahil lang sa letseng group activity. Tapos ayun nga, nabalitaan kong may nangyari nga sa tatay mo. Ako ang dapat mag-sorry." Napatakip ako ng mukha. That's the reason why I'm avoiding him, big deal pala talaga sa akin 'yong napagsalitaan ko siya nang hindi maganda noon. At big deal naman sa kanya ang pag-iinsulto niya sa akin. So after all these years, inakala lang ba namin na galit kami sa isa't isa? Did we really misunderstood each other?

Say Goodnight [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon