CHAPTER 1

13 1 0
                                    

CHAPTER 1: LET'S TRAVEL

Sino ba nambubulabog sa kwarto ko. Ang aga-aga nambubulabog. Ang ingay pa ng music sa kwarto ko. Bwisit naman eh!

"Hmmmmm....." balikwas ko sa kama. Ayoko pang bumangon. Anubayan! Sino ba kasing nilalang ang nagbukas ng kurtina ko. Ang liwanag masyado para namang gusto ako masilaw eh.

Pinilit kong buksan ang mata ko para makita kung sino ang nasa kwarto ko. Malay mo mamaya, linooban na pala ako diba tapos nag-eenjoy pa akong matulog. Kung i-rape ako, mahirap na.

Unti-unti kong binuksan ang mga mata. "Aaahhh!" sigaw ko. Mali pala ata na binuksan ko yung mata ko. Nagsisi tuloy ako kung sino nakita ko.

"Ailue Crystal Kwon. Tumayo ka dyan kung ayaw mong maiwan!" sigaw ni Mommy ko sa akin. Ayokong sumama sakanila. Wala naman akong gagawin dun bukod sa mamasyal. Lagi-lagi na nga kaming lumalabas eh. Ayaw ba nilang magpahinga kahit minsan. Hindi ba nila alam na mahirap lumakbay ng lumakbay?

"Isa Crystal! Bumangon ka dyan kung ayaw mong paliguan kita ng malamig na tubig" banta saakin ni Mommy. Aish! Nakakainis naman si mama eh.

Tinulak ko yung kumot ko sa paanan ko at sumimangot ako kay Mommy. Nakakainis naman kasi. Inaantok pa ako eh. Kasalanan ko din naman, sino ba naman kasing tao ang magrereklamo na inaantok pa, eh ako itong nagpuyat kagabi.

"Hindi mo ako magaganyan Crystal. Bumangon ka na dyan at maligo ka na. Bumaba ka na pagkatapos mo hah, para makakain ka na" sabi ni Mommy at umalis na rin sa kwarto ko pagkatapos.

Binalik ko ang sarili ko sa kama. Hinila ko yung kumot at nahiga ulit. Ayoko talagang bumangon. Ang aga-aga pa para magising.

"AILUE CRYSTAL, PAG AKO BUMALIK DYAN SA KWARTO AT NAKAHIGA KA PA KUKURUTIN KO YANG SINGIT MO" sigaw ni Mommy sa labas. Aish naman eh!

Binangon ko na lang sarili ko sa kama. Pinilit kong hinihila sarili ko papunta sa CR para makaligo na. Pagkatapos kong magpalit, lumabas na ako ng kwarto. Sabay pa ata kami ni Alex.

"Maaga ka ding ginising?" tanong ko. Tumango lang ito at nagsimulang maglakad papunta sa hagdanan. Katulad ko, parang hinihili na namin sarili namin sa kusina.

*Hapag-kainan*

"Saan na naman niyong balak pumunta mama. At kailangan ba talaga ganito ka-aga ang paggising niyo saamin?" paano ba naman kasi nagpuyay kaming dalawa ni Alex kasi ang alam namin, pahinga muna kami tapos ngayon may pupuntahan.

"Kailangan maaga tayo ngayon dahil pupunta tayo sa Korea. Naka-book na tayo for 9:00 am flight. Kaya kailangan niyong bumangon kaagad. 5 days tayo doon. Kaya pagkatapos niyong kumain dyan, ayusin niyo na ang mga gamit niyo dyan." bilin sa amin ni Mommy.

Kung nagtataka kayo kung nasaan si Daddy, as usual nasa business trip at syempre kung saan kami pupunta nandun din si papa. Ganito na lang lagi routine namin sa bahay. Lakwatsa dito, lakwatsa dyan yung feeling mo tourism ang course mo dahil sa dami ng pinupuntahan niyo. Pinipilit pa sa amin ni Mommy na mag-aaral ng mga language lalo na ang Korean, Chinese, Japanese, Spanish, French at Dutch. Ewan ko ba kung anong gustong palabasin ni Mommy sa amin. Ano yun! International kami, balak ata kaming maging translator eh.

Nang matapos kaming kumain, dumiretso na kami sa mga kanya-kanya naming mga kwarto para mag-impake. Hindi naman ganun ka rami ang kailangan i-impake eh. Sigurado ko bibili at bibili si Mommy ng mga bago naming damit kung saan kami pupunta.

Iniayos ko na yung maleta ko at ibinababa. Hinihintay na lang naming ngayon si Alex para makaalis na kami.

"Ano ba Alex? Ano bang ikinatatagal mo dyan at ang tagal mong bumababa!" sigaw ni Mommy kay Alex. Paano ba naman kasi malalate na kami sa flight namin andoon pa siya sa kwarto niya.

Hindi nakapaghintay si Mommy, ayun siya na ang tumaas para makita kung anong ginagawa pa ni Alex sa kwarto niya.

"Hay naku!" sigaw ni Mommy sa kwarto ni Alex.

Umalis sa kwarto ni Alex si Mommy saglit. Maya-maya bumalik siya ng may hawak-hawak na isang balde ng tubig. Hahahaha kawawa 'to kay Mommy nyan.

*SPLAAAASSSSHHHH*

"AHHHHHHHH!...." sigaw ni Alex. Napabangon ng di oras sa kama niya hahaha.

"Kanina pa kita tinatawag Alex. Sinabi ko ba na matulog ka hah" galit na sabi ni mama sakaniya

"Mommy naman kasi eh. Ang aga niyo naman kaming gisingin ni Crys eh. Normal lang na matutulog ako." depensya ni Alex sa sarili niya. Dinamay pa ako ng umag na 'to.

"Bakit hindi pwedeng sa flight ka na lang matulog?" tanong ni mama pero mark na galit si Mommy

Tinignan lang ni Alex si Mommy at bumangon na sa kama niya. Kumuha siya ng bago niyang mga damit at dumiretso sa CR. Kasi hindi naman kasi maggaganyan yan kung hindi siya natulog. Wala na, malalate na kami nito *insert sarcasm*

Hindi nagtagal nakarating na rin kami sa airport. Sakto na call time na namin. Dumiretso na kami kaagad sa Gate 6 para sumakay papunta sa Korea. Andami kasing alam ni Mommy eh. Para naman kasing mambabae si Daddy doon eh siya naman lablab ni Daddy.

*****

Unexpected (SHORT STORY)Where stories live. Discover now