3

1.2K 56 3
                                    


“SORRY, sorry na okay? Hindi ko naman sinasadya talaga.”

“Damn!”

Nakagat ni Laurice ang ibabang labi dahil sa sobrang hiya. Tumiklop ang tapang niya sa aksidenteng pagsusuka. Dahil sa kaniya kaya naligo sa suka ang lalaking kasama niya.

Medyo maayos na ang hitsura nila ngayon. Nakapaghilamos na sila at nang lumabas naman ito ng bar ay hindi niya ito tinigilan.Sinundan niya ito nang maglakad ito sa mga establishment na kahilera ng bar.

Nakarating sila sa isang sosyal na hotel at ngayon ay sakay na sila ng elevator, paakyat sa eight floor kung saan naroon ang suite nito.
Nang bumukas ang elevator ay patakbong sinundan niya pa rin ang lalaki. Malalaki ang mga hakbang nito kaya halos hingalin siya sa paghabol.

Tumigil sila sa pinakadulong suite. Hindi nito agad binuksan ang pinto ng suite at nilingon na muna siya.

“Miss, may kailangan ka pa ba?” mainit ang ulo na tanong nito.

Ang mga kilay nito ay halos mag isang linya habang matalim ang tingin sa kaniya. Yumuko siya at namumula ang mga pisngi na pinisil ang mga palad.

“M-makikiligo lang sana…” mahinang sabi niya.

“Ano?”

Pinalobo niya ang mga pisngi at huminga ng napakalalim. Tumingin rin siya sa puting kisame bago nagsalita ulit.

“Makikiligo sana ako, pwede ba?”

Wala siyang balak na bumalik ng hotel na tinutuluyan niya ng ganoon ang hitsura. Mukha kasi siyang basang sisiw dahil basa pa rin ang harapan ng dress niya. Umaalingasaw rin ang amoy ng suka na dumikit sa katawan niya.

“Makikiligo lang ako at lalabahan ko lang itong dress ko. May blower naman siguro sa cr kaya mabilis na matutuyo ang suot ko. Hindi ko na rin kayang tiisin ang amoy ko.” Sabi niya at itinuro ang basang harapan ng pink na dress niya.

Hindi na niya kayang tiisin pa ang amoy ng pinaghalong alak at suka niya. Masyadong dikit iyon sa katawan kaya kailangan niyang makaligo agad.

“Please? Aalis din naman agad ako. Sana naman matuto kang tumulong sa kababayan mo.” Pangongonsensiya niya.

Ibinaba pa niya ang tingin sa harapan ng dress at sa palda niya na basa rin ng tubig. Mayamaya ay biglang nangati ang ilong niya at hindi niya mapigilan ang pagbahing ng dalawang beses.

Umungol ang lalaki. Halatang may balak pa itong magreklamo pero bumahing lang ulit siya kaya napaungol na lang ulit ito at binuksan na ang pinto ng hotel suite.

“Five minutes ka lang pwedeng magstay sa kwarto ko.” anito nang pumasok sila sa loob.

Kahit paano ay napangiti siya sa gesture nito. Kahit pala mayabang ay may konsensiya pa rin ito. Pero nang maisip ang sinabi nito ay nagulat siya.

“Ay, grabe ka naman! Maliligo pa ako at saka magpapatuyo ng damit ko.” 

“Gaano ka ba katagal maligo? May balak ka pa bang magbabad sa bathtub?”

“Hah!” parang bumabalik na naman ang inis niya.

Pero pinigilan niya ang sarili na ipakita sa lalaki iyon. Siya ang may kasalanan kaya dapat lang na makisama siya.

“Thirty minutes ba pwede?” hirit niya.

Kumibot ang mga labi nito at binigyan siya ng blangkong tingin.

“Fine.”

Medyo nakahinga siya ng maluwag sa sagot nito. Kahit alam niyang napipilitan lang ito ay kaya na niyang tanggapin iyon. Siya na lang ang mag a-adjust. Tumalikod na siya at hinanap ang banyo na mabilis naman niyang nakita.

Nasa kanang bahagi iyon ng suite, malapit sa glass window. Ihinakbang na niya ang mga paa at balak na sanang lumapit sa banyo ng bigla siyang may maalala. Pumihit siya paharap sa direksiyon ng lalaki.

“May extra t-shirt ka ba?” tanong na naman niya.

Lulubusin na niya ang kakapalan ng mukha. Magkakabayan naman sila kaya hindi na masamang humingi siya ng kaunting pabor.

'Yung totoo? Makikiligo ka lang ba talaga o naiinip ka lang at ayaw mong umuwi sa sarili mong hotel dahil kapag iniwan mo siya ay mararamdaman mo lang ulit na mag isa ka?

Kinagat ni Laurice ang likod ng magkabilang pisngi niya. Nasagot na niya ang sariling tanong. Wala nga talaga siyang magawa sa buhay. Naiinip siya at ayaw niyang bumalik agad sa hotel at salubungin ng madilim na kwarto niya. Kaya kahit kalahating oras ay pagtatiyagaan na niya ang lalaki.

Parang mauubusan naman ng pasensiya na nahagod nito ang batok at lumapit sa couch saka binuksan ang malaking maleta. Basta na lang ito kumuha ng damit at inihagis sa direksiyon niya. Naipikit niya ang mga mata nang tumama sa mukha niya ang puting polo na inihagis nito. Nakasimangot na inalis niya ang damit sa mukha niya at tiningnan ito.

“Thank you, ha?”

Nagkibit balikat lang ito. Sa inis niya ay tumalikod na siya at nagmartsa papasok ng banyo.

“Kawawa ang babaeng pakakasalan mo, baka mas gustuhin pa niyang makipag usap sa pader kaysa makaharap ka.”

“Thirty minutes.” Anito. Narinig siguro nito ang sinabi niya.

“Sandaleeee!”

Letse ang sungit talaga!  

//FOLLOW. READ. VOTE. SHARE//

THE BUMP SQUAD SERIES: LAURICE THE LOVELY DJ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon