Chaper 1 : Ang Umpisa ng Pagibig

80 3 0
                                    

Tugpak. Tugpak... Tugtug pak.

Tugpak. Tugpak... Tugtug pak.

"Carvin, Itigil mo nga yan!"

"Opo 'nay. Saglit nalang"

Tugpak. Tugpak... Tugtug pak.

"Anak ng.. Ang aga aga nag iingay ka diyan. Tambol ka ng tambol"

Hay.. Iyan ang laging eksena sa aming bahay tuwing sabado. Eh anong gagawin ko, iyan lang ang time ko para mag praktis. Meron kasi kaming sasalihan ng mga kabanda ko na Battle of the Bands.

Ako nga pala si Carvin Cruz a.k.a. CC. 20 yrs old, 5' ang taas at di naman kaputian. Malapit ako sa mga magulang ko kaya ito din ata ang dahilan para maging malapit ako sa mga tao.

Ako yung tipong madaling makipag kaibigan, sabihan ng problema , taga payo, wag lang utangan. Hehe

Di ako nakapag tapos ng kolehiyo dahil sa kakapusan ng pera at ito din ang dahilan kaya nahihirapan kami ng gf ko sa nanay niya para ipaglaban ang anumang meron kami.

Tuwing alas n'webe ng umaga ng sabado nageensayo kami ng mga kabanda ko dito sa aming bahay. Si Andrew, ang kibordista,ang pinakamakulit sa lahat. Si Nix naman, ang bahista, ang kabaliktaran ni Andrew. Habang si Kevs naman ang pinaka matanong at mabusisi sa lahat, siya ang aming gitarista at bokalista.

Kapag dating ng tanghalian, dumadating naman ang gf ko. Siya si Samantha, 18 yrs. old at isang emo girl kung pumorma. Tawag ng lahat sa kanya ay Samantha kaya naman mas minabuti kong tawagin siya na Sam para iba sa lahat.

Si Sam ang tipo ng babae na palaban. Pag may problema s'ya, di agad sya susuko o iiyak nalang o kaya yung tatakbuhan. Palaban na babae kaya naman naniniwala ako na kahit malayo ang agwat ng pamumuhay namin ay ipaglalaban niya ako.

Mula tanghali hanggang hapon siya tumatambay sa bahay namin kapag sabado. Nanunuod kami ng movies, kumakain at kahit ako lang ang tao dito tiwala naman ang mga magulang namin sa aming dalawa. Kilala na ako ng mommy niya at kilala na din siya ng pamilya ko sayang nga lang at hindi ko na naabutan ang daddy nya.

Tuwing gabi naman o mga tatlong beses sa isang linggo ay nagkikita kami sa may kalapit na park para mag usap at magbonding o di kaya naman ay sa may tabing dagat maliban dito ay pareho kaming nageenjoy na tignan ang mga iba't-ibang ilaw sa may pampang at sabay kaming nangagarap para sa mga sarili namin at para sa future namin.

Mahal na mahal ko si Sam at sa katunayan, sa susunod na araw ay magce-celebrate na kami ng aming unang anniversary.

Hay grabe! Ang bilis ng araw talaga no? Dati lang, nung nagaaral pa ako ay nakasabay ko sa paglalakad si Sam sa may school namin tapos ngayon gf ko na. Alam mo yung parang sa mga teleserye?

.............

.............

"Mr. Cruz! Wala ka nanamang assignment? Pumunta ka sa library at gawin mo yan".

Lagi kong nakakalimutan gumawa ng assignment kaya iyan ang lagi kong natatanggap na parusa. Papunta ako ng library ng mabunggo ko si Sam.

"Aray!. Mag dahan dahan ka naman"

"Ai Sorry sorry. Di ko sinasadya"

Nasigawan pa ako ng wala sa oras. Pero anong magagawa ko? Mga gamit nya at project niya ang naihulog ko.

"Sa susunod pwede bang magdahandahan ka naman! "

Nahihiya na ako sa kanya at sa mga tao nyan. Paano ba naman sa lakas ng boses pinagtitinginan na kami ng mga tao sa labas ng library.

"Teka teka ako na ang kukuha."

"Aray nanaman!"

"Oh sorry ulit.. Teka nasaktan din naman ako ha"

Ang sabi ko kasi ako na ang kukuha eh naki pulot pulot pa siya, nagka-umpugan tuloy kami. At lalo pa tuloy s'yang nagalit.

Anyway, Habang tumatagal nakikita ko na sa mga mata niya na medyo ayos na siya at nawala na din ang masungit n'yang mukha. Doon ko napansin ang maganda niyang mukha.

"Edi nakaramdam ka rin ng kahihiyan" Sa loob-loob ko lang naman. :)

At nung oras na yun hindi namin namalayan na parang huminto ang ikot ng mundo

Dahan-dahan ang mga galaw namin. Ramdam na ramdam namin ang ihip ng hangin sa mukha at tila may mga mata na nangungusap. Nakatitig kami sa isa't isa, nagkahawakan ng kamay at unti unti kaming tumayo. Nararamdaman ko na nahuhulog na ang mga damindamin namin. Nagkalapit ang mga mukha at dahan dahang nagkakalapit ang mga..

3...

2...

1...

"Hoy Mr. Carvin at Ms. Samantha, nakakaabala na kayo sa daan."

" Ai Sorry po Ma'am Escalde"

Natulala lang pala ako at nagimagine habang namumulot kami ng mga gamit. Sayang nga! Akala ko kissing scene na. Pero kahit ganun pa man ay hindi ako sumuko sa kanya.

"Ahm.. Ahm.. Pwede ba tayong magsabay sa lunch mamaya?

"At sino ka naman para ayain ako? Hindi kita kilala at sa unang pagkikita natin kamalasan pa ang inabot ko sayo"

"Kaya nga gagawin ko to para makabawi naman.. sige na.. pumayag ka na.."

Saan nga ba pupunta tong usapan na to? Syempre pahirapan. Pero pumayag naman siya bandang huli. Aba sa pagka-extrovert kong ito kung hindi ko pa siya mapapayag. :3

Pag dating sa canteen binilan ko kaagad siya ng makakain. Mahaba kasi ang pila kaya nung napaaga ako ay idinamay ko na rin siya. Isang order ng sinigang na isda at isang order ng menudo may kasamang isang extra rice at softdrinks.

"Hi Samantha. Ako nga pala si..."

"Carvin.. Oo naalala ko yung sinabi ni Ma'am Escalde nung tinawag niya tayo."

"Tara kain na tayo. Eto pili ka, menudo o isda?"

"Pwede bang menudo yung sa akin?"

Nagkukwentuhan kami ni Samantha habang kumakain ng bigla siyang namula at nagpantal. nagmadali kaming pumunta sa clinic ng school namin at napag alaman ko na allergic pala sya sa kinain niya.

"Eh bakit hindi mo sinabi? Sana nagpalit tayo ng pagkain"

"Nahihiya kasi ako sayo at sayang naman effort mo.

Tsaka kahit ano kasi sa mga binili mo ay bawal sa akin.. :)"

"Aba nakakangiti ka pa ng ganyan ah T____T"

Pagalit kong sinabi sa kanya pero hindi niya alam ay tuwang-tuwa ako nung oras na yun sa kwentuhan naming dalawa at kwento pa at kwento pa....

"Ang haba naman ng pangalan mo.."

"Edi itawag mo sa akin kung anong gusto mo"

"May tumatawag ba sa'yong Sam? Sam nalang, ayos lang ba?"

"Ahh. Okay lang. Mejo bago lang. Lahat kasi Samantha ang tawag sa akin."

Hindi ko makakalimutan 'tong araw na to para sa amin. Simula ng araw na yun, Sam na ang tinawag ko sa kanya.

#ItsComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon