Umiyak lang ako ng umiyak. No, hindi totoo 'yun sabihin niyo sa'kin! Sabihin niyo sa'kin na sinisiraan lang ni Vanessa si Blake. Sabihin niyo!
"Kylie, tama na. Shh." Pagtahan sa'kin ni Doms.
"You need to talk to Blake. Para naman malinawan ka." Sabi ni Jai.
Hindi ko sila pinansin. Imbes, pinunasan ko ang luha ko at tumayo.
"I'm going home. Pag nagtanong si Blake kung asan ako sabihin niyo umuwi ako. Don't tell him the reason." Sabi ko.
"Okay. Take care, okay? Text mo kami kapag nakauwi kana. Susubukan naming sumunod." Sabi ni Ericka.
"Beshy, we're always here for you no matter what, okay?" Sabay yakap sa'kin ni Kiara.
Tumango ako at yumakap sakaniya pabalik. Bumitaw din ako pagkatapos ng ilang segundo.
"Just try to talk to him." Ani Ericka.
Tumango na lang ako ulit at tumalikod na. Bumalik ako sa room para kunin ang bag ko. Buti na lang at wala dun sila Blake.
Maraming kaklase ko ang nagtatanong kung bakit daw maga ang mata ko at kung sa'n ako pupunta. Hindi ko na lang sila kinibo at naglakad na palabas. Hindi ko na kaya. Tinext ko ang driver namin para magpasundo.
Dere-deretso lang ang lakad ko papuntang parking lot ng may makabangga ako.
"Aww! Tignan mo nga ang dinadaanan mo Mi--"
Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng tumunghay ako. Nag-alab bigla ang galit ko ng nakita ko ang taong 'to.
"Kylie, what happened?" Tanong nito at hinawakan ang siko ko.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya at tinignan siya.
"Don't you ever touch me again!" Matigas kong sabi.
Napaatras naman siya sa sinabi kong 'yun. Now what?
"What's wrong?" Tanong nito.
"None of your fucking business." Sabi ko at binunggo siya para maglakad.
Hinabol niya naman ako. Nang makarating ako ng Parking Lot ay buti na lang nandun na si Manong Edgar. Sasakay na sana ako pero hinawakan bigla ni Kurt ang braso ko at hinarap ako sakaniya upang yakapin.
Agad ko siyang tinulak ng mayakap niya ako. Pagkatulak ko sakaniya ay sinampal ko siya agad. Malutong na sampal ang ginawa ko kaya kita ko ang pagpula ng pisngi nito.
"Pwede ba! Tama na, Kurt! Lubayan mo na ko! Itigil mo na ang kagaguhan na 'to! Sana isipin mo naman na may masasaktan kang tao at bestfriend ko 'yun! Tandaan mo 'yan, BESTFRIEND KO!" Galit kong sigaw.
Napasinghap naman siya.
"I told you, I will not give up. I don't care kung may masaktan akong tao basta ang gusto ko makuha kita! Call me selfish pero wala kang magagawa dahil ganto kita kamah--"
And once again I slapped him.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng Driver's seat pero sumenyas ako na tumigil siya.
"Don't, Manong." Sabi ko pero nakatingin pa din ako kay Kurt. "Selfish. Gago ka, nagawa mong saktan ang bestfriend ko? Ang bestfriend ko na walang ginawa kundi ang mahalin ka? You asshole! Wala kang kwenta!" Sabi kong muli at tinulak siya.
"So now, leave me alone. Pati na rin si Ate Love. 'Wag na 'wag mo siyang lalapitan." At pumasok na ko sa kotse.
"Tara na po." Sabi ko kay Mang Edgar.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^