Chapter 1

2.3K 31 4
                                    

Uminit ang sikmura ko ng nilagok ang isa sa mga pinakapaborito kong alak. Tawang-tawa si Ara sa akin habang si Prince ay umiiling.

"Happy? Finally after seventeen years Selena." Ara laughed.

"I'm going home." Itinaas ko ang basong may alak at sumayaw sayaw kahit na nakaupo lang.

Prince smirked. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon. Ilang taon din ang ginugol ko dito sa New York kasama ang pamilya ko, ngayong graduate na ako sa kolehiyo eto na siguro ang regalo ng mga magulang ko sa akin.

Sa loob ng ilang taon na paninirahan dito ni minsan ay hindi kami pinayagan ni Kuya na makabisita o magbakasyom manlang sa Pilipinas kung saan ang buong angkan namin nakatira.

Nagsalin ako ng panibagong inumin sa baso. Gusto namin ni Ara magpakalasing, kaya ngayon si Prince ay pigil na pigil sa pag-inom para mabantayan kaming dalawa.

Para sa akin malabo ang mga rason ni Daddy at Mommy na mahihirapan kami sa Pilipinas. Ikaw ba naman, bakasyon lang kahit isang linggo hindi pwede? Our family was there, mga tito at tita namin kasama sila lola at lolo. Kami lang talaga ang napadpad dito, kung hindi lang si Daddy ang may hawak ng DLM Group dito iisipin ko ng may iba pang rason kaya ayaw kami pauwiin.

"Selena that's enough. Ikaw din Ara,akala ko ba bukas ng gabi ang alis mo. Dapat ay nag re-relax ka na at nag aayos ng gamit." Suway ni Prince.

Bestfriend ko si Prince, Seiko at Ara. But now Seiko was not here. Nasa Canada siya para magbakasyon kasama ang pamilya, hindi pa niya alam ang tungkol sa pag uwi ko sa Manila kaya kami lang ngayon ang nagkita-kita. Simula highschool ay magkakasama na kami, were classmates until college. Sa sobrang pagmamahal sa isa't isa pare-parehong kurso ang kinuha namin.

"Alright!" Nagtaas ako ng kamay at nagkunwaring suko na.

"Let's go Ara.. mamaya ay tumanda ng wala sa oras ang prinsipe dito."

Sabay kaming natawa ni Ara at naunang naglakad palabas ng bar. Tahimik naman si Prince na nakasunod sa amin, mabuti nalang talaga at wala kaming dalang kotse, nauna naming inihatid si Ara sa condo niya. Sa aming lahat ako lang ang nakatira sa poder ng mga magulang ko. Minsan nakakainggit ngunit kapag nasa bahay naman si Kuya Sirius ay okay na okay ako.

"Thanks Prince."hinalikan ko siya sa pisngi. Lalabas na sana ako sa kotse ng hawakan niya ang kamay ko.

"Mami-miss kita." Maarte niyang sabi. Tumawa ako. "I didn't know that you have this corny side." sabi ko at siya naman ang natawa ngayon.

Sa aming tatlo na babae madalas akong napagkakamalan na girlfriend ni Prince. Paano ba naman. Gusto niya si Ara, ngunit gusto din siya ni Seiko. Walang ibang nakakaalam kundi kaming dalawa lang, hindi ko makakalimutan ang gabing umiiyak si Ara sa akin ng may hindi sila pagkakaintindihan ni Prince, hanggang sa naisawalat niya ang totoong nararamdaman. Gano'n din si Prince, hirap na hirap akong hanapin siya sa mga bar na napupuntahan namin, kung hindi lasing na lasing ay nagwawala naman di kaya nakikipag-away, sa kanya ko din nalaman na may gusto siya kay Ara.

Noong una ay hindi ako makatulog kung paano ko sila mapapaamin sa isa't isa. Ilang beses akong nag plano. Ngunit ng marinig kay Ara na hindi siya sigurado sa nararamdaman kay Prince ay mas pinili ko na ang manahimik.

"Mamimiss ko din naman kayo. Please take care Seiko and Ara for me.."

Hindi ko na alam kung anong oras ako nakarating sa bahay. Dire-diretso nalang ako sa aking kwarto ng hindi na nakaya ang antok. Kinaumagahan ay nagising ako sa ingay ng mga tao sa labas, ang alam ko ay kaming dalawang lang ni Kuya dito. Si Mommy at Daddy ay nasa Hongkong at susunod nalang nextweek sa Pilipinas. Kahit na nahihilo ay pinilit kong tumayo sa higaan at lumabas ng kwarto.

SelenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon