CHAPTER 17
JERD LEWIZ' POV
Humigop ako sa iniinom kong kape at muling tumingin kay Ivan. Sobrang halata ang pag-aalala sa mukkha niya na parang hindi niya na alam kung ano ang gagawin.
Nakaramdam ako ng bahagyang pagkirot sa aking puso.
Bilang kaibigan at bestfriend niya, ayoko pa ring nasasaktan siya. Masakit, dahil noong mga oras na ako ang nasa sitwasyon niya ay nagawa niya ang lahat para sa akin. Ngunit ngayon, etoh...wala akong magawa kundi makinig lamang sa mga sinasabi niya.
"Anong gagawin ko?" Parang gulung-gulo na sabi niya na napasabunot pa sa kaniyang buhok.
Hindi ko pa man alam kung ano ang problema niya ay nasisiguro ko nang mabigat iyon. Hindi siya magkakaganito kung hindi malaki ang problemang kinahaharap niya ngayon.
Natandaan ko, na noong ako ang nasa posisyon niya ngayon. Halos durug na durog ang puso ko sa mga nangyari no'n. Naguguluhan. Nagugulumihanan. Alam kong nahirapan ako noon pero nagpapasalamat ako na naroon si Ivan, ang pinakamatalik kong kaibigan. Panahon na siguro para suklian ko ang mga ginawa niyang kabutihan noon.
"Sabihin mo ang lahat, makikinig ako."Nakangiting sabi ko. Bahagya naman siyang kumalma ngunit mababakas mo pa rin ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
Alam ko na ang usapang ito ay iikot lamang sa pagitan nina Zealyn at Alwiza. Dahil si Alwiza lang naman ang nasisiguro kong dahilan kung bakit nag-aaway sina Zealyn at Ivan.
"Tungkol sa aming dalawa ni Zea." Panimula niya dahilan para bahagya akong mapalapit sa kaniya. "Mahal na mahal ko ang girlfriend ko, mahal na mahal ko si Zea ngunit hindi ko alam kung bakit ba nagkakaganito ang sitwasyon ngayon." Napahilamos siya sa kaniyang mukha. "Masaya naman kami noong mga nakaraang araw pero ngayon--parang guguho na ang mundo ko dahil sa mga nangyayari."
Bigla siyang natahimik palatandaan na gusto niyang marinig kung ano ng opinyon ko.
"Mmm, sa tingin ko, maaayos pa naman 'yang relasyon niyo--"
"Oo! Ayos pa nga! Pero unti-unti na 'tong nasisira! Unti-unti nang nababasag ang puso ko!" Sigaw niya dahilan para mapatingin sa amin ang halos karamihan na tao sa loob ng Cafeteria. "Bro?! Hindi ko kailangang ayusin ang relasyon namin dahil hindi naman ako ang sumisira nito! Ang dapat umayos nito ay kung sino man 'yung baliw na sumisira sa relasyon namin."Sigaw niya pa dahilan para matigilan ako.
Mukhang alam ko na kung sino ang tinutukoy niya pero mali siya.
Napakamot ako sa aking noo dahil sa inis. "H'wag mo na siyang idamay kung pwede dahil hindi siya kasali sa usapan."
*BLAAAG!*
Bahagya akong nagulat nang bigla niyang hampasin ng malakas ang lamesa dahilan para bahagyang matapos ang iniinom kong kape.
"Kasali siya! Dahil siya ang may kasalanan ng lahat! Siya dapat ang magbayad dahil sa mga ginawa niyang kalandian!" Bigla siyang napatungo. "Bro, baliw siya...bro."
Bigla akong napapikit dahil sa inis. Hindi ko na talaga maiwasang magtaka kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa tuwing may nagtatangkang magsalita ng masama laban kay Alwiza.
Hindi ko maintidihan? Do I love her?
Hindi ko maintidihan ang nararamdaman ko. Pilit kong kinukwestiyon ang sarili ko ngunit hindi ko pa rin talaga matanggap ang sagot.
Dahil ba nakikita ko sa kaniya ang ugali ng dati kong girlfriend? Pero imposible!
"Wala kang karapatang pagsalitaan siya ng ganiyan!"Biglang sambit ko dahilan para matigilan siya. Hindi ko na kayang ilabas kung ano ang nararamdaman ko! Wala na kong pakialam kung kaibigan ko siya! "H'wag ka nang magsalita kung ganiyan rin ang sasabihin mo, lalo na mismo sa harap ko!"
BINABASA MO ANG
I Hate You, But I Love You (season 1)
Novela JuvenilMeet Alwiza Salazar, ang matalinong babaeng ubod ng sama. Pilyo, loko-loko, baliw, at maldita. Lahat ng masasamang katangian ay nasa kaniya na. Ngunit sa muling pagbabalik niya sa Williams Academy ay makakabangga niya ang isang lalaki, isang lalakin...