Senior High, last year ko na bilang high school. Last year ko na din dito sa school ko, nakakalungkot pero at the same time natutuwa din ako dahil atlast magiging College Student na din ako. Malapit nakong maging legal! Yahoo!
Nakakalungkot nga talagang isipin na, paano pag sa College wala akong maging kaibigan? Loner lang ang peg ko ganon? Paano kung mapaaway ako, mag kaproblema ako, kaynino ako tatakbo? Syempre hindi naman sigurado kung kasama mo sa isang dorm/condo/apartment ang kabarkada mo. We should also be independent. Dapat marunong na tayong tumayo sa sarili nating mga paa. Yung mga teacher ko, sa College hindi na Ma'am and Sir ang itatawag ko, kundi Professor. Yung mga gago kong classmate, sino na makakaharutan ko? Hindi nga ako sure kung may makaka'vibes ba ako sa papasukan kong University sa College. Dati easy-easy na research lang pwedi na, pero pagdating ng College ginawa mo na ang best mo para sa Thesis pero minsan hindi pa sapat.
Sa totoo lang, habang iniisip ko ang mga 'to, ang tungkol sa College life ko, kahit atat na atat nako sa future ko, pilit ko parin silang inaalis sa isipan ko. 'Bat ko nga naman pagtutuunan ang future na walang kasiguraduhan diba? Ode dito nako sa present na alam kong may patutunguhan at paniguradong hindi ko makakalimutan.
Isang taon nga lang ang pagiging Senior kaya dapat sulitin na natin. Enjoyin muna natin ang nalalabi natin bilang high school student. Pabayaan muna si future, pansinin muna natin si present.
Last year na natin bilang high school. Magpakaloko na kayo, magpakagago, magpakasaway, ma-inlove pero wag kakalimutan mag-aral din tayo dahil at the end of this year masarap parin talagang umakyat sa stage ng nakatoga at hawak-hawak ang diploma.
-
Enjoy reading!
ambisyosawp
©2015