Follow me on twittah!! @CutieLois24
Suzy's POV
Nagising ako nang maaga ng dahil sa mabigat na nararamdaman. Pagtinigin ko sa tabi ko, nakita ko si Alfred na nakayakap pa rin sakin at mahimbing na natutulog, hindi ko alam kung anong oras akong tumigil sa kakaiyak, pero nagpapasalamat ako kay Alfred dahil binantayan niya ako.
Dahan-dahan naman akong tumayo at bumaba muna para uminom ng gatas tapos isinara ang ref.
"Ay lechon baka!" Gulat na sabi ko.
Natawa naman si Alfred at binuksan yung ref.
"Ang aga mo ata." Sabi niya habang naghahanap ng kung ano sa ref.
"Paki mo? Ikaw din kaya." Sabi ko at ininom ang natirang gatas na nasa baso ko.
Napansin ko naman na hindi suot ni Alfred ang kanyang glasses kaya napakunot-noo ako.
"Alfred, Sa'n yung glasses mo?" Tanong ko.
Napatigil naman si Alfred at hinarap ako. Tapos napakamot ng ulo.
"Naiwan ko sa kwarto mo.Peace,hehe."
Tumango nalang ako at umakyat na papunta sa kwarto at naligo na. Nung tapos na ako sa lahat-lahat, kinuha ko na yung bag ko at sa pagbukas ko sa pinto, nandun na si Alfred like from his position, i think he's about to knock.
Binaba naman niya yung kamay niya at awkward na ngumiti. "Breakfast's ready." Sabi niya at tumakbo pababa, kaya bumaba na rin ako.
"Good Morning Suzy." Bati ni Mama sakin.
"Morning." Sagot ko at umupo na sa table at nagsimula nang kumain.
++++
Drake's POV
Pagdating ko sa school, agad naman nahagip ng mga mata ko si Suzy na kasama si Alfred. Mukhang good mood nga siya ngayon eh.
Lalapit sana ako kaso humarang si Lovely.
"Hi Drake!" Maarteng sabi ni Lovely.
Ok naman si Lovely eh. Maganda,sexy,matangkad at makinis. Pero hindi ko nagugustuhan yung attitude niya.
"Tabi." Cold kong sabi.
Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Woah! Ang aga-aga! Why so hot head---" I cut her off.
"Good Morning.Happy?" Sabi ko at tumakbo palapit kay Suzy.
I even heard Lovely cursing. Tsk, not my type of girl.
"Oh Drake." Pansin ni Alfred sakin nung nakalapit na ako sa kanila.
Napalingon naman si Suzy sakin kaya ngumiti ako.
"Good Morning." Bati ko. Ngumiti din siya. "Morning!" Sabi niya.
Narinig ko namang nag 'aheeem' si Alfred kaya napatingin kami ni Suzy sa kanya. Maysasabihin sana siya kaso napatigil ito ng dahil sa sigawan na aming narinig.
"FVCK! BA'T ANG TANGA-TANGA MO?!"
Boses palang kilala ko na kung sino yun. Nakita namin si Brent at isang babae na nakasuot ng glasses. Yung classmate naming si Elle ata?
"Patay talaga si Elle niyan. Yung siraulo pa ang nakabangga." Alfred.
"May naaamoy akong gulo." Sulpot ni Meljun saking tabi habang ningu-nguya ang bubblegum.
"Meron talaga. Alam mo din ata kung sino, yung abnormal." Sagot ko.
Tumawa naman si Meljun at inakbayan kami pareho ni Alfred.
"Seryoso. May NAAAMOY AKO." Meljun tapos tumingin sa direksyon nila Brent.
"Shit."Sabay sabi namin ni Alfred.

BINABASA MO ANG
It Started With A Click
Teen Fiction{Status: On Going} Meet Drake,Mahilig kumuha nang litrato hanggang sa nakunan niya nang litrato si Suzy.Mauuwi kaya ito sa pagka in-love-an? or hanggang litrato lang na nagsi-silbing 'HAPPY MEMORIES'? Book Cover Credits to: @enchantel_