MAE'S POV.
"GOOD morning, class!" Bati ng aming adviser and at English teacher na si Mrs. Valentine.
Medyo bata pa lang s'ya ayon sakan'ya, one year palang s'yang married. Mabait naman s'ya kahit madalas ay may pagka-mataray talaga. Hindi naman maiwasan dahil maraming pasaway.
"Good morning, ma'am!" nagsitayo kami bilang pagbibigay galang. Maliban sa pinakapasaway naming kaklase na si Richard dahil may rule daw sya na hindi ko maintindihan.
8:37 na. Late na sya ng 7 minutes. Pero sabagay, kakadating lang din ng mga classmates ko. Ako pa nga pinakauna dito kanina sa room dahil mukhang ang classmates ko ay nakigulo rin.
"Ohw, Mr. Cruz, where have you been? You were 1 month absent," tumingin sya sa left side ko.
Napansin kong biglang nagsipagbulungan ang mga kaklase ko.
Oo nga, isang buwan na akong walang katabi dito sa kaliwang bahagi at ang akala ko ay sobra lang talaga ng upuan at sadyang hindi nila kinukuha para kung sakaling may mag-transfer ay dito uupo.
"Ang gwapo nya talaga!"
"Uy, diba si Lyndon yun?"
"Hala, bakit fourth year palang sya?"
"Ang swerte ko, nandito si Fafa Lyndon."
Nakikita ko ang aking seatmate mula sa aking peripheral vision. Hindi ko gaanong maaninag ang mukha nya pero parang pamilyar saakin.
Base sa nakikita ko sa gilid ng paningin, maputi s'ya at may katangkaran. Matangos din ang ilong n'ya at talagang kumakaway pa sa mga kaklase kong babae.
"Thanks for asking ma'am, but it's none of your business," anito na halos ikataas ng kilay ko.
Speechless lang ang aming Adviser sa hindi ko malamang dahilan. Gulat ang hitsura.
Narinig kong humagikgik si Richard. "Bata ko talaga yan eh, mana sakin."
Napaka-galang. Mga ganito ang dapat binibigyan ng 'Bayani ka Award'. O kaya, 'Makabayan Award'. Para naman feel na feel nya ang pagiging isang MAGALANG na Pilipino. Tsk.
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
Teen Fiction"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^