SKY'S POVMuli akong sumilip mula sa aming kinaroroonan.
What the---Nasan na yun?
Parang multo 'yung babae nà bigla nalang nawala. Grr, nakakakilabot naman! Parang kani-kanina lang, nandoon pa s'ya sa lugar na tinitingnan ko ngayon tapos nawala lang sandali 'yung paningin ko, naglaho na!
Waaaahhh! Hindi naman kaya nag-teleport 'yon? WTF!?
"Tang*na," pagmumura ko kaya't sinamaan ako ni Raven ng tingin.
Aning talaga tong si Raven eh! Di mo maintindihan kung nambubwisit o sadyang may sakit lang talaga.
Nang-iinis ko namang tinakpan ang bibig ko saka itinuro ang direksyon ni Mae kanina.
Akala mo matandang dalaga!
Dahan-dahan silang tumayo at mukhang nagulat din dahil wala na doon ang tinitingnan namin.
Tatayo narin sana ako pero naramdaman kong parang may kumagat sa bandang hita ko. Dahil naka pants ako, pinaghahampas ko nalang kung anuman 'yon.
Ano ba talaga 'to!?
Pati sa binti ko, may kumikirot din. Tumayo naako at pinagpag ang dalawa kong paa.
"Tara na nga," si Guiller, malamang na inis na inis na naman 'to. Ito ang unang beses na na-badtrip sya sa isang chix. Siguro dahil na rin sa unang beses na pagkikita, nakatikim s'ya---kami ng unang sampal ng babae.
"Buset, palpak!"-Lyndon
Nagsisimula na silang maglakad pero ako ay busy parin sa pagkamot at paghampas sa paanan ko. Pinagpapawisan ako dahil nakatutok ang araw sa kinatatayuan ko pero mas iniintindi ko ang paa ko. Hapdi talaga e.
"Huy, Sky! Tara!" napansin yata ni Lyndon na hindi parin ako umaalis sa kinatatayuan ko. Pero yung tatlo, nangauna na.
Nakikiusyoso rin sya kung anong pinaghahahampas ko sa hita at binti ko.
"Aw! Awww! Ang sakit... wait lang!" Taranta kong hinanap kung nasaan ang mahapdi. Magkahalong sakit at kati ang nararamdaman ko.
Pilit ko rin syang pinipigilang umalis dahil di ko feel mambabae ngayon kasi sariwa na naman yung ala-ala sakin ni pareng Kurt, at kapag nakita ako ng mga babae na mag-isa kung sakali, lalo silang magkakaroon ng panahon at pagkakataon na harutin ako.
I mean, gusto ko naman talaga ang hinaharot pero sana naman ay hindi ngayon.
"Ay, Tangeks, ayan oh!" binatukan n'ya ako sabay turo sa ibaba.
Nanlaki ang mga mata ko. Anak ng--- mga langgam na pula!
Nagmamadali akong umalis mula doon habang kumakamot-kamot parin.
Kaya pala! Ano ba naman oh! Palapak na nga, minalas pa!
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
Teen Fiction"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^