JIREH'S POV.
HINILA ko sya hanggang sa likod ng isang building na two years nang hindi ginagamit. Wala rin kasing tumatambay roon.
Dagli ko syang pinaupo sa malaking tipak ng makinis na bato at tinabihan ko sya.
Nagkatinginan kami at nagyakapan ulit. "Miss na miss na kita," bulong ko. Bago kami magbitaw.
Di pa dapat.
A woman will trust easily someone that'll hug her for 15 seconds or more. Pero 7.32 seconds palang kami magkayakap.
Tinitigan ko pa sya. Ewan pero nakakaramdam ako ng awkwardness.
"Ji?" ngumiti ako . "Bakit dumiretso ka pa rin kanina nung tinawag kita. Narinig mo naman ako, diba?"
"Hmm.."
Teka, paano ko ba sasabihin sa kanya na naduwag ako?
They always see me as a person who knows what to say. They think I can answer everything because of my mental capability. But this question... so so d*mn hard to answer.
Naduwag akong kapag nagkita kami ay sumbatan nya ako kung bakit ko sya iniwan noon sa di nya malamang dahilan.
Hindi ako noon nabigyan ng panahon para man lang ipaliwanag at ipaintindi sa kanya ang nangyari.
At kaya hinayaan ko syang makita at makilala ako kanina ay dahil gusto kong malaman ang reactions nya.
"Because... I'm guilty."
"Guilty... on... what?" -Sya.
"Lorianne Mae, 6 years ago, my brother died because of--"
"Because of his job on our Agency?" pagtutuloy nya. Nagulat man ay tumango ako. "Alam ko na Ji. It's not your fault. Desisyon ng pamilya mo 'yon."
May kuya ako and he was 12 years older than me. Nagtatrabaho sya noon sa F.A.C, isang Agency na pamamay-ari ng pamilya nila Lorianne Mae.
Ngunit dahil sa pagtupad sa kanyang trabaho, nanganib ang buhay ng kuya ko dahil sa mga nagtatangkang patayin sya.
And they succeeded.
Nagalit ang mga magulang ko at isinisi nila ang nangyari sa pamilya Fuentes. Kaya't nagdesisyon silang lumayo na lamang kami.
"Pero, bakit ka nagkaganyan? Higit limang taon na ang nakakalipas pero hanggang ngayon, naaalala ko parin ang best friend kong si Lorianne Mae. Isang batang babae na malapit ang loob sa lahat at masiyahin. Pero ngayon---"
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
Teen Fiction"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^