CHAPTER 6.5: Reasons (PART 2)

39 4 0
                                    

Dedicated to BlackBloodyNineTails

                MAE'S POV.

"Salamat sa pagtitiwala mo," lalo syang tumitig sa mukha ko.

I don't think I can be comfortable woth those stares...

Matagal ko nang pinapangarap na mangyari ito.

Yung magkikita kaming dalawa, magkakasama ulit, at makakapag-usap. Pero never kong na-imagine yung ganitong pagtatagpo.

Unexpected.

Unexplainable.

Di ko rin naisip na sa muli naming pagkikita ay ibang mga tao at bagay ang pag-uusapan namin.

"K-Kelan ka pa bumalik dito sa Pilipinas?" ang alam ko kasi ay pumunta sila sa Amerika matapos mamatay ng Kuya nya.

"Almost 5 years ago pa. One year lang ang itinagal namin sa ibang bansa."

Ganoon katagal na? Pero bakit di sya nagpapakita? Bakit di man lang sya nagpaparamdam? Bat di nya sinabi sakin?

"Sabi ko nga sayo, guilty ako diba?" Ayan na naman sya. Mula pa noon, tanong ko palang sa isip sinasagot nya na. " pagbalik na pagbalik ko galing US, gusto na talaga kitang puntahan non kahit ayaw nila mommy. Kaso, di sinasadyang magkita kami ni Kuya Kurt sa isang restaurant at itinanong kita. Sinabi nyang... nagkaroon ka raw ng trauma. ZeED..."

ZeED... Zero Emotion Disorder.

After almost 2 years mula nang umalis ang best friend Kong si Jireh ay nawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay.

Ayaw ko nang maglaro, ayaw magsalita, ayaw gawin yung mga dati ko nang ginagawa.

Hindi ko alam kung kailan ang saktong petsa pero nagising nalang ako isang araw na hindi ko na magawa pang ngumiti, tumawa, o magpakita ng kahit anong emosyon.

Mahiyain na ako dati pa at hindi gaanong friendly. Pero nung naging magkaibigan kami ay naging masiyahin ako. Ang taong naging dahilan noon ng bawat pagngiti ko ay umalis at kasama n'yang nawala ang lahat ng emosyon ko.

Nabahala ang parents ko kaya nag-consult sila sa isang Psychiatrist.


>FLASH BACK...<

"AYON sa ilang tests na ginawa namin, your daughter is suffering from Zero Emotion Disorder or ZeED."

"A-ano po yun, doc?" Kunot-noong tanong ni dad habang pinipigil ni mommy ang pagiging emosyonal.

"Isa po syang sakit which is madalas makuha sa mga traumatic or tragic experiences. Inuutusan ng disorder na ito ang utak ng isang tao na hindi magpakita ng kahit anumang emosyon dahil sa karanasang iyon. Ano ho ba ang pinagdaraanan ng anak nyo ngayon, Mr. And Mrs. Fuentes?" Nagkatinginan sila saka ako sabay na nilinga.

Don't Fall, She's Mine √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon