MAE'S POV.
"GOOD morning class." Saktong pag-upo ko sa upuan ay dumating ang panghuling teacher sa araw naito--- si Mrs. Renalyn Suarez, Filipino teacher namin sya. Sa mahigit isang buwan ko dito, mga sampung beses ko palang syang nakikita. Madalas ay hindi nya kami pinapasukan. "Sirawn!" Utos nya matapos naming bumati.
Sit down kase.
May dala-dala siyang folder at nakita ko agad na nandoon ang pangalan ko sa harap. Iyon ang pinasa kong project sa kanya nung Biyernes. Inilapag nya yun sa table at nanatili syang nakatayo habang nagmamasid.
Ginagala nya pa ang mga mata nya. Huminto saakin ang paningin nya atsaka sya ngumiti. Tumango lang ako at muli nyang inilibot ang paningin.
"Simulan na natin ang discussion," nakatutok lang ang tenga ko sa kanya. "Siguro naman, lahat kayo ay kilala nyo si Dr. Jose Rizal, right?"
"Opo!" Sagot ng marami.
"Kung ganon, ano ang buong pangalan ni Rizal?"
Nagtaas ng kamay ang isang matalino naming kaklase. Tumango si ma'am kaya confident syang sumagot. "Dr. Jose Protasio Rizal Mercado Y Alonso Realonda"
"Class, tama ba si Nina?" Tanong nya saamin nagsitanguan sila. "Good. Ang pag-aaralan natin sa araw na ito ay isa sa mga isinulat ni Dr. Jose Rizal, El Filibusterismo. Pamilyar ba?"
"Ma'am!"nagtaas ng kamay ang isang babae. Kung hindi ako nagkakamali, sya ang class President namin.
"Yes?"
"Nung Grade 9 po kami, pinag-aralan po namin yung Noli Me Tangere at sabi po ng Filipino teacher namin, parang part 2 daw po nya ang El Fili." Sagot nito saka na umupo.
"Tama. Ang El Fili ay katuloy lamang ng Noli. Gayunpaman, sa ibang tao na tatakbo ang istorya hindi tulad sa Noli na kay Ibarra." Aniya pa habang naglalakad-lakad sa harapan. "Magaling at hindi naako mahihirapan sa pagtuturo nito. Ang una nating pag-uusapan ay ang mga tauhan. Unang una na dito si Simon. Siya ay si—"
"Good morning ma'am, sorry I'm late," napatingin kaming lahat sa gawing pinto nang may magsalita.
"Mr, Cruz?" Tila nagtataka si Mrs. Suarez. "May himala yata at pumapasok ka na ngayon ng last subject?" dagdag nya pa.
"Eh..." Nagkamot ng batok ang lalaki na halatang ikinakilig ng girls at maging ang baklang kong katabi.
"Lyndooonn!"
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
Teen Fiction"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^