Chapter 72

166 3 0
                                    

(Sammy's P.O.V.)

"Maayos na ba yung pakiramdam mo?" Tanong sa akin ng lalaking tinawag ni Cheon Sa na Hyun Il

"Sa tingin ko," sagot ko at bumangon para umupo

"Pasensya na ulit at muntik ka pang ma... Pasensya na, buti at naitakbo agad kita rito," sabi niya, tumango lang ako

Napatingin ako sa nanay ni Jungkook na mahimbing na natutulog sa kalapit na hospital bed.

"Ako nga pala si Kim Hyun Il, pasensya na sa late introduction," sabi nya at bahagyang tumawa

"Byun Sammy," pagpapakilala ko, iniabot nya ang kamay nya sa akin at ginantihan ko naman iyon

"Salamat," sabi ko, ngumiti naman sya sa akin

"Mauna na ako," paalam nya saka tumayo at lumakad palabas ng kuwarto

Sumandal ako sa hospital bed at niramdam ang katawan ko. Medyo masakit pa rin ang likuran at balakang ko. Kumikirot naman ang sugat sa kamay ko at ulo.

"Ang aga mong nagising,"

Napatingin ako sa mama ni Jungkook na humarap sa kinaroroonan ko.

"Kayo rin po," nakangiti kong sagot

"Namimiss ko na ang labas, gusto kong makalanghap ng sariwang hangin, lagi nalang disinfectant ang nalalanghap ko," bigla nyang sabi

"Gusto nyo po, ipasyal ko kayo sa labas?" Tanong ko, mukha namang naliwanagan ang itsura nya

"Pwede kaya?" Nakangiti nyang tanong at bahagyang tumawa

"Susubukan ko pong magpaalam kay Cheon Sa," sagot ko

"Sana nga payagan ka, hindi na ba masakit yung katawan mo?" Tanong nya

"Hindi na po gaano, ok lang po ako," sagot ko

Habang nagkukuwentuhan kami sa mga ginagawa ni Jungkook dati at mga tagumpay nito sa kompanya, may kumatok sa pintuan at pumasok. Kapwa kami nagulat ni Tita nang makita ang mukha ng dumating.

Sino? Jungkook!? Hindi...

"A-anong," napatakip ng bibig si Tita at napaluha sa kasiyahan

"Ma," tawag ng lalaki at agad na niyakap si Tita

Ma??? May kapatid si Jungkook? Kaya siguro kamukha nya!

Pinagmasdan ko lang sila na tila matagal na nangulila sa isa't isa. Parehas silang umiiyak sa tuwa habang mahigpit na nakayakap sa isa't isa.

"Anong ginagawa mo rito sa Pilipinas!?" Tanong ni tita

"Para sa iyo ma!" Sagot nito

"Hindi ko inaasahan to!" Tuwang tuwang sabi ni Tita, natawa lang ang lalaki

"Siya nga pala, Sammy, baka hindi nasabi sa iyo ni Jungkook," humarap si tita sa akin at ngumiti

"May nakakatanda syang kapatid,"

Nasagot na ang katanungan ko at humarap naman ako sa kuya ni Jungkook na tila gulat at nagtataka na ring nakatingin sa akin.

"Kaibigan ka ni Jungkook?" Tanong nito

Maaari...

Binalot ng konsensya ang puso ko at paulit-ulit na tumakbo sa isipan ko ang salitang kaibigan.

Traydor akong kaibigan...

"Kumusta naman ang pakiramdam mo ngayon mama?" Nag-aalalang tanong nito

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon