Chapter 1: When I Met You

4 0 0
                                    

“Good morning, Ma! Anong oras na po?” pahikab-hikab kong pagtatanong ko sa aking ina na naghahanda ng aking almusal.

“Oras? Aba’y 8:00 am na. Wala ka bang balak pumasok sa unang araw ng klase mo?”

 

“Huh!? 8:00 am na?! Late na ako ma!” nawala ang antok ko nang malaman kong 8:00 am na ako nagising. Unang araw pa naman sa klase. Dali dali akong nag-ayos ng aking sarili para pumasok.

“Oh? Hindi ka ba man lang mag-aalmusal?”

 

“Etong sandwich na lang ma. Late na ako eh. Sige ma, alis na po ako.”

Habang tumatakbo ako papuntang classroom ay kinakausap ko ang sarili ko.

“Tulog ka kasi ng tulog Cathy! Hay nako~ Late ka na!”

BLAGGG!!!

“Aray ko naman! Nagmamadali na nga yung tao binangga mo pa. Ano ba?!”

 

“Sorry, Miss. Kaya mo bang tumayo? Abutin mo ang kamay ko.”

RIIIIIIIINGGGGG!!!! RIIIIIIIINGGGGG!!!! *school bell*

“Patay! Time na! Late na ako!” nang marinig ko ang bell na yun ay bigla akong napatayo kahit iika-ika ako ay pinilit kong tumakbo makarating lang ako sa klase ko.

Pagdating ko sa classroom, nagsisimula na ang “Hi, My Name is portion” na talaga namang pinaka-ayaw ko sa bawat simula ng school year. Dahil late ako, ako agad ang inuna ng teacher namin. Kung minamalas ka nga naman talaga! Hayyy...

“Uhm... Good morning guys? Uhmm... I’m Catherine Reyes. Cathy for short. 16 years old.  That’s all, thank you!” sabay nakayukong umupo na ako sa bandang dulo ng classroom nang biglang may nagtanong sa akin.

“Bakit ka late girl? As usual, hindi ka pa rin nagbabago ha?”

 

“Oh?! Ikaw pala Jenny. Nakakainis kasi napasarap kasi yung pagbabasa ko ng comics kagabi kaya 8:00am na ako nagising kanina haha! Tapos may nambangga pa sa aking lalaki kanina nung nasa hallway ako. Kainis!”

 

“Nabangga ka? O binangga ka? Gwapo ba? Anong pangalan?” pag-uusisa ni Jenny.

“Aba’y malay ko dun. Di ko na siya tinignan pa dahil sa kanya lalo akong na-late kainis siya!”

 

“Hanapin natin mamayang lunch break!”

Lunch break na nasa Canteen kami ni Jenny kasama ang ibang friends namin.

“So Cathy, tara hanapin natin yung bumangga sayo kanina!” pag-aaya ni Jenny sa akin.

“Bakit mo ba gustong hanapin pa yun? Paano kung hindi naman pala gwapo? Madi-disappoint ka lang, sayang effort.” pagtanggi ko.

Nang may biglang lumapit sa aking isang lalaki na nakayuko.

“Uhmm.. Hello? Miss.. Hmm para sayo...” sabay abot ng isang chocolate cupcake.

“Huh?! Para sa akin? Bakit?” pagtatanong ko.

“Uhmm.. Peace  offering lang sana..” sagot nya sabay alis.

“Sino kaya yun? Hindi ko man lang nakita mukha nya.” naisip ko.

To be continued...

WHY CAN'T IT BE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon