Rubik’s Cube
by Henrine Red
“Anong favorite color mo?” tanong ng dalaga sa nag-iisang binata habang hawak-hawak ang Rubik’s cube na nakagulo, wala kasi ang mga kaibigan nito kaya mag-isa itong nakaupo sa kaliwang bahagi ng helera ng mga upuan, ngunit hindi siya pinansin nito kaya inulit nya ang tanong niya. “Huy! Ano nga kasi ang favorite color mo?” pangungulit ng dalaga dito. Hindi sumagot ang binata, ngunit inangat nito ang kulay asul niyang bag.
Halos madismaya ang dalaga sa inakto ng binata. Pwede namang magsalita. Ano naman kaya ang masama dun?Hindi maiwasang dabog ng dalaga sa isip niya habang sinisimulan nang buohin ang asul na bahagi ng rubik’s cube. Ilang minute niya na itong iniikot-ikot ngunit hindi niya talaga mailagay ang natitirang bahagi na kulay asul. Bwisit. Sa dinami-dami naman kasi ng kulay bakit blue pa! inis nyang sambit. Ilang minuto pang pagbuo ay nakuha niya ring buohin ang kulay asul na bahagi.
“Yey! Natapos ko na!!!” masiglang sambit ng dalaga. Hindi mapigilang mapangiti ng binata. Hiniram niya ang laruan sa dalaga na agad naman sakanyang iniabot. Ginulo nya ito at sinimulang buohin ang kulay pulang bahagi nito.
Napansin ng dalaga ang ginawa ng binata. “Hoy! Ano ba? Pinaghirapan kong buohin yan eh! Tapos guguluhin mo lang pala!” inis na sambit ng dalaga. Hindi iya na pinansin ang binata. Bwisit sya. Pinaghirapan kong buohin yang lecheng blue na yan tapos sisirain nya lang pala?! Manigas sya dyan! Isip ng babae.
“O, tapos ko na! Ang dali naman niyan!” pagmamalaki ng binata, ngunit hindi siya pinansin ng dalaga, kaya inilagay nya nalang ang rubik’s cube sa katabi nitong bakanteng upuan.
Hindi mapigilan ng dalagang kunin ang rubik’s cube na nasatabi nya, sa kadahilanang masyado na syang naiinip dahil wala silang guro. Napansin nyang kulay berde lang ang nabuong parte ng rubik’s cube. Leche. Akala ko pa naman binuo nya lahat, yung green lang pala, at sa lahat ba naman ng kulay sa mundo bakit green? Tss. Walang pakundangan niyang ginulo ito.
Nakakailang ikot palang sya nung sawayin sya ng binata. “Pagkatapos kong buohin, guguluhin mo lang?” simpleng sabi sakanya ng binata at humarap na sa unahan. Binalewala lamang ito ng babae at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Kinabukasan…
Tahimik na nagbabasa ang dalaga sa ilalim ng isang puno sa hardin ng kanilang paaralan nang lapitan siya ng binata. May dalai tong rubik’s cube, ngunit hindi ito tulad ng mga rubik’s cube na nakikita nya, may iba rito, ngunit hindi nya mapagtanto kung ano ito dahil hindi naman ito nakaayos.
“Ano yan?” painosenteng tanong ng dalaga.
“Rubik’s Cube. Hindi ba halata?” sagot ng binata.
Pilosopo. Singhal ng dalaga.
“May sinabi ka?” naguguluhang tanong ng binata.