Dear Payatot,
Naalala ko palang yong una kitang nakilala akala ko suplada ka..
Pero hindi pala..
Nakilala kita sa isang gc..
Alam kong ganun talaga ang ugali mo nung una na wala kang kapake pake sa paligid mo..
Kahit na may nagaaway wala kang pake noon..
Lahat ng member natin noon sa gc nakaclose kona pero ikaw hindi pa kita nakakaibigan..
Kasi minsan lang kitang nakausap sa gc natin yata, basta iilang beses lang kitang nakausap noon ..
Tas natatarayan mo pa ako..
Pero sabi mo nga ganun ka talaga..
January this year 2019 naging magkaibigan tayo ..
Last year kasi ang daming nangyari sakin alam mo na nasasaktan ako may alam ka pero wala ka pang pake sakin noon..
Tas ngayon mag-bff na tayo..
Bestfriend na kita..
Di ko din alam kong bat ganun..
June na ngayon tignan mo nga natagalan natin ang ugali natin ng ilang months at sana magtuloy tuloy pa yon..
Kasi kahit nahuhulog na ako..
Wala akong balak na sabihin sayo ..
Kasi masisira lang ang meron tayo ngayon..
Ayaw kong mawala ka sakin ..
Kahit nasasaktan na ako minsan ..
Pero okay lang at least masaya ka ..
Kaysa yong umiiyak ka..
Ayaw ko ng umiiyak ka hindi dahil sa pangit kang umiyak..
Ayaw ko lang din kasing umiiyak ka kasi alam mong mas doble pa sakin ang sakit non..
Kasi sa kada araw na umiiyak ka at kada gabi nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman mo..
Alam ko yung mga pinagdadaanan mo na ayaw ko ng mangyari ulit sayo..
Lalo at may nagugustuhan kana ulit..
Alam kong ang torpe ko kasi sinabi mo ng parang ikaw yong crush ko pero di ko inamin..Kasi hindi lang naman kita crush heh ..
Mahal na kasi kita payatot..
Alam kong kabobohan tong ginagawa ko..
Pero mas gusto kona lang wag nang sabihin tong nararamdaman ko dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin..
Alam kong di sapat to alam kong masaya kana..
At masaya na din ako doon..
Alam kong wala tong patutunguhan pero di koto wawalain kasi habang masaya ka masaya na din ako..
Wag ka lang masaktan kasi baka ano pa ang magawa ko pero sabi ko nga masaya na ako na masaya kana ngayon na siya ang kasiyahan mo ngayon at kapag pinaiyak ka niya di ko na lang alam..
Di na ako aasa kasi malabong maging akin ka kasi ang layo layo mo din sakin..Wala akong panama sa nagugustuhan mo isa lang akong kaibigan mo na kaya kang damayan kahit anong oras man yan..
Ang hirap mong abutin..
Ang hirap mong mahalin ..
Pero worth it kang abutin kung sakali mang maabot kita..
Pero malabo iyon..
Malabo na maging akin ka..
Malabong-malabo..
Kasi kahit alam kong pagkakaibigan lang tingin mo sakin kaya napapangiti na lang ako dahil sa mga pangsesermon mo sakin na para na kitang nanay kapag ganun ka.
Minsan din para na din kitang kapatid..
At madalas din kitang maging kaibigan na nagdadamayan kahit sa anong oras..
At minsan naiisip ko na ako na lang sana siya para hindi kita sasaktan tulad ng ginagawa nila sayo..
Alam mo di ka man perpekto kahit nakita ko na ang mga masama mong ugali mas minahal pa kita lalo don..
Kasi kung gaano ka kaganda alam kong may mabuti ka ding kabutihan sa loob ..
Kahit parang ano na yong bunganga natin sa kakamura sa isat isa ..
Kapag walang mura sa isang araw satin himala na iyon..
Pero payatot..
Sorry talaga ahhh...
Dahil si baboy minahal ka..
Minamahal kita ng palihim..
At wala akong balak aminin kaya dinaan ko na lang sa ganito..
At sana kung mababasa mo to ..
Sana okay lang sayo to at sana walang magbago..
Pero alam ko may magiiba kaya ayaw ko talagang sabihin sayo..
Ayaw na din kasi kitang mawala ..
Okay na ako sa pagkakaibigan basta nakakausap lang kita araw araw..
Pero kung hindi mo mababasa to okay lang mas maganda na din yon para walang masira..
Nahulog na pala ako ng hindi ko namamalayan ..
Nung una di ko matanggap dahil hanggang kaibigan lang talaga tayo..
Pero tinanggap kona papasan pa at pipigilan ko to na umusbong kaya wala na akong magagawa ..
Kasi
Mahal na kita
Payatot.....
"Kaibigan mong baboy"
BINABASA MO ANG
Dear, Payatot
Teen FictionSa diary ko lang nasasabi ang mga to araw-araw na nakakausap kita.. Alam kong bawal kasi kaibigan kita.. Pero kahit pigilan ko kahit gaano ko pa kagustong pigilan to.. Kapag puso na ang kalaban wala na akong laban.. Kasi alam ko na sa sarili kong, M...