Chapter 16: Chapel
"Pumayag na ba ang parents mo na mag-overnight kami sa inyo next friday?" tanong ni Coleen habang nag-aayos ng gamit sa bag. Tapos na ang klase namin. Uwian na.
"Oo, friend. Nasabi ko na kina mom and dad at pumayag naman sila." tugon ko habang nagsisilid ng gamit sa bag.
"Yehey. Marami bang pagkain sa inyo?" tuwang-tuwa na sabi ni Laurine. Pagkain na naman ang nasa isip.
"Wala. Puro pagkain na naman nasa isip mo." sambit ko. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko
"Siya nga pala yung mga kailangang dalhin ah wag mong kakalimutan." bilin ko kay Januz.
"Noted." aniya.
"Friend, nagriring yung phone mo." sabi ni Coleen. Syaks. Kinakabahan na naman ako. Pagtingin ko sa phone ko number lang ang nakalagay. Tinap ko yung answer calling.
"Hello Kenn?" hindi ko agad nabosesan kaya nagsalita ulit ito.
"Si Khael to. Nasan ka?" kinabahan na naman ako. Bakit pagdating sa kanya lagi akong kinabahan.
"Oh Khael, ikaw pala yan." sagot ko.
"Nandito pa kami sa room. Paalis na rin." litaniya ko sa kabilang linya.
"Sunduin na kita dyan gusto mo?" sabi ni Khael sa kabilang linya. Napansin kong biglang tumayo si Januz at binitbit ang bag niya.
"Hintayin ko kayo sa labas na tatlo." narinig kong sabi niya palabas ng room. Anong problema nun? Sa isip ko.
"Hello, Khael wag na. Palabas na rin kami ng room." sagot ko.
"Hintayin nalang kita sa loverslane ah." sabi niya tsaka pinatay ang tawag.
Pababa na kami ng building. Nauunang maglakad si Januz habang si Laurine at Coleen ay kasabay ko. Naisip ko lang yung ginawa ni Januz kanina. Biglang nag-iba ang aura sa mukha niya. Hindi rin siya kumibo nung tawagin ko siya kanina.
"Girl, nakikita mo ba ang nakikita ko?" narinig kong sabi ni Laurine kay Coleen.
"Kenn, di ba siya yung guy na tinutukoy mo nung nakaraan. Yung nakabanggaan mo kamo." litaniya ni Coleen.
Hindi agad ako nakakibo nang matanaw ko si Khael sa hindi kalayuan.
Dubdub!
Dubdub!
Dubdub!
Heto na naman siya. Nagwawala na naman ang mga daga. Tiningnan ko si Januz sa kanan ko na nakapamulsa habang naglalakad. Walang reaksyon kundi ang seryosong mukha niya.
"Januz, okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Hindi na naman siya kumibo. Tumingin at ningitian lang niya ko.
"Friend, ang hot pala niya sa malapitan." mahinang sabi ni Laurine na halos tunawin niya si Khael sa pagtitig.
"Kenn?" narinig kong tawag ni Khael ilang metro ang layo namin sa kinatatayuan niya.
"Kenn, ikaw ata ang tinatawag niya." narinig kong sabi ni Coleen.
Huminto kaming tatlo sa paglalakad bukod kay Januz na patuloy parin sa paglakad.
"Khael." sambit ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Alam na nina Laurine at Coleen ang mga hindi ko sinasabi sa kanila.
"Kenn, baka naman gusto mo kaming ipakilala sa kanya." bulong ni Laurine sa tabi ko.
"Ah.. Khael, sina Laurine at Coleen nga pala mga kaibigan ko. Si Januz nga pala yung isa naming kasama." banggit ko sabay turo sa kinaroroonan ni Januz.
BINABASA MO ANG
U.T. I : Umibig Tapos Iniwan
RomansaU.T.I Walang kaalam-alam tungkol sa pag-ibig si Kenn ngunit sinubukan pa rin niya ang magmahal. Sa kanyang pagsubok ay tila ba unti-unti siyang binubuo nito. Hindi niya inakala na ito rin pala ang wawasak ng kanyang pagkatao. Ano nga ba dapat ang ka...