Nightmare

10 1 0
                                    

MADILIM na ang kalangitan dahil halos hating gabi na rin. Nakasakay kami ni mama sa isang jeep na papuntang school.

Anung oras na ah? Bakit ngayon lang kami pupunta ng school?

Nakauniform ako at handang handa nang pumasok na parang napakanormal ng nangyayari ngayon. Una, sinong bangag ang pupunta sa school ng ganitong oras? 11:45 pm?! Pangalawa, masyadong siksikan dito sa jeep kahit na liblib ang lugar namin at nasa 600 lang ang populasyon namin dito. Idagdag mo pa na ang daming jeep na akala mo naman ay mapupuno talaga. Pwera na lang ngayon. Pangatlo, nakakatakot ang mga tao dito sa loob ng sasakyan. Lahat kasi sila nakapikit na akala mo ay nanananginip.

"Para ho!" Sabi ni mama.

Huminto ang jeep sa tapat ng school na pinapasukan ko. At nakakagulat na ang daming estudyanteng pumapasok. HIndi kaya mali ang orasan ko? Pero....

...haaay! Hayaan na nga!

Nauna na akong bumaba ng jeep at hindi na nilingon si mama dahil masyado akong pre-occupied ng mga nangyayari, at dahil alam kong nakasunod lang naman siya sa akin hanggang sa makapasok ako sa loob ng school.

Hindi pa ako nakakapasok nang biglang sumigaw ang lahat ng mga tao sa paligid ko.

Hindi ko rin alam kung saan ko napulot ang ideyang naholdap ang jeep na sinasakyan ko at pinatay ng mga holdaper ang lahat ng pasahero kahit na puro sigaw lang ang naririnig ko sa paligid.

Nilingon ko si mama at nanlamig ang buo kong katawan nang makitang....wala siya sa likuran ko, ibig sabihin...hindi siya nakasunod sa akin.

Pero nasaan siya?

Lumingon ulit ako sa school at laking gulat ko nang makitang lahat ng tao sa paligid ay nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo.

Lakas loob akong pumasok sa gate at ganun din ang aking nakita. Pinilit ko ang sarili nba tingnan ang lahat ng bangkay sa isiping isa roon si mama. Paano ko nasabi? Hindi ko rin alam.

Nakita ko ang mga kaklase ko, kaibigan, guro, pati ang mga gwardiya, pero wala akong pakialam sa kanila dahil masyado na akong kinakabahan na baka nga isa si mama sa mga nakahandusay.

Nalibot ko na ang buong school at nakita ko na rin ang lahat ng nakahandusay ngunit bigo akong makita si mama. Lumabas ako at nakita kong may matandang babaeng nakaupo sa isang kanto na katapat ng school ko.

Ang nakakakilabot sa kanya....mayroong tatlong sakong may laman ang nakalagay sa harapan niya.

Niliapitan ko ang matanda. "Lola, nakita nyo po ba ang mama ko?" tanong ko sa kanya.

"Anu ba ang itsura ng mama mo iha? Kasama ba siya sa mga napatay ng holdapers?" balik tanong niya.

"Hindi...hindi po ako sigurado pero..." nilabas ko ang litrato ni mama na hindi ko alam kung saan nanggaling at pinakita sa matanda, "...eto po siya...uhmm.....i-isa po ba siya sa...m-mga nasa sako?" nanginginig kong tanong.

"Ay! Nakita ko ang isang ito!" sabi niya nang makita ang litrato.

Nabalutan ng matinding takot ang buong katawan ko dahil sa narinig. Kung ganon, p-patay na rin si..m-mama?

H-hindi.

"Pero may nakakuha na sa katawan niya iha, isang binatang nakaitim na sumbrero at itim na jacket." dugtong niya.

Nagsimula na akong umiyak pero tinatagan ko ang loob ko. Hindi ako maniniwala na patay na si mama hangga't himdi ko nakikita ang katawan niya!

"S-saan po pumunta ang lalaking 'yon" 

Nightmare (One-shot)Where stories live. Discover now