Lapis

10 1 0
                                    

     Isang talinhaga ang lapis na ito. Isang lapis na kayang isulat o iguhit ang kapalaran ng tao basi  sa kanyang kapara.

Unang taon ko pa lamang sa elementarya  ay nakaranas na ako ng labis na pang aalipusta. Hindi lamang sa magulong pamilya na kung saan ako nakatira. Maging sa bawat taong nakasalubong ko na waring nandidiri sakin.

Labis ko itong dinamdam sa sobrang sakit na aking nadama  ay para bang tila naging bato  ang aking pakiramdam.

Nais ko lamang na umahon sa ganitong kalagayan. Nais  ko lamang na madama  ang pagiging tao. Dito sa mundong ibabaw. Pero nag kamali ako.. Ang Akala ko ay pantay lang ang lahat. Sapagkat lahat tayo ay nilikha ng dyos upang mabuhay dito sa mundo.. Mundo na ang akala  ko ay puno ng kasiyahan..Taliwas  sa inaakala ko..

Bata pala mang ako ay namatay na ang aking ina dahil sa isang isang sunog..Kong kayat  sa kumbento na ako halos lumaki  at nanirahan. Mahilig akong mag pinta.

Dati nga  ay pininta ko pa ang bahay na pinapangarap naming mag ina. Subalit naglaho na lamang ang lahat ng pangarap ko. Dahil sa trahedyang iyon na sinadyang sunugin ng Kong sinong tao ang among bahay.

Sa kumbento doon ko nakilala si Marky isang batang kaedadan ko din. Sa unang pagkakita  ko Palang sa kanya ay nakdama na ako ng kakaibang takot.

Matangkad ito ng kunti  sakin.. Matipuno ang pangangatawan. Ng minsay napadaan ako sa harap ng kanyang kwarto ng bigla niya akong pinatid sa kadahilanang napatumba ako at dumugo ang aking bibig..Pinilit Kong tumayo. Pero masakit talaga ang sugat sa mga labi ko..

Malas ngA naman talaga ako.

Sa halip na magsumbong ako sa mga madre ay inilihim ko na lamang ang mga bagay na ito. Dahil alam  ko na wala  rin naman akong magagawa..

Dumating sa punto na lalong  masidhi ang pinag dadaanan Kong hirap sa kamay ni Marky..

Pinag bintangan niya ako na ninakaw ko raw ang isang mamahaling Santo Ñino. Doon nagalit sakin ang mga madre at pilit nila akong pina paamin sa kasalanang  kailan man ay hindi ko nagawa.

Dahil sa pangyayaring iyon. Ay umalis ako ng kumbento. At naging palaboy sa lansangan. Parang basang sisiw sa Daan na walang matutunguhan..

   Napadako ang tingin ko sa isang malaking bahay. At may nakalagay na...

Wanted sa pagguhit"

Biglang lumiwanag ang mukha ko..Naisip ko na mag apply sa trabahong iyon. Dahil may talent naman ako sa pag guhit.

Ang akala ko sa una ay madali lang pero ng sinubukan ko ng mag pasa ng mga guhit ay palagi na lamang itong ni rereject o di kaya naman ay ginugusumot ni Mr Drunk..

Hindi pa nakuntento at inalipusta pati ang aking pag katao.

Dahil sa hirap na dinaranas ko ay naiisip ko na lamang na tapusin ang buhay ko.  Umakyat ako sa isang mataas  na tulay..

" Wag kang tumalon, wag mong sayangin ang buhay mo"! ani ng matandang gusgusin.

Natigilan ako sandali dahil sa matandang iyon..May kakaiba sa kanya na hindi .ko maipaliwanag.

Sa Hindi alam na dahilan ay bumaba ako na Wala sa sarili at dumako doon sa matanda..

" Huwag mong tapusin ang buhay mo,may paraan pa para yumaman ka"

May inabot syang isang bagay sakin. Isang lapis na kulay gold ang bumulaga sa akin..Kumikinang ito sa kalagitnaan ng gabi.Inabot niya ito sa akin na may ngisi sa kanyang mga labi..

" Ibibigay ko ito sa iyo.. Pero may ka palit, ito ang daan  upang yumaman ka"! Seryusong saad  nito.

" Itong lapis na ito ay may kakayahang gumuhit Kong Ano man ang nanaisin mo. Sabihin mo lang sa kanya ay kusa itong gagalaw at guguhit ayon sa gusto mo...,

" Ang bawat mga guhit nito ay mag kakatotoo"!

" Ano ang kapalit  niyan"!

" Malalaman mo sa tandang panahon"! Huling salita ng bigla itong naglaho sa harapan ko. Ka sabay ng isang tinig na nagsasabing.." Huwag mong kalimutang isasaw iyan  sa dugo ng isang berhen..

Doon nagsimula ang lahat ng maga gandang bagay na ng yari sa buhay ko..Natanggap ako sa isang pahayagan at nakikilala ang mga gawa ko Hindi lamang dito maging sa ibang bansa.

Yumaman ako bigla dahil sa lapis na ito...

Gabi gabi ako pumapatay ng isang Bergen para lamang hindi mawala ang bisa  nito.

Dumating  sa point na naisipan Kong gumanti sa mga taong nag pahirap sakin..Una Kong ipininta si Marky at inutusan ko ang lapis na iguhit si Marky na naka  tiwakal sa isang puno ng mangga....

Kinabukasan na balitaan ko na lamang ang nangyari Kay Marky..Napalihim akong napangiti. Totoo ngA ang sinabi ng matandang iyon...Ang bawat guhit ng lapis na ito ay nag kakatotoo in real life..

Sinunod ko naman si Mr Drunk. Hindi ko nakalimutan ang lahat ng kasalanang  ginawa niya sakin. Ang pag papahiya sakin. Kayat nong gabing  iyon ay inutusan ko muli  ang lapis na iguhit si Mr Drunk na putol putol ang katawan.. Na agad naman sinunod ng lapis..

Parang demonyo ako na natutuwa sa mga nangyari. Exited ako sa mangyayari kinabukasan..

Sa pangalawang pag kakataon ay nasukat ko muli  ang kakayahan ng lapis. Kinaumagahan nagisnan na lamang nila na putol putol na ang katawan ni Mr Drunk sa mismong higaan nito.

Tila naging masama  na ang lahat sa pag katao ko. Ng minsan ay humanap ako ng mabibiktima para ipaligo ang dugo sa lapis na hawak ko. Ay naabutan ako ng isang pulis na agad naman akong ikinulong....

Doon na lumabas ang katutuhanan sa pag kamtay ng maraming  kababaihan. Doon na ako tuluyang nakulong dahil sa mga kasalanan ko.

Naiwan sa bahay ang lapis....Parang baliw ako sa loob ng selda na sumisigaw sa pangalan ng matanda..

At bigla na lamang itong lumitaw sa harapan ko..At nagsalitang.

" Oras na para  kunin ang kapalit"! Sabay tawa ng malakas.

Biglang uminit ang ulo ko dahil sa mga sinabi niya..

" Anong kapalit ang pinagsasabi mo"!

" Ang buhay mo bwahahahahahahahahahaha"

Aakma ko na syang suntukin ng biglang nagbago ang anyo nito. Naging isang dyablo.

Nakakatakot ang itsura niya...Tumatawa sabay sabing.

" Oras na para kunin ang kapalit"!

" Hindiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii" takot na sigaw ko.Halos mag makaawa  ako sa kanya..

" Alam mo ba na naguguhit ngayon. Ang lapis mo..Bwahahahahaha at ikaw mismo pinipinta niya..Iginuguhit niya ngayon ang kamatayan mo..

Sa isang iglap may mga  kutselyong nag silitaw sa hangin at isa isa itong tumarak sa aking puso.

Dahan dahan akong nawalan  ng hininga.

Bago pa.mawala ang hininga ko ay narinig ko pa mismo ang sinabi ng Dyablo.

" Isang kaluluwa na naman ang nadala ng lapis ba ahahah Ahahahaha ....

Huli na nag lahat para sakin.

                     THE END

ONE SHOT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon