Ana's POV
Natapos na ang klase lahat lahat, ang tahimik pa rin ni Olivia.
"Ana, saan ka na pupunta?" Tanong sakin ni Ivann.
"Uuwi na ko. San pa ba ako pupunta?" Sarcastic kong tanong.
"Sungit naman nito. Syempre nandito na ko oh. Celebrate naman tayo. Sm tayo." Yaya niya samin.
"Olivia ikaw? Gusto mong sumama?" Tanong sa kanya ni Kathy. Kaya tumingin rin ako sa tabi ko.
"H-huh? Ah daming gagawin eh. Pasensya na." At nag lakad na. Ang weird niya. Sobra.
"Guys, pass muna ako. Mukhang may problema si Olivia na di sinasabi sakin eh." Sabi ko at aakmang aalis na nang nag salita si Ivann.
"Bestfriend mo ba siya?" Natigilan ako dun.
"Oo naman. Since nung pumunta ako sa states diba? Siya yung bestfriend ko at ikaw. Yun nga lang di tayo nag kikita kitang tatlo." Sabi ko.
"Ahhh. Oo nga eh. Sige na. Next time na lang tayo mag masyal."
"Okay. Byeee." At tuluyan na akong lunabas ng room. Palinga linga ako dahil hinahanap hanap ko si Olivia. San na ba yun?
"Ana!" 😒 Nagulat ako sa tawag sakin Kilala ko kung sino yun. Kaya lumigon ako.
"Oh?" Mataray kong sabi sa kanya.
"Wala bang hi jan?" Masaya niyang sabi. Anong meron at masaya siya ngayon?
"Kapag pagdating sayo, hindi ako mag ha-hi sayo."
"Grabe naman."
"Bakit ba nandito ka? Aalis na ko."
"Mukhang di mo kasama ang bestfriend mo ah. Saan siya?" Diniinan pa ang bestfriend.
"Mukha ba akong lost and found? Kaya sakin hinahanap ang nawawala?" Mataray kong sabi.
"Kahit kailan napaka sungit mo."
"FYI lang ah. Sayo lang ako nag susungit."
"At bakit sakin lang?" Habang papalapit na sakin. Tskkk...
"D-dahil ano. Dahil di mo deserve na mabait ako sayo. Tskkk." At tuluyan na akong umalis. Tinawag pa niya ako pero di ko na siya nilingon. San na ba si Olivia?
Ayun siya. Nasa gate siya. Nag aabang ng masasakyan? Mayaman siya ah. Ahh alam ko na. Hinihintay niya yata ang driver niya. Lapitan ko nga.
"Olivia!" Tawag ko sa kanya. Nakita ko siyang nag punas ng mukha? Bakit? Umiiyak ba siya?
"A-ana. Nandito ka na pala." At luminga linga na para bang may hinanap.
"Di ko sila kasama." Tipid kong sabi sa kanya at nagulat siya. Baka nahalataan niya na seryoso ako.
YOU ARE READING
My Teenage Crush My High school Crush( But he don't like me )
Romance_______________________________________________________________________________ Hi guys! nung teenage ba ninyo, meron na ba kayong crush o high school crush man lang na naiinis kayo naging crush nyo na? syempre lahat tayo may hinahangaan. Crush mean...