Chapter 12- Soft Side
...
Zacharey Point of View
Mga isang oras na akong naghihintay dito sa waiting area ng ospital, kasama kona rin si Dad at ang Selvester's Family nandito rin ang mga kaibigan ng nerdy na yun.
" Sino po ang relatives ni Miss Fritzy Selene? " tanong ng doctor na kakalabas pa lang sa operating room.
" Ako po doc, I am the father of the patient. " sabi ni Mister Selvester.
" Well, okay naman po ang kalagayan ng pasyente. Successful na natanggal ang bala pero marami nga lang ang dugo na nawala sa pasyente kaya di agad sya magigising. " paliwanag ng doctor.
Nag nod lang si Mister Selvester, " Thanks Doc. " sabi nito at may kinausap sa phone.
" Hey.. Ano ba ang nangyari? " tanong nung kaibigan na babae nung nerdy na yun.
Di ko sya pinansin at nakahawak lang ang kamay ko sa mukha ko.
Napa buntong hininga yung babae ng biglang may dumapong kamao sa mukha ko kaya natumba ako, nalasahan ko na rin kalawang sa gilid ng labi ko.
" Hey! Dhenver! Ano ba?! " sabi nung babae sa lalaking sumuntok saakin, inaawat na rin sya nung isa pang lalaking kasama nila.
" F*ck bitawan nyo ko! Gugulpihin ko ang lalaking yan! Dahil sakanya napahamak si Queen! " nanggigigil na usal nito at kumakawala sa pagkakahawak ng isa pang lalaki.
Tumayo ako at pinahid ang dugo sa gilid ng labi ko, pinaigting ko lang ang panga ko at tiningnan ng masama yung Dhenver.
" Ano ang nang-yayari rito? " tanong nung panganay na kapatid ni Nerdy--- Christopher? Christian?
Di lang kami sumagot.
Napabuntong-hininga na lang ito.
" Tumigil na kayo dahil baka bugbugin kayo ng kapatid ko, Oyy Zarie at Dhen bumili na kayo ng makakakain, Kyle may pag-uusapan tayo at Drake umuwi kana daw muna sabi ng daddy mo. "
" No. Di ako uuwi, anong room sya? " kalmado kung sabi.
" Sumunod ka saakin. " sabi nito. Nag nod lang yung Zarie at Dhen at umalis na at si Kyle naman ay nanatiling tahimik pa rin na nakasunod saamin.
Na'ng makarating kami sa room 74 ay iniwan na nila ako dahil sa may pag-uusapan daw sila.
Na'ng buksan ko ito, tumambad agad saakin ang isang kama na may maputlang babaeng nakahiga. Naka hospital cloths na rin sya, may oxygen rin na nakalagay sa may bibig at ilong nya, may iba pang aparato ang nakakabit sakanya.
Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi nya.
Nakokonsensya tuloy ako.
" Hey.. Nerdy.. Sorry. " malumanay kong sabi.
" Di ko alam kung paano mo nagawang patamaan ng dagger ang mga taong yun at di ko rin alam kung bakit ang high tech ng kotse at may password pa talaga, sa totoo lang ang weird mo talaga pero salamat sa pag ligtas mo sa buhay ko... Please wake up, aasarin pa kita.. " malumanay kong sabi at hinawakan ang right hand nya ng biglang...
" Tss.. Aasarin mo at papahirapan mo na naman ako. " mahina at nahihirapan nyang usal na sapat lang para marinig ko.
Napalaki ang mata ko at gulat na tinitingnan ang babaeng inaalis na ang oxygen nya.
" What the?! Gising kana?! " gulat na usal ko.
" Di tulog pa ako. " sabi nya at hinigpitan ang hawak nya sa kamay ko.
" What the?! Tatawag lang ako ng doctor. " sabi ko at tumayo na para lumabas ulit pero agad akong lumapit sakanya para pigilan syang tumayo.
" Wag ka nga munang tatayo! " galit kong usal.
Napa roll eyes na lang sya.
Di ko malaman ang dahilan kung bakit sya ng eyeglasses na wala namang grado. Pssh ang ganda kaya ng mata nya. A pair of amethyst eyes.
" Fine! " pag suko nya.
Lumabas na ako at sakto namang kakarating palang nung Zarie at Dhen, tiningnan naman ako ng masama nung Dhen.
" Gising na sya. " sabi ko at patakbong hinanap ang doctor pero napatigil ako sa pagtakbo na may marinig akong nag-uusapan at sa hula ko ay yung panganay na Selvester ito at yung Kyle.
" Nagiging agresibo na sila Kyle, kailangan maging mas magigpit ang pagbantay nyo sakanya. " sabi nung panganay na Selvester.
'Sinong hihigpitan ang bantay? Si Nerdy ba?'
" Oo Kuya.. Kailangan ko ng i upgrade ang mga babies ko. " sagot nung Kyle.
Huh? Anong pinag-uusapan nila at sino ba ito?'
" Oh Mister Fuentavella, am I right? Bakit ka nandito? " tanong ng doctor.
" Gising na po sya. " sabi ko.
Napalabas rin ang dalawa sa isang sulok at patakbong pumunta sa room ng nerdy na yun.
Pakarating ko agad tumambad saakin ang kumakain na babae na akala mo gutom na gutom.
" Uy! Queen.. Hinay-hinay lang.. Baka mabilaukan ka. " saway nung Kyle.
Di lang sya pinansin ni Nerdy at napatingin lang saakin kaya napatingin na rin ang natitirang tao dito sa loob.
I just maintain may poker face at tiningnan rin sya sa mata nya, agad naman syang uniwas ng tingin at nag fake cough.
" Mabuti naman okay ka lang. " sabi nya na kinakunot-noo ko.
Ako dapat ang magtatanong nyan eh.
Ibinalik ko agad sa pagiging poker face na mukha ko.
" Thank you for saving my life. " sabi ko at agad tumalikod at lumakad paalis.
Selene Point of View
Marunong palang mag pasalamat ang mukong na yun.
" Pag pasensyahan nyo na ang anak ko, di lang kasi yun sanay magpasalamat. " paghingi ng paumanhin ni Mister Fuentavella.
" Okay lang po. " sabi ko at lumamon ulit.
Di ko aakalain na ang isang Zacharey ay may soft side rin pala at di ko matatangging ang cute nya pag nag-alala.
" Oyy ano yang ngiti mo Queen? " tanong ni Dhen. Inirapan ko lang sya at pinatuloy ang pag kain habang tinatago ang ngiti sa labi.
...
Sorry guys kung lame pero alam nyo na e-excite na ako sa ending na ito para magawan ko na ng story si Zarnaiah.. Whaaaaa sana i support nyo.Love lots!
BINABASA MO ANG
Secretly Married to Protect Him
Romance" Every sunset is a proof that everything has an ending. " Isang babaeng nagpanggap na nerd at dapat magpagkasal sa isang lalaki para magtagumpay sa kanyang mission na protektahan ang isang tao. Sya si Fritzy Selene Selvester o mas kilala sa tawag...