NAPADAING si Saige nang bigla siyang mahulog sa sahig. Napailing siya bago tumayo at inayos ang sarili.
Kung parang haunted house ang labas ng bahay, sa loob naman ay parang normal na bahay lang. Surprisingly, malinis ang paligid. May isang kwarto rin siyang nakita na pambabae at may nakalagay na 'Leader' sa pinto ng kwarto.
But then, it's too girly. Babae ang leader nila but she's too girly.
Pero walang choice si Saige at natulog na lang sa kwarto nito. She placed a black flag on the terrace last night at ang emblem naman ay nilagay niya sa CR. Who would've thought na nasa CR pala ang emblem niya?
Naligo muna siya at nagbihis bago lumabas sa kwarto at bumaba. Lumapit siya sa bintana na natatabunan ng kurtina malapit sa pinto at hinawi ito. She saw a man-a cute man na nasa loob ng teritoryo niya. Nakita niyang nakaawang ang gate kaya napatampal siya sa noo niya. Right, nakalimutan niyang i-lock 'yon kagabi.
Agad niyang kinuha ang mask niya na natatabunan ang mata at ilong niya na nasa bag niya at sinuot iyon. Nakalugay ang mahaba at tuwid niyang buhok at nakasuot siya ng white pants at black sleeveless crop top na pinaresan niya ng combat boots. Nakita niya lang ang combat boots sa kwarto ng dating may-ari ng teritoryong inagaw niya.
Kinuha niya ang dagger na nakuha niya kay Connor na nasa lamesa at pumunta sa terrace.
Pinagmasdan niya ang lalaki habang ito naman ay palinga-linga sa paligid. He has this terrified look on his face kaya kumunot ang noo ni Saige.
Bago rin ba siya dito? Sa isip niya. That guy looks familiar.
Napansin niya rin na nanginginig ang kamay ng lalaki at may sugat ito sa braso na walang tigil sa pagdurugo. Sumandal siya sa railings habang pinaglalaruan ang dagger na hawak. Humangin ng malakas kaya nilipad nito ang mahaba niyang buhok na naging dahilan ng pagsagabal nito sa mukha niya kasabay ng pagtingin ng lalaki sa kaniya at ang pagsigaw nito.
She heard his scream followed by a thud kaya nagtaka siya. Hinawi niya ang buhok na nakatabing sa mukha niya at kumunot ang noo nang makita ang lalaki na nakahilata sa sahig at walang malay.
"Huh?"
PAGMULAT na pagmulat ng lalaki, si Saige kaagad ang bumungad sa kaniya. Nakaupo si Saige sa sahig sa harap ng sofa na hinihigaan ng lalaki. Napapitlag siya nang itinagilid ni Saige ang ulo niya. Wala na itong suot na maskara.
"T-Teka, i-ikaw ang m-m-multo k-kanina, 'di b-ba?" Nauutal na tanong ng lalaki sa kaniya at umupo.
"Multo?" Nagtatakang tanong ni Saige.
"O-Oo. Yung s-sa t-terrace." Mahinang natawa si Saige sa naging sagot nito. Natigilan ang lalaki nang mahinang natawa si Saige. How come he didn't notice such beauty? Napagkamalan pa niya itong multo.
"I'm not a ghost. Anong nangyari sa'yo at tila takot na takot ka? Your arm was also bleeding." Napatingin ang lalaki sa braso na ngayon ay may benda na at ibinalik ang tingin kay Saige.
Hindi siya sumagot at natulala na lang kay Saige.
Kumunot ang noo ni Saige sa hindi pag-imik ng lalaki. Hinintay niyang magsalita ang lalaki at maya maya pa, nagsalita na nga ito pero hindi naman nito nasagot ang tanong niya.
"A-Anong pangalan m-mo?"
"Stop stuttering. I'm Saige." Nahihiyang ngumiti ang lalaki sa kaniya bago nagpakilala.
"A-Ako si Min. Bago lang ako dito kaya pasensya na kung pumasok ako." Nakangiting sabi ni Min.
"Bago lang rin ako dito. If you want, you can also live here in my territory." Suhestiyon ni Saige kay Min kaya mas lumapad ang ngiti ni Min.
"Talaga? Salamat!" Tuwang-tuwa si Min ng mga oras na 'yon.
"Pero paano mo nakuha 'to? Paano ka nakakuha ng t-t-teritoryo?" Tanong ni Min sa kaniya. Huminga na lang siya ng malalim bago tumayo.
"Let's go." Pag-aya ni Saige sa kaniya. Nagtatakang tumingin si Min sa kaniya.
"Saan?" Hindi na sumagot si Saige sa tinanong ni Min at lumabas na ng bahay.
Kahit nagtataka, sumunod na lang si Min sa kaniya.
Paglabas na paglabas pa lang ni Saige, naramdaman niya agad ang isang pares ng mata na nakatitig sa kaniya. Hindi na niya pinansin iyon at tuloy-tuloy na lumabas.
"H-Hindi ka ba nababahala na b-baka maagaw ng iba ang t-teritoryo mo-natin?" Dinig niyang tanong ni Min sa kaniya. Umiling siya habang hindi pa rin lumilingon.
"N-Nandun pa ang mga gamit mo. B-Baka maagaw n-nila." Nagtataka na si Saige kung bakit nauutal si Min. Tinagilid niya ang ulo niya habang naglalakad pa rin at naisip na baka kinakabahan lang si Min.
"Edi kunin nila. I have my emblem with me." Sabi ni Saige at kinuha ang isang panyo na nakatupi mula sa bulsa ng pants niya. She made another emblem while Min is asleep.
Itinaas niya ito at muling binalik sa bulsa. Huminga na lang ng malalim si Min bago binilisan ang lakad para mapantayan si Saige.
"Bakit hindi ka n-natatakot?" Tanong ni Min sa kaniya.
"Can you please stop stuttering?" Inis na sabi ni Saige kay Min.
"Okay.." Mahinang sagot ni Min. She suddenly felt guilty sa paghina ng boses nito pero tumikhim lang siya at hindi na umimik.
Si Min naman ay gustong-gusto nang magsalita pero natatakot siya kay Saige dahil baka mapagalitan pa siya nito at baka paalisin pa.
"You're free to talk." Saad ni Saige. Napangiti si Min at nagsalita ng kung ano-ano.
Hindi nakinig si Saige sa kaniya at inobserbahan na lang ang paligid.
She can still feel someone staring at her. Hindi niya maiwasang hindi mapairap dahil doon.
Pati ba dito uso ang stalker? Sa isip niya.
"Saige, nararamdaman mo ba?" Tanong ni Min sa kaniya. Hindi siya nagsalita at hinintay na lang ang sasabihin ni Min.
"May nakatingin sa atin... at dalawa na sila."
BINABASA MO ANG
District 9
Fanfic"District 9? Bakit 'yan ang pinili mo? Alam mo naman na delikado diyan, 'di ba?" "I don't care kung delikado. Basta... sabi ng instincts ko na sa District 9 ako nababagay." Si Aya Ysabella Saige ay ang tinaguriang 'pinabayaang anak' ng District 1. S...