Chapter 1 (ENCOUNTER)
Ting! Ting! Ting! Ting!
Napabalikwas ng bangon si Joey sa kanyang higaan ng marinig ang pag alarm ng cellphone niya. Nagtatakbong bumaba ng hagdanan at dumeretsyo sa CR.
"Awwwwwwwww! Ang lameggggggg! Nagising ako dun XD ang sakit ng ulo ko @.@ Promise hindi na ko magpupuyat ang ganda kasi ng nabasa ko kagabe eh." :D para na naman akong baliw kinakausap ko sarili ko hahah.
"Baliw ka naman talaga eh!" Sigaw ng ate ko sa labas ng CR. "Bilisan mo na nga dyan malelate kana! 8 oclock na kaya!"
"WhaaaaaaaaaaaT! O_o Late na ko!" Pagkatapos ko magbihis nagtatakbo na ako sa labas. Ito ang araw-araw kong scenario .
"Anak! Hindi ka ba muna kakain!" Sigaw ng lola ko sa labas ng pintuan namin dahil patakbo na ako sa kalye! "Magsuklay ka din ng buhok!" pahabol na sabi ng lola ko.
"Opo Nay!" Nagmamadali kong hinagod yung buhok ko na medyo basa pa dahil hindi na ko naka pag blower. Nakakainis naman talagang buhay to oh. Nyak! 8:30 am na, pagkatingin ko sa relo ko, ang start ng class ko eh 9:00 am sana umabot ako >_<
Hay nandito pa din ako sa Jeep T_T 9:00 am na. Grrrrrrrrrr! >_< Teka na describe ko na ba kung anong itsura ko? XD
Anway dahil ako ang bida dito sa Kwento ko XD bibigyan ko na lang kayo ng kunting briefing sa buhay ko habang nasa biyahe ako na parang gusto ko na lang bumaba at tumakbo dahil sa pesteng traffic na to.
I’m Joey Dela Cruz, I’m certified Girl XD kahit na pang lalake ang name ko, I don’t really understand my parents, why do they have to gave me a boy's name? kaya iyan akala ng lahat lalake ako. Mahaba ang hair na super straight, makipot ang mga labi at medyo mapupula, may pakachinita ang mata with long lashes, balingkinitan ang katawan at sakto lang ang height! Oh maganda diba? Hindi ako yan XD Lahat yan ay kabaliktaran ko actually ang denidescribe ko yung pinsan kong si Estaline at bestfriend ko na din, mahal na mahal ko yan pinsan ko na yan ewan ko ba kung bakit hindi ako biniyayaan ng ganyan! Eh magkapamilya naman kame! Unfair diba? XD At samantalang ako, ito ang tigas ng buhok kong hanggang waist na big curls, buti na nga lang kulot sya dahil manipis lang ang hair ko at ng kabuhol buhol dahil hindi na kapag suklay, ang laki ng eyebag kapupuyat @.@ hindi na nga sya bag eh maleta na! Hindi ako singkit sabi nga ng pinsan ko, big eyes ako pero carry lang naman daw kasi mahaba naman daw pilik mata ko, ang pinaka favorite ko sa face ko eh yung mata ko, yun lang kasi maganda sa akin XD. Mahilig ako magbasa ng manga, minsan nakakalimutan ko yung oras pag nagbabasa ako, feeling ko kasi ako yung bida, ambisyosa eh XD inaabot ako ng madaling araw kaya iyan lageng late sa class every morning:D I wonder? Kakausapin na naman ako ni Sir nito XD Tsk! Tsk! I must be ready na mapagalitan na naman feeling ko nga close na kame XD hahahha. Naiinis din ako kasi lagi na lang may wind burn yung lips ko XD, sabi ng mga classmate ko eh maganda daw ang kutis ko? Parang hindi naman eh my pimple nga yung mukha ko, pero hindi naman ganun kalala, medyo lang. At cute size din ako 5ft lang. Hindi ako maliit sadyang matatangkad lang sila XD hhahahah.
"Yes! Finally! I’m here na sa School", nagmamadali akong tumakbo pa puntang gate ng school naming ng mapansin ko ang mga studyante na nagtitilian at nagkakagulo sa harap ng gate.
"Walangya naman tong mga to oh! Dyan pa talaga humarang!" Napansin ko ang isang kotse na malapit samin na nakapark at may bumabang super tangkad na guy? Guy nga ba? OMG! 0.o Girl yata? Wait kung girl sya bakit uniform ng boys ang suot nya? Is she a she or he? Ang ganda ng face ang kinis.
"Oh my?? 9:30 na! Kamote! Tama na nga yan! Wala na kong pakialam kung lalake o babae sya, basta ang alam ko, pektus na ko nito kay Sir Kiray! Nyaaaaaaaa..."