24.ALOHA

687 42 2
                                    

Sa kauna unahang pagkakataon,Ngayon lang ako nakaramdam ng nerbyos sa buong buhay ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa kauna unahang pagkakataon,Ngayon lang ako nakaramdam ng nerbyos sa buong buhay ko.Kasi naman ay nakatingin sa akin lahat ang buong pamilya ni Gari.

"Magandang gabi po.Pasensya na po kung masyado ng ginabi si Miss Gari sa pag uwi._AKO.
Agad namang nagmano si Gari sa pinaka matanda sa kanilang lahat kaya napa mano na din ako.Malamang yun ang Inang nya.

"Inang,Ate..Tiya.Si Captain AJ Villareal po pala.
Sya po yung anak ng may ari ng VAL na pinapasukan ko._Gari.Kahit sya man ay halata din ang kaba habang nagsasalita at ipinakikilala ako.

"Kilala na namin sya Ate Gari.Sya yung madalas na nasa pang mayamang magazine.Pati si Inang ay alam din na Aloha Jazz ang name nyang totoo diba?_Dalagita.Napangiti ako sa kanya.

"Tama si Berta Gari,Kilala ang pamilya ng mga Villareal sa buong bansa kaya kahit si Inang ay alam din ang Family background ng pinapasukan mong kumpanya.
Na starstruck lang siguro kami kaya hindi kaagad nakapag salita.Welcome Captain AJ sa aming munting tahanan._Babaeng may hawig kay Gari.Saka sya kumamay at yumakap sa akin.

"Nice meeting you too po,Miss...I mean salamat po pala sa mainit na pag welcome sa akin ngayon.Hindi ko po akalain na kilala nyo pala ako.Pero wag po kayong masyadong maniniwala sa mga nababasa nyo lang,Minsan po kasi ay exxage sila magbalita talaga._AKO

"Naku,Welcome na welcome ka dito iha!Tama ang ate ni Gari,Talaga ngang nakaka tulala pala kapag kaharap mo na yung anak ng boss nitong si Gari.Akalain mong sa magazine ko lang nakita tapos ngayon ay nasa harapan ko na.Mas magandang lalaki ka sa personal iha._Inang ni Gari.

"Naku hindi naman po.Pare parehas lang po tayo.Magaganda din po kayong lahat._AKO.Isa isa ko silang kinamayan habang nagpapakilala sila sa akin.

"Mabuti at napasyal ka dito sa amin.Pasensya na kung wala kaming aircon dito ha.Tanging hangin lang mula sa labas ang pinaka aircon namin dito kaya pagtiisan mo na lang._Ate(Pangalawang ate ni Gari na mas hawig sa Inang nila)

"Wag po kayong mag alaala,Hindi naman po ako maselan sa mga ganyan.Sanay din po akong umaakyat ng bundok paminsan minsan kaya mas masarap po talaga ang natural na hangin.Presko at malinis.Masaya po ako at malugod nyo akong tinanggap ngayon dito sa bahay nyo.Salamat po._AKO

"Tyak na gutom na kayong dalawa dahil galing pa kayo ng Thailand nyan.Halika na muna kayo sa kusina at ng makapag dinner.Mabuti na lang at madami akong niluto ngayon kasi nga ay alam kong darating kayong lahat.
_Tiya Bering ni Gari.Sila ng anak daw nya yung mga kasa kasama dito sa bahay ng Inang nya.

"Salamat po Tiya Bering.Ako na po ang bahalang mag asikaso sa kanya,Magpahinga na din po kayo.
_Gari.Si Gari na ang naglagay ng plato sa harapan ko at saka nag abot ng kanin sa akin.

"Sige maiwan ko na muna kayo dyan at duon na muna kami sa sala ng mga kapatid mo.Matagal na din naman silang di nakaluwas kaya madami kaming kwentuhan.Bahala na muna kayo dito ha.Wag kang mahiya,Captain.Ako ang nagluto ng mga yan._Tiya Bering.Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Ang babait naman pala ng mga kapatid mo eh.Lalo na yung Inang mo.Palagay ko,Tuwang tuwa sya sa akin kasi panay ang kurot nya sa pisngi ko eh.Bakit ikaw lang yata ang masunget sa inyo ha?_AKO

"Wag mo kong sinisimulan na naman dyan.Kumain ka na lang kung ayaw mong mahampas kita nitong tortang talong sa mukha._Gari

"Grabeh ka talaga sa akin.Ang sunget sunget mo.
Isusumbong kita sa Inang mo para malaman nila kung gano ka kasuplada sa aming mga katrabaho mo.Lalo na sa akin.
_AKO

"Di magsumbong ka!Sa palagay mo,Sino ang kakampi sayo dito e teritoryo ko toh? Para kang bata.Kumain ka na lang para makabalik na tayo dun sa loob.Malamang na ikaw na naman ang pinag uusapan nila duon.Masyado ka kasing papogi._Gari

"Hindi kaya!Sadya lang talaga akong natural na gwapo kaya nila ako kilala.Pero teka,Naaaliw ako sa Inang mo ha...Buti pa sya nagagwapuhan sa akin.Samantalang ikaw,Parang diring diri ka sa akin._AKO.

"Hindi ako diring diri sayo.Iba ang bwisit na bwisit sa diring diri okey?Ewan ko nga ba sa kanila at gwapong gwapo silang lahat sayo,Kung alam lang nila na nakakabwisit kang kausap.Saka asan ang gwapo dyan?
Mas gwapo pa sayo si captain Serrano eh!_Gari.
Si captain Serrano yung junior pilot ding kasabayan namin ni sky.Sya yung kinukwento ni SKY sa akin nuon na may balak manligaw kay Gari kapag daw naregular na sya sa VAL

"Okey fine,Mas gwapo na sya.Saka hindi pa sya LESBIAN kaya mas gusto mo sya.Wala naman akong laban dun.
Magkaiba kami ng kagwapuhan._AKO

"HEEEY!Bakit naman nasali dito pati ang gender ha?
Sinabi ko lang mas gwapo,Wala naman akong sinabi na kasi Lalaki sya.haaaaaist! Ayoko na nga lang magsalita.
Lahat ng sabihin ko,Iba ang dating sayo._Gari.

Hindi na lang ako umimik.Kasi naman,Bakit ba pagdating sa usapang lalaki...Iba ang dating sa akin.Napaka sensitive ko.Mula ng madinig ko from her na ayaw nya sa isang Lesbian,Nakaramdam na ako ng insecurity sa mga kalalakihan.

"Salamat po sa masarap na hapunan.Namiss ko po ang mga pagkaing lutong bahay.Bihira po kasing magluto ng ganun sa amin._AKO

"Mabuti naman at nagustuhan mo iha.Alam mo kasi nung nag message itong si Gari na kasama ka nga daw nya pag uwi, dali dali kaming nagsipag ayos ng bahay.Tapos nagdagdag pa kami ng mga putahe.Sakto naman kasi na dumating din itong mga ate nya,Bihira lang kaming makumpleto sa bahay gaya ngayon eh._Inang ni Gari.

"Sinabi mo pa.Kaya naman napakasaya namin na binisita mo ang bahay nitong si Gari.Iilan lang kasi ang isinasama nya dito sa bahay,Kundi si Martha ay sina MAUI at Katie.
Tapos yung nobyo nilang sina ZEE at Gucci na pagkagwapo gwapo ding gaya mo!_Tiya Bering.

"Hahahahha.Pasensya kana sa Inang at Tiya ha,Ganyan sila ka gwapong gwapo sa inyo.Para daw kasi kayong mga artista.At hindi daw kayo mga mukhang mga babae talaga.
_Ate Marissa.(Panganay)Naipakilala na kasi ni Gari sa akin isa isa ang pangalan ng mga ate nya at ng inang nya.

"Salamat po.Salamat sa pagtanggap sa akin dito.At first po talaga ay kinakabahan ako na baka hindi nyo ako tanggapin dito dahil nga sa katauhan ko...I mean,confident naman po ako sa pagkatao ko pero syempre hindi naman po kasi lahat open sa mga ganitong kagaya ko.
Masarap po pala sa pakiramdam na may mga kagaya nyong malalawak ang tanaw at pang unawa sa mga kagaya ko._AKO

"Iha,Kahit naman kami ay mga laking probinsya.Hindi naman makitid ang utak namin.Ganyang mababait at matitino kayong pumanhik sa bahay ko,Bakit naman namin kayo huhusgahan base sa kasarian nyo?
Wala namang masama sa ginagawa nyo at hindi naman kayo problema sa lipunan kaya sino kami para kayo husgahan hindi ba?_Inang ni Gari.Napayakap tuloy ako sa kanya.
Hindi ko mapigilang maluha sa magagandang sinabi nya hindi lang sa akin kundi sa lahat din ng mga kagaya ko.

" ANG OLDMAID kong STEWARDESS" (ALOHA AND MARGARITA)*GXGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon