Kabanata 49

1 0 0
                                    

Pinili.
 

"Ayokong maging nega pero dapat ba akong matuwa na bukambibig ng lahat ang Buencamino Real? " Para sa walang kwentang rason?

"Tanga! " Ani Kai. "Pinagkalat mo lang sa lahat na patay na patay 'yong lahi natin sa lahi nila e! "

  

Hindi 'yon ang gusto kong maging kahihinatnan nito.

  

Nakaraan nga'y natutuwa pa ako sa ediyang nagsama sa isang lugar ang isang Buencamino at Sepe na walang gulong naganap... Tapos ngayon?

  

Oh my gosh.

  

Hindi ko alam na may mga reporter pala ng mga oras na 'yon. Nakalimutan kong nag e-ere pala sila para maki-update sa mga taga-labas! Hindi man camera na pang photography, camera pa rin! Camera ng phone! Kahit low quality 'yong video, malinaw na malinaw ang naganap ng araw na 'yon.

  

Dalawa kami ni Al... Nagkaaminan.

  

Nakakaloka.

  

"Plot twist. Sila pala ang magkakatuluyan "

"Ayyiieeh! Hindi ba't magkalabang angkan 'yan? Baka love na rin ang sagot para matigil na 'yong away sa angkan nila? "

"Haaalllaa! Bagay sila! Al! Sana siya nalang 'yong pakasalan mo! "

"Ship ko 'tong dalawang 'to! Sa gitna ng gyera, nagkaaminan! "

"Ipa-trending 'tong balitang 'to! Nakaka-good vibes sa kabila ng kamalasang kinahaharap ng bansa natin ngayon! "

People! Hindi ang love issue namin ni Al ang dapat n'yong bigyan ng pansin! They should pay attention to the war that is happening right now in our land! 

"Sa kabila ng nangyayari sa Buencamino Real ay nagawa pa rin nilang magmahalan! Waahhh! Nakakaiyak na nakakakilig! "

  

Laglag ang balikat ko sa mga nababasa.

  

May pag asa pa ba ang mundong ito?

  

Bakit parang wala silang pake sa sariling lupain?

  

Ssen Buencamino Alawi. Edit.

  

... If you change your name on Facebook, you can't change it again for 60 days. After 60 days kung pwede namang forever ko itong panindigan?

  

Pinalitan ko ang aking pangalan sa facebook. Ssen Alawi Salud.

  

Ssen Alawi Salud.
10 seconds ago. Public.

Even though Buencamino Real is facing a tragedy right now, #PrayForBuencaminoReal
#PrayForThePhilippines
It's the least that we can do. Just Pray, everyone. God is with us.

  

Ang mga reply nila'y... Amen. Puro nalang amen. Pinapanalangin ba talaga nila?

  

Mas pinagtuusan pa nga nila ng pansin 'yong pagpapalit ko ng pangalan e! Hindi ako nagpalit ng apelyido para hindi nila kaagad mahanap, nagpalit ako kasi 'yon iyong tama. Kasal na ako! Dapat lang na dalhin ko ang apelyido ni Conde! E, Ano naman kung nagpalit ako para hindi putaktehin ng mga facebook user?

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon