Swerte.
Am I surrendering? Who said that I was surrendering?
Ngayon pa nga lang ako magba-bagong buhay e. Pakiramdam ko'y ngayon pa lamang nagsisimula ang aking buhay. I will correct everything now in my life, makalabas lamang sa lugar na ito.
Gano'n rin para kay Al, lalo pa't ikakasal na siya.
Hindi ba, magandang isipin 'yon?
Kahit 'yon lang ang isipin ko para huwag mawalan ng pag asa'y inaasam-asam ko ring makamtan. It doesn't need a place to fulfill it. Sapat na ang mga tao sa paligid mo na naghihintay sa paglabas mo. Their presence is enough to dream again.
Para sa kinabukasan. Aja!
"Makakaligtas po tayong lahat " Bumaba ang aking tingin. Sinundan ng tingin ang galaw nang lalaking ibinababa ang kamay ni Al sa pagkakahawak sa kanya.
Kita ko rin ang pagkadismaya ni Al sa nangyari.
Hindi siya nag angat ng tingin. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong nalulungkot ako sa mag asawa ngayong na kay Al ang pinaka-simpatya ko. I see the sadness of his eye.
Sa aming dalawa... His heart is even softer than mine.
Maliliit nga na bagay dati, dinidibdib niya... Ito pa kaya?
Isa sa mga natuklasan ko sa kanya. Kapag kaawa-awa ka'y palihim ka n'yang kaawaan. Pero kung hindi, garapal n'yang pinapamalas ang sama ng ugali niya. Tested na 'yan. Sa akin man o sa ibang babae, sa mga nakarelasyon niya man, ang awa'y ibinibigay niya sa mga karapat-dapat. Para sa mga nasa ibaba.
Hindi ako kasama roon.
"Hindi namin lilisanin ang Buencamino Real " Uminda ito kaya't naalarma si Al.
"Ilalabas ko po kayo rito! " Aakmang buhatin subalit uminda muli.
Pumikit ako't iniwas ang tingin sa kanya.
Nabungaran ko ang isang inang nangungulila sa anak. "Hindi kami aalis ng Buencamino Real... Para sa anak namin "
Ang puso ko'y kumirot pang lalo.
"Maging siya'y nag aalala na siguro sa kinalalagyan niyo ngayon? " Pinipilit rin n'yang huwag mawalan ng pag asa.
Kulang pa. Kailangan ata ng pwersa.
Sa tingin ko?
"Hindi kami aalis. Dito niya kami iniwan, dito rin siya babalik " Pinilit niya pa ring sumagot.
"Damn! " Mura ni Al. Napatingin sa kanya ang dalawa. "Sa tingin niyo'y iniisip niya pa 'yon ngayon? Syempre, hindi! Uunahin niya ang kaligtasan niyo! At kung siya man ang nasa kinalalagyan namin ngayon, iyon din po ang iisipin niya! " Hinihingal ito pagkatapos sabihin 'yon. Maging ako'y napalalim na rin sa paghinga. Tumatakbo ang oras. Gano'n rin ang araw. Walang dapat sayangin. Sa pag dami ng volume ng langis sa tubig, lalamunin nito ang kaunti naming liwanag.
BINABASA MO ANG
Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)
RandomSTARE but never STEAL. Don't destroy other relationships just to get the love that you desire. This is why some people are toxic. Date started: February 22, 2019 Date finished: July 01, 2019