CHAPTER 15

3.9K 68 17
                                    

"Ma what happened to Megan?" tanong ni Gerald.

"Isinugod kanina sa ospital, naoverdose yata sa gamot." si Grendon ang sumagot.

Napahawak sa kanyang dibdib si Sarah habang napatingin naman sa kanya si Gerald.

"We wanted to go to the hospital but we've decided to wait for you. Kaya tayo na." saad ni Luisa.

"O-ok Ma, let's go." tila wala sa sariling tango ng binata.

Umakyat sa kwarto si Luisa upang kunin ang bag niya, nakasunod naman sa kanya si Nanay Letty at Gara sapagkat may mga ipnagbibilin siya, habang si Grendon naman ay nagtungo na sa garahe upang ipahanda kay Manong Roger ang sasakyang dadalhin nila. Naiwan si Sarah at Gerald sa sala.

"Pupunta lang ako sa ospital to find out what happened ok? babalik din ako kaagad." ani Gerald habang nakahawak sa magkabilang balikat ni Sarah.

"Eto na nga ba sinasabi ko eh..." naiiyak na wika ng dalaga.

"Are you blaming yourself? Hindi mo ito kasalanan ok?" matigas na saad ng binata.

Napapiksi lamang si Sarah.

"Everything's gonna be okay. basta hintayin mo ako..." hinalikan siya ni Gerald sa pisngi bago ito nagtungo sa labas.

Nababahalang naiwan ang dalaga sa sala. Maya maya pa ay pumanaog na sina Nanay Letty.

"Kayo na bahala dito Letty ha... Si Myka maya maya darating na din yun." bilin ni Luisa.

"Oo sige... mag-ingat kayo." tugon ni Letty.

Nang makaalis ang mag-anak ay nagharap harap sina Sarah, Nanay Letty at Gara.

"Sarah ano ba ang nangyari? nag-away ba yung dalawa? Bakit nagtangkang magpakamatay si Megan?" tanong ng ina.

Hindi naman makasagot si Sarah. Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang guilt na nararamdaman niya. Napaatungal siya ng iyak habang patakbong nagtungo  sa kanilang silid.

"Diyos ko... anong nangyari doon? ano ba ang nangyayari Gara?" litong tanong ni Letty.

"Hindi ko din alam Nay, ang mabuti pa siguro ay sundan natin si Sarah." anito.

Sinundan nila ang dalaga at doon ay nakita nila itong umiiyak sa gilid ng kama. Naaawang nilapitan ni Nanay Letty ang anak at masuyong hinagod ang likod nito.

"Anak, ano ba ang nangyayari? Sabihin mo sa akin..." masuyong tanong nito.

"Mama, kasalanan ko po kung bakit nangyayari ito ngayon..." humahagulgol na anang dalaga.

"Bakit mo naman naging kasalanan?" 

"Hiniwalayan po kasi siya ni Gerald dahil sa akin." lalong napalakas ang pag-iyak nito. Naaawang niyakap ni Letty ang anak.

"Anak, hindi mo kasalanan yun.. may sarili siyang pag-iisip at alam niyang mali yung ginawa niya."

"Ang sama sama kong tao..."

"Ano ka ba Sarah, hindi mo kasalanan ang nangyari. At lalong hindi mo kasalanan na mahulog ang loob sayo ni Gerald, alam ko yan. Saksi ako diyan. Noong una pa lang alam kong may lihim na pagtingin na sayo yang si ge eh, ewan ko ba kasi kung bakit itinuloy pa rin niya yung pangliligaw niya kay Megan." sabat ni Gara.

"Anak mahal mo din ba si Gerald?" tanong ng ina.

"Opo Ma.." mabilis na tugon ni Sarah. "Pero hindi tama ang mga nangyayari. Kaya habang maaga pa ay dapat itigil na. Nakakahiya din po kina Tito Grendon at Tita Luisa kaya ayoko na Ma... hindi na..." sunod sunod na iling ng dalaga ta pasubsob na yumakap sa ina. Napabuntong hininga na lamang si nanay Letty at gara.

ASHRALD FANFIC PRESENTS; KUNG AKO NA LANG SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon