CHAPTER 1

24.8K 263 10
                                    

YOU made me lose my date just to babysit your house?”

Parang gusto nang itakin ni Wade ang pinsan niyang si Trace nang ngisihan siya nito.

Kanina, nang tawagan siya nito—habang nasa bar siya kapiling ng pinakabagong fling niya—ay sinabi nitong may emergency situation kaya dali-dali siyang nagtungo sa bahay nito.

“It’s just for a week, Wade. Alam mo naman si Bianca, masyadong nerbiyosa. Hindi iyon matatahimik hangga’t hindi ko na-a-assure sa kanyang may tataong mapagkakatiwalaan sa bahay.” Anito sabay tapik sa balikat niya.

Napailing na lang siya. “You have your maids to watch over your place. Why ask me?”

“I told you, Bianca won’t loosen up ‘til she knows our house is in good hands. Not that she doesn’t trust Yaya Imang,” tukoy nito sa yaya nito mula pa pagkabata. “It’s just that, she’s too worried about Yaya’s health para iwan pa ang ganitong responsibilidad sa kanya.”

Nangunot ang kanyang noo. “Paano ka nakakasigurong hindi ko nga sisilaban itong bahay mo?” lukot ang mukhang itinuro niya ang malawak na lawn ng bahay nito. “Tataniman ko ng maraming kamote iyang bakuran mo.”

“Gawin mo at tiyak na makakasundo mo ang mga kapitbahay ko.” Tatawa-tawang inabot lang nito sa kanya ang susi.

Napabuntong-hininga na lang siya nang abutin iyon at sipatin ang kanyang relo. Mag-a-alas-onse na ng gabi. Dapat, sa mga oras na ito ay naroon na siya sa paborito niyang hotel at binibigyang hustisya ang kanyang pagka-lalaki sa piling ng isang napakagandang babae. Pero heto siya ngayon at naka-stuck sa pagbabantay ng bahay ng pinsan niya.

Asar na sinuntok niya ito sa braso.

“Aray! Bakit ba?” angal nito.

“Umamin ka nga, Trace.” Aniyang inilagan lang ang ganti nito. “Naglalakad ba iyang bahay mo at hindi mo maiwan-iwan?”

“Hindi.” Sagot nito. “Pero naglalakbay iyan sa ibang dimensiyon kapag gabi.”

“Ows? Anong dimensiyon naman kaya ang nararating niyan?”

“Sa dimensiyon ng kaligayahan.”

Kahit siya ay natawa sa isinagot nito.

Oh, well.

Wala rin naman siyang masyadong pinagkakaabalahan ngayon. Hindi na rin naman siguro masama na tanggapin niya ang pakiusap nito.

“One week.” Aniyang iwinawagayway pa ang hintuturo sa harap ng mukha nito. “Kapag hindi kayo bumalik sa loob ng isang linggo, itaga mo sa bato. Wala kang dadatnang kahit anino ng bahay mo pagbalik mo.”

Iiling-iling na tinalikuran lang siya nito. Hahakbang na rin sana siya papasok ng bakuran nang biglang mapadako ang tingin niya sa gate ng bungalow sa harap ng bahay ni Trace.

Partikular na sa nagbukas niyon.

Parang biglang sumakit ang ulo niya sa nakita. Hindi niya alam kung anong klaseng nilalang ang lumabas mula roon. Hindi niya gaanong mabistahan ang mukha nito dahil natatakpan pa ng madilim na bahagi ng kalye kaya hindi niya alam kung tao ba talaga ito o ano.

“It” was wearing a flame red sweat shirt, shining gold pedal pushers, striped violet and white high socks, and green sneakers. May naaaninag pa nga siyang parang tenga ng pusa sa ulo nito.

“What the heck is that?” wala sa sariling usal niya na mukhang nakarating sa pandinig ni Trace.

“Ha? Where?” Napahinto ito sa pagbubukas ng mababang gate. Nilingon nito ang tinitingnan niya saka biglang natawa. “Oh, her.”

“Her?” salubong ang mga kilay na nilingon niya ito. “That’s supposed to be a human being?”

“Yes.” Nakangiting sinundan nito ng tingin ang babae “raw” nang magsimula na itong lumakad palayo. “That’s Haya. Siya ang nakatira riyan sa tapat. She’s a nice young lady—“

“First you tell me she’s a human. Then you tell me she’s a she. Now, you’re telling me she’s nice?” hindi pa rin makapaniwalang nilingon niya ang daang tinahak nito. “Hindi ba kayo nababagabag na baka bigla na lang kayong tiradurin o kaya ay saksakin no’n?”

Kumunot ang noo nito habang iiling-iling.

“Ang lawak talaga ng imahinasyon mo, Wolfram.” Nginisihan lang siya nito nang sibatin niya ito ng matalim na tingin. “Daig mo pa si Himaraya.”

“Sino naman iyon?”

“That’s Haya’s full name.” itinuro nito ang bungalow na madilim na madilim dahil wala ni isang ilaw ang nakasindi. “Haya’s a writer. At kasama sa ilang mga kakaibang quirks niya bilang manunulat ang pagjo-jogging ng naka… ng naka-gano’n.”

“In the middle of the night?” manghang tanong niya.

“At sa katanghaliang-tapat.”

“Looking like an oversized rag doll?”

Humalakhak na naman ito. “Minsan lang namang magkaganyan ‘yang si Haya. Kapag may writer’s block lang siya nagpapaka-rag doll. Sabi ko nga sa iyo, that girl’s really nice. Not to mention, pretty, too.”

Nagdududang tinitigan niya ito. “Babarilin ka ni Bianca kapag narinig ka niya.”

“’Lol. Paboritong kapit-bahay ni Bianca ‘yang si Haya. Kaya ‘wag na ‘wag kang magkakamali at baka ikaw ang barilin niya kapag nalaman niyang may ginawa kang kalokohan kay Haya.”

Napaangat ang kilay niya. “She’s not my type. Wala sa bokabularyo ko ang mga babaeng nawawala sa sarili.”

“Yeah?” napalingon ito sa bandang kaliwa niya. “Wait ‘til you see her up-close. Baka ikaw ang mawala sa sarili.”

“What—“

“Haya.”

“Bakit?”

Mabilis na lumipad ang tingin niya sa nagsalita.

“I want you to meet someone.”
His jaws literally dropped nang makita na ng buo ang hitsura ng nilalang na inakala niyang isang naglalakad na bangungot kani-kanina lang.

PANAY ang nguya ni Haya ng Cali Nuts habang nakatanga sa harap ng kanyang aandap-andap na monitor.

Nilingon niya ang kanyang Son Goku wall clock. Mag-a-alas-onse na ng gabi. Dapat ay gising na gising na siya ng mga oras na iyon at tumitikada na sa harap ng kanyang computer para sa kanyang mga bagong obra.

Pero heto siya—bangag. Ni wala siyang maisip kahit na isang salita na idudugtong sa isinusulat niya. Hindi iyon maaari dahil malapit na naman ang deadline niya.

Pinatunog niya ang kanyang mga daliri saka humugot ng isang malalim na hininga. She needed to focus. Ang kaso, ayaw talagang makisama ng lintik na utak niya.

“Anak ng Cali Nuts naman, oo!” nasabunutan niya ang sarili sa sobrang frustration na nadarama nang mga sandaling iyon.

She knew she needed to breathe. Dahil kapag hindi pa niya ginawa iyon, baka magbigi na lang siya ng patiwarik sa kwarto niya.

And she knew exactly what she needed.

Mabilis na hinubad niya ang suot na shorts at ipinalit ang kanyang gold pedal pushers. Pinatungan din niya ng pulang-pulang sweat shirt ang suot niyang black shirt saka isinuot ang striped high socks niya. Inabot din niya ang headband niyang may cat ears na naharbat niya kasama ng kaibigang si Ril noong nakaraang cosplay na pinuntahan nila. Walang  kahirap-hirap din niyang isinalpak ang kanyang mga paa sa lumang-luma nang sneakers niya na kulay lumot na.

Napangisi siya nang sulyapan ang sarili sa full length mirror sa isang sulok ng kwarto niya.

Siguradong sasakit na naman ang ulo ng sinumang makakakita sa kanya pero wala siyang pakialam. Alam niyang weird ang tingin sa kanya ng mga kapitbahay niya lalo na kapag naiisipan niyang gawin ang kakaibang trip niyang iyon sa katanghaliang tapat.

But she didn’t mind at all.

Writer siya kaya entitled siyang maging weird, kundi man madalas, ay paminsan-minsan.

Care ba nila? Bulong ng praning na isip niya bago siya nagmartsa palabas matapos patayin ang lahat ng ilaw. At care ko rin sa kanila?

Palabas na siya ng gate nang mahagip ng kanyang tingin ang isang bilog na bagay. Hindi na sana niya papansinin iyon kung hindi lang nakilala ng kanyang mga mata kung ano iyon.

“Nandito ka pa rin pala.” Aniya nang damputin ang bolang malambot na. Sa malamlam na liwanag ay nababasa pa niya ang mga nakasulat doon:
SAU VBALL WOMEN’S TEAM, CHAMPIONS!!” were written on it. Sa paligid niyon ay ang pangalan at jersey number ng bawat miyembro ng nasabing team. Inikot niya ang bola para hanapin ang pangalan niya.

“HAYA #15” Napangiti siya. Malinaw na malinaw pa rin ang pagkakasulat niyon.

“Parang kailan lang, nagpapagulung-gulong din ako sa court.” Natatawang wika niya.

Sandaling tinitigan niya ang bola habang inaalala ang lahat ng nangyari ng araw na pirmahan nila ang bolang iyon. Biglang lumawak ang kanyang pagkakangiti nang may kumislap na ideya sa utak niya. Hindi niya pwedeng palampasin iyon.

Maingat na itinabi niya ang bola saka nagmamadaling lumabas ng gate. Kailangan niyang ayusin ang dumadagsang mga ideya sa utak niya—and fast. Dahil kapag hindi niya iyon nai-ayos bago pa mag-pop ang mga bubbles niyon sa utak niya ay tiyak na mangangapa na naman siya.

Lunod na siya sa pag-i-isip nang tuluyang makalabas ng gate. Wala na siyang pakialam kahit sino pa ang makakita sa kanya. Sanay na ang lahat ng tao sa village nila sa kakaibang trip niya.

Hindi rin niya kailangang mag-alala na baka mahagip siya ng sasakyan dahil walang kaskasero sa mga tao roon. O, kung matiyempuhan man siya, alam niyang hindi siya matitigok.

Nyahaha!

Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang tumatakbo—o kung tumatakbo pa nga siya—nang biglang may tumawag sa pangalan niya. Ini-wrap-up na muna niya ang mga nabuong ideya sa utak niya bago binalingan ang nagsalita.

Si Trace ang nalingunan niyang nakasandal sa mababang gate ng bahay nito. Hindi siya sigurado kung naka-ikot na siya sa buong village nila nang hindi niya alam o nakapag-U-turn siya nang hindi niya namamalayan at nabalik siya sa harap ng bahay niya.

“Haya.” Tawag nito sa kanya.

“Bakit?” hinipan niya ang buhok niyang tumatabing sa kanyang mukha saka inayos ang kanyang cat ears headband.

“I want you to meet someone.”

Napakunot ang kanyang noo. “Sino?”

May itinuro si Trace sa tabi niya. Mukhang masyado na naman siyang na-detach sa mundo dahil sa pag-i-isip niya sa mga nabuong ideya sa isip niya. Noon lang kasi niya napansin ang matangkad na lalaking tila hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

“Sino naman ito? Kabit mo?” tanong niyang sa lalaki nakatingin.

Narinig niyang tumawa si Trace. Siya naman ay hindi rin nilubayan ng tingin ang lalaking titig na titig sa kanya. May ideya na siya kung ano ang tumatakbo sa isip nito nang mga sandaling iyon.

Marahas na binugahan niya ng hangin ang mukha nito. She heard Trace laughing his heart out habang ang lalaki naman ay tila hindi mapakali sa pagpapaypay sa mukha nito. Lalong nalukot ang kanyang noo.

“Wala akong bad breathe.” Nanggigigil na wika niya bago binalingan ang nakakapit na sa gate na si Trace. Kulang na lang ay gumulong ito sa katatawa. “Kung wala ka ng kailangan pa, aalis na ako.”

Hahakbang na sana siya palayo ngunit may kung sinong pumigil sa kanyang braso. Bahagya pa siyang napatalon nang tila may kuryenteng tumulay sa katawan niya mula sa kanyang brasong hawak nito.

Nang lingunin niya ang salarin ay ang lukot na mukha ng lalaki kanina ang sumalubong sa kanya.

Halos magdikit na ang mga kilay nito habang nakayuko sa kanya. Now that she thought about it, matangkad pala talaga ang damuho. Siya nga ay five feet seven inches na ang height pero nagmumukha pa rin siyang bansot sa harap nito.

“Ang sabi ni Trace, ipapakilala pa niya ako sa iyo.” Nakita niyang napatingin pa ito sa kanyang ulo bago gumuhit ang ngiti sa mga labi nito.

Kamuntik na siyang mapanganga nang makita ang ngiting iyon. Because standing right in front of her now was the perfect epitome of the heroes she wrote about in her novels.

“Now, if you don’t mind, mas gusto ko yatang ako na lang ang magpakilala sa sarili ko. I’m Wade Bielifeld. I’m twenty-nine. I’m a licensed CE. I’m single and I’m going to be your new neighbor starting tonight.”

“What?” nagtatanong ang tinging ipinukol niya kay Trace. “You’re moving out?”

Sasagutin na sana siya ni Trace kung hindi lang hinawakan ni Wade ang kanyang mukha at sapilitang iniharap iyon sa mukha nito.

“Bakit kay Trace ka pa nagtatanong? Nandito naman ako sa harap mo.” He pointed a finger at himself. “Ako ang tanungin mo dahil ako na ang magiging bagong kapitbahay mo.”

“Wala akong pakialam sa iyo.” Tinapik niya ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso. “Hoy, mama, pwede bang bitawan mo na ako? Kasi sa totoo lang, nangangati na ang mga paa kong tuhurin ka.”

Mabilis pa sa alas-kuwatrong pinakawalan siya nito saka tinakpan ang iniingatan nitong kayamanan. Tawa lang naman ng tawa ang magaling na si Trace sa isang tabi. Hindi pa sana titigil ito kung hindi lang lumabas sa front door si Bianca akay ang limang taong gulang na anak ng mga itong si Hero.

“Hey, anong meron dito?” nakangiting tanong ni Bianca nang akbayan ito ni Trace. “Hi, Wade. O, Haya, mukha ka na namang parol. May tinatapos ka uling nobela?”

“Oo.” Dumukwang siya nang lapitan siya ni Hero at hilahin ang laylayan ng suot niyang sweat shirt. “Hello, Henry. Bakit gising ka pa?” isang matunog na halik sa labi ang isinalubong nito sa kanya na nakasanayan na niya.

“We’re going to visit my Lolo and Lola, Tita Haya.” Pupungas-pungas pero halatang excited na sagot nito.

Binalingan niya ang mag-asawa. “Pupunta kayo sa London?”

“Oo.”

Kamuntik na siyang matumba nang walang habas siyang hatakin ng kung sino. Nang mag-angat siya ng tingin ay ang mukha na naman ng kulugong si Wade ang bumungad sa kanya.

“Ano bang problema mo?” asar na hinatak niya ang manggas ng sweat shirt niyang hinila nito kanina.

“Hindi ba, sinabi ko na sa iyong sa akin ka magtanong?” Pinaswitan nito si Hero na nagmamasid lang sa kanila. “The plane is going to leave you kapag hindi pa kayo umalis.”

“I think you two will be alright.” Iiling-iling na kinarga ni Trace si Hero saka isinakay sa backseat ng Prado nito. “Wade, ikaw na ang bahala sa bahay.” Tinanguan lang ito ng huli. “And, Haya, ikaw na sana ang bahala kay Douglas.” Tukoy nito sa higanteng St. Bernard ng mga ito.

“Teka, bakit ako—“

“Thank’s Haya. At least, mapapanatag na ako kahit nasa malayo ako.” Ani Bianca ng halikan siya nito sa pisngi.

Aalma pa sana siya kung hindi lang siya inunahan ni Wade. “Bianca is two months pregnant. Naglilihi siya ngayon. Sensitibo ang pagbubuntis niya kaya ibinibigay ni Trace ang anumang hingin niya. Maaatim mo bang ikaw ang magbigay ng ikasasama ng loob niya?”

“Thank you, Wade.” Nakangiting humalik na rin si Bianca rito bago sumakay sa sasakyan. “Bye, guys. Take care, okay? At, Wolfram. Please try not to be a flirt with Haya. Hindi ko maiga-garantiya ang kaligtasan mo.”

Naiwan silang lukot ang mukha habang nakatanaw sa papalayong sasakyan ng mga ito. Nang lingunin niya ang lalaki sa tabi niya ay matamang nakatingin lamang din ito sa kanya.

“So, ano nang gagawin natin?” maya-maya ay tanong nito.

“Anong natin? Ikaw lang. Basta ako, uuwi na ako at may trabaho pa akong kailangan kong tapusin.”

Hindi na siya pinigilan pa nito nang talikuran niya ito. Papasok na siya ng gate niya nang marinig ang pagtawag nito.

Ayaw na sana niyang lingunin ito ngunit tila may munting tinig na bumulong sa kanyang puso na lingunin ito. Nakangiti na ito habang nakasuksok sa magkabilang bulsa ng slacks na suot nito ang mga kamay.

“Bakit?” Aniya nang manatiling nakangiting nakatingin lamang ito sa kanya.

“Hindi ka pa nagpapakilala sa akin.”

Kung hindi lang siguro kasalanan ang manakit ng tao, baka nabato na niya ito ng paso.

“Kilala mo na ako ‘di ba? You even called me by my name.”

“Hindi counted iyon dahil narinig ko lang iyon kina Bianca.”

“Ano pa ba ang gusto mong malaman?” Humalukipkip siya.
“Well, your full name for one—“

“Himaraya De Guzman.” Akmang magsasalita ito ngunit pinigilan na niya ito. “Look, marami pa akong gagawin. Pwede bang sa ibang araw mo na lang ako bulabugin?” Teka, parang may mali yata sa sinabi niya. Hindi ba dapat ay sinasabihan na niya itong tigilan siya?

Huli na para mabawi pa niya ang kanyang sinabi dahil nagliwanag na ng husto ang mukha nito.

“Sige,” nakangiting sagot nito. “Next time, dapat, sagutin mo na ang lahat ng tanong ko, ha? Goodnight, Haya.”

Bago pa siya makahuma ay nakapasok na ito sa loob ng bahay nila Trace. Hindi niya alam kung bakit ngunit nakaramdam siya ng tila munting tuwa sa nakitang excitement sa mukha nito. Ibig bang sabihin, excited din siyang makita uli ito?

As if…

Ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon.

STRANGER IN MY HEART (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon