Tumigil ang ilaw na berde at tuloy tuloy ang pagiisip ng masasayang bagaySa bawat paglakad, kaliwa't kanan ang pagsulyapNapatitig sa langit at napatanong kung bakit
Sabay na pumatak ang ulan, napayuko at pinilit lumabanSaan tutungo sa mali o tamang daan?Lalangoy ba sa dagat o tatakbo sa lupa?Hahakbang ba sa liwanag o maghihintay ng gabing walang bituin
Pagakyat ko sa sakayan, tumingin agad sa nakaraanUmasang marinig ang pangalantatawagin na para kang kailanganAt akoy pumikit at napatanong kung bakit
Kelangan ba talagang iwan? Baka pwedeng wag na lang lumisanMagkahawak ang mga kamay, nakatago sa mga ilaw na patayHindi na tatalikod, haharap sa totoo at tunay
Sa pagbaba ko ay tuloy pa rin ang pagpatakhindi nakahanda sa mga sa susunod na yapakTumingin sa tatlong liwanag, nagtaka't agad lumipat sa pulaGustong pigilan ngunit walang nagawa
YOU ARE READING
Mga Tulang Panandaliang Kasiyahan
PoetryNagtagumpay ang pag-ibig sa malungkot niyang buhay ngunit dito ay mag-sisimula pa lamang ang tunay na laban.