kabanata xxxii

177 4 0
                                    

PARA AKONG ninakawan ng lakas matapos marinig ang nangyari sa aking magulang mula kay Cortez. Pinanghinaan akong lalo sa aking nalaman.

I thought my parents died because of a car accident but I was wrong. They died because they just help some people, and that people happens to be the Derovanios. The irony of fate. Fuck it!

Pagak akong natawa at iniwas ang tingin sa lalaking hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin sa aking harapan.

"Could you please leave my room now," mahina kong saad, pilit na nilalabanan ang pagpiyok ng aking boses.

Rinig ko ang paghinga nito ng malalim at ang dahan-dahang pagtayo mula sa pagkakaluhod. Susubukan sana nitong hawakan ako ngunit mabilis akong umiwas mula sa kamay nito.

"Just please... Leave."

Noon lang ito nakinig at tuluyan na ngang nilisan ang aking silid. When I heard the door closed, that's the moment I've been waiting for and let the anguish consume me.

Tuluyan na akong ginupo ng panghihina at napadausdos na lamang pababa mula sa dulo ng kama na aking kinauupuan. Parang hindi ko kayang akuin ang katotohanan tungkol sa magulang ko. Parang mas mainam pa na hindi ko na lamang nalaman ang totoo.

Malalim ang aking naging paghinga habang hinahayaang dumausdos ang mga luhang siyang pruweba ng aking panaghoy. Naninikip ang aking dibdib sa paghihirap na tanggapin ang katotohanang dahil sa lalaking minamahal ko ay nawala ang aking mga magulang.

Naging ulila ako sa kanilang pangangalaga dahil lang sa kanilang pagtulong. Parang... parang hindi ko kayang tanggapin.

Kailangan ko rin naman sila nang mga panahong iyon! I am their child and I need my parents' love and I want them to take care of me as their daughter. Ngunit nang dahil lang sa trahedyang iyon ay mabilis silang nawala sa akin.

Nanlalatang tumayo ako at pinunasan ang patuloy sa pag-agos kong mga luha sa aking pisngi. Inayos ko ang sarili at pagal ang matang tumitig sa kawalan.

Bumuga ako ng malalim na paghinga at kahit na pinanghihinaan pa rin ng mga tuhod ay tinungo ko ang pinto ng silid saka binuksan iyon. Subalit kagyat akong napaatras nang bumungad sa akin si Cortez na nakatayo lang sa tapat ng aking kwarto matapos kong buksan ang pinto.

Sinalubong ako ng tingin nitong tila nangungusap, bakas ang pagkatakot at pagod. Tila nilamukos ang aking puso nang makita ang anyo nitong iyon.

Nangingilid ang luha sa mga mata nito nang magsimula itong humakbang palapit sa akin. Ngunit hindi ako natinag at nanatili lang ang pagkakatayo sa kaniyang harapan. Pilit kong pinatatag ang blangko kong ekspresyon habang nakatingin sa kaniya.

"I told you to leave, what are you still doing in here?" May riin kong untag sa kaniya, pinipigilan ang pangangatal ng aking boses.

He smiled, faintly, then he lift his left hand and cupped my cheek. Napakislot ako sa ginawa niyang iyon at akma nang aalisin ang palad nito sa aking mukha ngunit napatigil ako nang makita ang pagtulo ng luha mula sa kaliwang bahagi ng mata nito.

I stared at him. Ni hindi ko na namalayang sapo na nito ang magkabila kong pisngi habang pinapanood ang sunod-sunod na pagdaloy ng mga luha nito pababa sa kaniyang pisngi.

"You didn't tell me to leave your house, you just told to leave your room."

Noon lang ako natauhan nang magsalita ito. Umiiling na sinubukan kong alisin ang palad nito sa aking mukha ngunit hindi nito iyon hinahayaang maibaba ko.

"Get your hands off of me, Cortez." Tiim ang bagang na wika ko rito ngunit hindi man lang niyon nayanig ang lalaki. Bagkus ay mas lumapit pa ito sa akin dahilan para mapaatras ako hanggang sa tuluyan na kaming nakapasok muli sa aking silid habang ang palad nito ay nakasapi pa rin sa aking pisngi.

I Am Your Sin | R18+ | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon