CHAPTER 1-THIS IS THE RIGHT TIME

2 0 0
                                    

ASAMI'S P.O.V

Nagising ako nang napansin kong ganoon pa rin. Wala pa ring pinagbago.Puno pa rin ng takot ang buong paligid sa labas.Kahit may araw na ay tahimik pa rin at walang gustong lumabas sa paligid.

Pagkalingon ko may nakita akong isang lalaki...

Ang lalaking pinakakinamumuhian ko sa lahat ng nilalang.

Si Akihiko

"Gising ka na pala mahal na prinsesa".Bati niya sa kin habang nakaupo sa kama ko at tinitignan maigi ang mukha ko,habang ako ay hindi pa nakakabangon.

"Bakit ka nandito?"Tanong ko sa kanya na may halong galit at takot.Isa siyang demon kaya natural lang na matakot ako sa kanya.

"Bakit parang natatakot ka Asami".Sabi niya na may demon smile.

"Wag mo ngang banggitin ang pangalan ko! At isa pa hindi ako natatakot sayo!" Pagkasabi ko non ay tumayo ako sa pagkakahiga ko.

Lalabas na sana ako upang maiwasan ko na ang Akihiko na ito,kaso ay hinablot niya ang kamay ko at isinandal ako sa pader.Atsaka niya nilapit ang bwiset niyang mukha.

"Paano ka nakakakilos ng normal kung nandito ako? Di ka ba nag-aalala na baka bigla kitang kagatin,Maganda ka pa naman siguradong masarap ang dugo mo" sabi niya na may demon smile na naman.

Nakakainis kailan ba ako titigilan ng lalaking ito.Kung papatayin niya ako,edi patayin niya ko
bakit hindi niya pa gawin?!

"Edi gawin mo! Wala naman akong pakialam! Patayin mo ko kung gusto mo!"Naiinis na sabi ko sa kanya.

"Hindi kita pwedeng patayin eh"Sabi niya na may demon smile na naman.Lintik na demon smile na yan hindi natatapos.

"Bakit naman? As if namang naaawa ka?!" Sabay tulak ko sa kanya at hahakbang pa lang ako ng sinabi niya ang isang bagay.

"Sayang kasi ang mukha mo,ang ganda mo pa naman,tsaka isa pa ikakasal ka na sa kin".

"Ano?!"Hindi ito pwede humanda talaga sa kin si Ama kapag nalaman kong totoo ang pinagsasasabi nito.

"Bahala ka nga diyan nasisiraan ka na ng ulo!" Naiinis na ako sa lahat ng pwedeng mangyari,Ako magiging asawa niya.Hindi!!!!

"Gusto mo bang halikan kita para malaman mo talaga na ikaw ang pinili kong mapangasawa?"sabi niya na may demon smile na naman.

"Bahala ka nga sa buhay mo!" paalis na sana ako kaso may humablot na naman sa kin atsaka ko nakita ang mukha niya,mga 2 inches away ganoon kalapit ang mukha namin ngayon.kakaloka

Panigurado akong namumula na ang mukha ko sa hiya,habang siya naman ay sayang saya dahil lagi niya namang gustong gumawa ng bagay na hindi ko gusto! epal kasi! epal!

Remember a demon is always a demon.(-,-)

"Bakit hindi ka tumingin ng diretso? Are you afraid,that you will fall for me?" Sabi niya kasabay ng bwiset niyang smirk.
("-.-")

"Just dream on Akihiko!"Itutulak ko na sana siya palayo kaso hinatak niya na naman ako!! kailan ba matatapos ang hilahan na ito! ~_~

Afraid your face nakakatakot naman talaga ang mukha mo hagagahaaa!

"Common Just take it easy! ikakasal ka na din naman sa akin,kahit anong gawin mo hindi ka na makakaurong dahil ako ang nag-utos"Sabi niya na may nakakalokong ngiti.

Bwiset talaga ang lalaking ito kahit kailan.Ano naman kung inutos niya?! paki ko! putik na lalaking to!

"Ano ba talagang problema mo?!
Wala kang magagawa kung ayaw kong mag-pakasal,Kapag ayaw ko
hindi mo ko mapipilit kahit na anong gawin mo!"Sabi ko dahil nababanas na talaga ako sa lalaking ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Runaway PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon