Almost.
Dalawang buwan na simula ng pumasok ako dito Terimiah International School. Naka-upo ako sa usual kong tambayan pagkatapos ng huli kong klase.
"Ang pangit na tuloy ng output ko!" Nakanguso si Clark habang pinagmamasdan ang kanina nya pang dino-drawing na hindi man lang nya ipakita sa akin.
Nginisian lang sya nina Adrian at Franz na humihigop ng milktea nila.
"Kahit anong gawin mo, wala ka talagang talent Clark." Sabi ni Franz at may kinuha sa bag nya.
"Tingnan mo ang akin. Mas makinis pa ang pagkaka-drawing ko dyan sa balat mo." Utas nya at si Adrian naman ay sinisilip ang drawing ni Clark.
"Hindi naman yan output! Sapakin kita eh!" Umangal agad si Clark at sumenyas na manahimik.
Tumikhim lang ako at kinain ang burger ko.
"Uuwi na ba tayo kapag tapos ka ng kumain?" Tumaas ang kilay ko sa kanila.
"May kikitain pa ako mamaya. Mauna na kayo." Pagtataboy ko sa kanila at kinuha ang bag ko.
"Sino ba yang kikitain mo? Lalaki ba?" Hindi ko sila sinagot at nginitian nalang.
Ang over protective naman nila.
Drake:
Hintayin kita sa rooftop.Hindi na ako nag-reply sa text nya. Nag papatulong kase ako sa kanya sa ilang subjects ko.
Nagmamadali kong tinapon ang burger wrapper bago kumaripas ng takbo papunta sa hagdanan.
May muntik pa akong mabunggo pero di ko na pinansin. Huli na ng matanto ko na parang pamilyar ang bulto na iyon.
Natigilan ako sa pagmamadali at nilingon ang nakasalubong ko. May sobrero sya at mabilis na nakalabas sa pinto.
Pinilig ko ang aking ulo.
No.. hindi sya si Lauv!
Muntik ko ng masapak ang sarili ko sa pag-iisip nun.
Kumalma ako at marahang nilakad ang hagdanan.
"Oh? Bakit ganyan ang muka mo? Pagod kana? Uuwi ka na ba?" Nilingon ko si Drake na inaayos ang mga libro na naroon.
Huminga ako ng malalim.
"Sa tingin mo Drake, patay na kaya si Lauv?" Halos mabitawan nya ang mga papel doon ng tanungin ko sya.
Nalilito nya akong binalingan at kumunot ang noo nya. Tumikhim at hindi naging komportable sa tanong ko.
"P-paano mo naman nasabi yan?" Naiilang na tanong nya at inayos ang ilang gamit kahit na ayos na naman.
"Parang nakita ko sya."
Unti-unti nya akong tiningnan at medyo umiling.
"Hindi ko masasagot yan, Tin. Kung tama nga yang sinasabi mo, edi maling burol pala ang pinuntahan ko." Makahulugan nyang saad.
Pumunta sya sa burol? Saan?
Bago ako makapag-tanong ulit ay bahagya kong naramdaman ang pag-ambon.
"Tara na. Umaambon na." Pag-aaya ko at tinulungan syang kunin ang mga libro doon.
Nasa kabilang parte sya at may nakita akong isang envelope.
Lauv.
Nanginig ang kamay kong kinuha iyon at sinipit sa libro ko. Kinakabahan ako na maaring para iyon kay Drake pero mas pinili kong angkinin.
"Tara na." Napapitlag ako sa sinabi nya at tumango ng parang timang.
Hindi ko na sinabi kay Drake ang kinuha kong envelope nung araw na iyon. At sinigurado kong wala na ngang makakaalam noon kundi ako lang.
Isang gabi sa loob ng kwarto ko, pinili kong buksan ang laman ng envelope at nakita kong may letter doon.
Drake,
Alam kong masaya kana. Pero, kailangan nating mag-kita sa Kaigo kung ayaw mong malaman nya ang katotohanan.
Humigpit ang hawak ko sa papel. Kanina ko lang ito nakuha at alam kong medyo gabi na pero habang tumatagal ay mas ginusto kong pumunta sa nasabing lugar para kitain kung sino man sya.
Lauv ang nakasulat sa envelope pero malabong si Lauv ang nagsulat noon.
Nalilito ako sa sinasabi ng letter pero pinuntahan ko parin ang lugar na iyon kahit hating gabi na.
Malamig sa lugar na iyon at halos ako lang ang naglalakad doon.
May natanaw akong lalaking naka-hoodies sa may gilid ng isang duyan.
"Lauv.." bulong ko at bumilis ang tibok ng puso ko.
Nang medyo makalapit ako ay unti-unting lumayo ang lalaki at umurong ito palayo.
"Wait!" Sigaw ko at hinabol sya pero mabilis syang nakatalon sa isang mataas na bakod.
Nanginginig ang kamay ko sa lamig at ang luha ko lang ang tanging umiinit sa mata ko.
"Lauv.." hagulhol ko.
I almost saw him!
