chapter 20

22 2 1
                                    

SPG: harassment

"Lauv.." patuloy ang pag-agos ng luha ko at ang pagyanig ng balikat ko.

Nalilito ako kung ano ang gagawin ko. Kung hahabulin ko ba sya o maghihintay nalang na kumalma ang damdamin ko.

"Tin?" Agad akong napalingon sa kararating lang na si Drake.

Agad akong napasinghap.

"Si Lauv... buhay pa sya?" Nahihirapan kong tanong sa kanya.

Natigilan sya sa tanong ko. Tiningnan nya ako sa mata at agad ding umiwas ng tingin. Umigting ang panga nya at mabilis na pumunta sa pwesto ko.

Nakaramdam agad ako ng takot at mabilis na humakbang patalikod pero nahuli nya ako.

"Akin ka lang." Madiing bulong nya sa akin at madilim ang mga mata. Nanlaki ang mata ko sa inasta nya.

"Drake..." kinakabang sabi ko. Gustong gusto nyang pumatak ng luha ko pero mas nangingibabaw ang takot ko.

Gusto kong sumigaw pero natatakot ako. Nanginginig ang kamay nya habang hawak ang braso ko ng mahigpit.

"Bitiwan mo ako!" Sa wakas ay nakapag salita ako.

Tinakpan nya ang bibig ko at sapilitang tinulak sa may damuhan. Hindi ako makapalag sa tibay ng pagkakahawak nya sa akin.

Nanginginig ang balikat ko.

Paulit-ulit akong nagdadasal sa utak ko na sana ay may tumulong sa akin.

"Hmmmp!" Sigaw ko ng sapilitan nyang buksan ang zipper ng jacket ko.

Tulo ng tulo ang luha ko habang ginagawa nya iyon.

Ang kamay ko'y panay ang tulak sa kanya pero di parin sya matinag.

Sinampal nya ako ng malakas na halos di ko na maramdaman ang pisngi ko at bahagyang naapektuhan ang mandinig ko. Halos wala na akong maintidahan dahil nahihilo na ako.

Panay ang sipa ng paa ko habang dumadaan ang labi nya sa leeg ko.

Panay ang iyak ko.

"Tulong!" Nakasigaw ako ng mabitawan nya ang pagkakahawak sa bibig ko.

Sinampal nya ako ng malakas. Nandidilim ang paningin ko at nanghihina na.

"Tulong!"

"Shh..." bulong nya. Pagkatapos ay tatlong beses nya akong sinampal ny malakas bago nya ako sinakal. Agad ko namang hinawakan ang kamay nyang sumasakal sa akin.

Humagulhol ako at pilit na kumakawala. Hindi na ako makahinga sa pagkakahawak nya.

"Tangina mo Drake!" Agad nawala ang pagkakahawak nya sa leeg ko.

Kinuha ko ang jacket ko at niyakap ang dibdib ko.

Umupo ako at nakitang sinusuntok ng isang lalaking naka hoodie si Drake. Napasinghap ako ng bumaba ang hoodie nya at nakita ko ang kanyang muka.

"Lauv..." napahawak ako sa labi ko ng maramdamang nangingig na ako sa lamig.

Hinabol ko ang aking hininga at kinuha ang kahoy na nakita ko doon.

Inampas ko ang tuhod ni Drake at nawalan ito ng malay ng suntukin ulit sya ni Lauv.

Natulala ako sa nangyari.

Ilang sandali pa ay tiningnan ko si Lauv na hinahabol ang kanyang hininga habang nakatingin sa akin.

Ngumiti sya at sinoot ang hoodie nya.

"I'm sorry..."

Humakbang sya palapit sa akin.

"Ihahatid na kita. Tatawag lang akong pulis." At sinulyapan ang pinsan nyang walang malay.

"Paanong..." buhay ka pa?

"Iuuwi muna kita." Hinawakan nya ang pisngi ko.

"Namumula..." umigting ang panga nya.

Huminga sya ng malalim.

"Ihahatid na kita." Ulit nya at inayos ang damit ko.

Tahimik lang kaming naglalakad sa madilim na kalsada. Sa tinagal tagal kong inaasam na makita syang muli, hindi naman ako makapag salita. Di mawala ang nerbyos ko sa nangyari. Halatang galit pa sya at may tinawagan sya sa cellphone nya.

"Oo, iuwi nyo na. Ako na bahala mamaya."

Nang makarating kami sa bahay na tinutuluyan ko ay sinulyapan nya ang gate at bago ako tiningnan.

"Mag-uusap tayo kapag maayos kana." Sabi nya at hinalikan ang noo ko.

Agad ko naman syang niyakap. Sa wakas ay naramdaman ko na rin na totoo ngang nandito sya kasama ko!

"Magbabayad sya..." bulong nya at hinaplos ang buhok ko.

"Akala ko wala kana!" Sigaw ko habang nasa dibdib nya ang muka ko.

"Hindi ako mawawala sayo."

Bahala NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon