Chapter five

2.3K 68 0
                                    

"SANDRA, iha may kakampi na tayo alam mo mabait yan si sir Delifico, ramdam ko na panlabas lang ang pinakikita niya. Sana matulungan ka niya dito no?"


Nakatulala lang siya habang nagku-kwento si manang. Nagulat siya sa ginawa ni Delifico kanina, hindi 'yon ang inaasahan niya mula sa kagaya nito. Alam niya naman kung ano ang piniinom sakanya na gamot, pero hindi niya naman 'yon nilulunok niluluwa niya din agad. Talagang nag-init ang dugo niya sa sinabi ni Julie kanina, talagang napakasama ng ugali nito! Napakasinungaling!


"Pero ramdam ko iha.... na si sir Delifico ang solusyon para matulungan ka."


Gusto niyang umiling sa sinabi ni manang pero pinanatili niyang walang emosyon ang mukha. Kahit pa may kung anong nag-uudyok sa puso niya na magtiwala dito. Saglit niya lang itong nakilala at sa sitwasyon niya nahihirapan siya kung sino ang dapat na pagkatiwalaan.


'Hindi ako pwedeng magtiwala.... minsan na 'kong nagtiwala pero niloko lang ako.'

-----------------******

"Saan ka naman nagpunta nitong nakaraang araw ha Delifico?"


Hindi niya pinakinggan ang sinasabi ni Delifico. Hindi niya alam kung bakit pero hindi siya mapakali, may kung anong humihila sakanya at  gusto niyang pumunta uli sa mansion ng mga Montanez.


"Hayaan mo na siya Grey inlove 'yan!" Natatawang sabi ni Maxeau. Binato niya dito ang cellphone na nahawakan, nakailag naman ito kaya nabasag ang cellphone na tumama sa pader.


"FUCK YOU KA DELIFICO! MAHAL ANG BILI KO DIYAN! BAGO LANG YAN!" Sigaw ni Serionifo na nagmamadaling kinuha ang nasirang cellphone.


"Ano bang meron sa cellphone ni Serionifo at lagi niyong binabato?" Natatawang sabi ni Tunaco. Hindi niya pinansin ito. Lumilipad ang isip niya sa mansion.



"Hello Delifico in earth! hello!"


Napakurap siya sa pagtawag sakanya ni Grey, tumingin siya dito. Mali. Lahat ng kaibigan niya ay nakatingin sakanya.



"What?!" Aniya sa mga ito.



"Sabi sa inyo inlove 'yan eh." Natatawang sabi na naman ni Maxeau, sinipa niya ang upuan nito. Pero ang gago tumawa lang, naiinip na tumayo siya. Kinuha niya ang folder na nasa mesa, isa-scan niya ang lahat ng 'yon pero bago 'yon ay gusto niya munang bumalik sa mansion nila Sandra.


"Maxeau....pwede bang ipadala mo sakin ang impormasyon tungkol sa mga Montanez at ang background history ng mansion nila?" Sabi niya kay Maxeau. Kumunot ang noo nito.


"Para saan naman?" Tanong nito. He just shrug his shoulder.


"Just...." Bakit nga ba? Huminga siya ng malalim saka tumingin sa kaibigan. "...do it."


"Montanez? Related ba 'to kay Don Felimon Montanez?" Tanong ni Grey, binalingan niya ito.


"Oo.... Bakit kilala mo?" Tanong niya dito.


"Business partner sila ni dad..... but he's gone right? That was a year ago, i'm not sure."


"Yeah... " Sabi niya habang tumatango, nasabi nga sakanya 'yon ni Julie.


"So, kumusta na ang mga anak niya? Oh.. that poor old man alam mo bang ang tindi ng pagkamatay niya? Binalatan siya ng buhay at binabad ang katawan sa dagat. "


"Wow..." Hiyaw ng lahat. Nagsalubong naman ang kilay niya.


"Seryoso?" Ani Thartarus.


"Yeah... halatang malaki ang galit ng gumawa non sakanya. Kawawa naman ang apat niyang anak na naiwan." Sabi pa nito. Kumunot ang noo niya.


"Apat?" Tanong niya, tumango naman si Grey.


"Yes. Alam ko ang pangalan ng mga anak niya ay Sandra at Sandro, kambal 'yon. At si Julie na narinig ko sa dad ko na anak daw sa labas , pati na rin ang dinadala ni Donya Juanita.." Sabi pa nito. Lalong lumalim ang kursyudad niya sa lugar na 'yon.

"May problema ba Delifico?" Tanong ni Serionifo. Umiling lang siya.


"At oo nga pala kung nakapunta kana sa mansion nila mapapansin mo ang kakaibang ayos ng mansion, alam kung makakaramdam ka don. Nang minsan kaming makapunta ni dad alam ko na may kakaiba sa lugar na 'yon.." Sabi ni Grey.


"Yeah don ako galing.... at tama ang sinasabi mo, napansin ko ang mga bakat ng tuklap na pintura sa pader nila. Then i found something, Tuyong dugo sa sahig at pader nila." Sabi niya pa dito. Tumango-tango si Grey.


"Wow! Thrill pala yang pinapasok mo pre, sama naman ako oh!" Nakangiting sabi ni Tunaco.


"Hindi pwede!" Pinandilatan niya ito ng mata.


"Kakayanin mo kaya don? I heard some news about the mansion of Montanez, lagi na daw may namamataang babae don." Sabi pa ni Grey.



"Ay wag na lang pala.." Singit ni Tunaco. Tumingin siya kay Grey.


"Tignan ko.." Sabi niya dito. Ilang beses na niyang nakikita ang babaeng tinutukoy nito pero nagagawa niya ng palakasin ang loob.



"Nalabanan mo na rin naman ang takot mo sa dilim Delifico. Sigurado ako na hindi na mahirap para sa'yo na harapin ang isang 'yan." Sabi naman ni Serionifo na inaayos pa rin ang nasirang cellphone.




"Bahala na, sige dito na 'ko." Sabi niya saka tinalikuran ang mga ito.

Dark Society 5- Delifico Fudoshiko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon