“Maraming mga bagay sa mundo na kapag nawala, di na natin maibabalik pa. Mahirap mang kalimutan ang sakit dapat pa rin nating ipagpatuloy ang buhay na ipinagkaloob sa atin.”
Heto nanaman ako nakatingin sa malayo, hawak ang isang bagay na nagpapaalala sa akin sa mga taong nagbigay halaga sa buhay ko. Miss ko na sila, pero alam ko di ko na sila makikita, di pa ngayon. Di ko namalayan ang pagpasok ni Ryo sa kwarto, tahimik niyang pinunasan ang mga luha ko at saka niya ako niyakap.
Maya-maya nagsalita na siya “Uy, monkey wala ka bang balak tumahan?” Asar talaga to kita ng nag-eemot ako dito mang-aasar pa, pero kahit ganyan yan love na love ko pa rin siya.
Tiningnan ko sya’t nginitian “Sira ka talaga!” Ngumiti lang sya, kinuha niya yung hawak ko nagtinginan lang kami at binukasan namin ang FamilyBook at sinariwa ang mga ala-ala.
Ngayong gabi na ang dating ni Ate Yanie. Nagring na ang doorbell at sigurado ako sila na yun kaya tumakbo na ako para buksan ang pinto, “Ate! namiss kita” niyakap ko siya ng mahigpit, napatingin ako sa kasama niyang lalaki na katulong ni Ryo sa pagdadala ng mga gamit.
“RyoZel, siya nga pala si Danielle, boyfriend ko” RyoZel ang tawag sa amin ni ate palagi kasi kaming magkasama ng best friend ko kya pati pangalan namin pinagsama na nya para isahan na kapag tinatawag.
“Hello po, nice to meet you” mukhang namang mabait ang boyfriend ni ate.
Mula ng dumating si ate at kuya naging mas masaya na ang bawat araw na lumilipas, palagi kaming lumalabas ng magkakasama, namamasyal kumakain at minsan naglalaro pa ng kung anu-ano pag nasa bahay kami.
Maraming nangyari mula ng dumating sina Ate, ilang buwan na rin ang lumipas. Hindi na kami masyadong nag-uusap dahil pareho kaming abala at pagod din sya sa trabaho. Nagkikita lang kami kapag kakain na. Isang gabi kinausap niya ako,hindi ko na rin matandaan kung paano nauwi sa pagtatalo ang pag-uusap namin ni ate, basta yun na yun wala talaga akong maalala. Ilang araw na kaming di naguusap, gusto ko na siyang kausapin kaya lang natatakot ako na baka mauwi na naman sa away ang pag-uusap namin. Pagkatapos ng klase hinatid lang ako ni Ryo tapos lumabas siya ulit may nakalimutan daw siyang bilhin. Umakyat ako sa kwarto ko, may nakita akong nakapatong sa kama at nakapangalan sa akin, binuksan ko kaagad at bumungad sa akin ang sulat kamay ni mama. Naluha na lang ako.
“FamilyBook” sigurado ako na sa kanya iyon, pero paano? Patay na si mama. Binuksan ko kaagad. “Log In”; “Username: Kryzel Jade Ryuzaki Soriano” “Password: ^_^”. Nakasulat doon lahat ng tungkol sa akin, mga hobbies at favorites ko. Kilala talaga ako ni Mama, tuloy sa pagpatak ang mga luha ko habang nagbabasa. “News feed” napangiti ako, bakit? Nakasulat lang naman doon lahat ng naikwento ko kay mama at may date pa kung kailan nangyari. “Uploads” halo-halo na ang nararamdaman ko sa nakita ko, mga pictures mula pa nung bata pa lang kami hanggang sa paglaki, umabot ako sa parte kung saan nakalagay yung mga pictures bago kami naaksidente. Hindi ako makapaniwala, ang natatandaan ko matagal ko ng itinapon yun memory card ng camera ko para di ko na maalala ang mga nangyari noon. May caption ang bawat picture pero hindi na si mama ang nagsulat, kay Ate Yanie at Ryo ang sulat na iyon. Napansin ko na nabura yung caption ng isang picture parang napatakan ng tubig, ano kaya iyon? Luha kaya? Hindi ko na kinaya ang sakit na nararamdaman ko, sinara ko na’t itinago sa drawer ko.
Biglang namatay ang ilaw at nagmadali ako sa pagbaba papunta sa kusina, malapit na ako, may nakita akong liwanag ng kandila.
Pagpasok ko “Happy Birthday Kryzel!” Si Ate Yanie at Ryo may hawak na cake at si kuya Danielle naman nginitian lang ako. Unang lumapit si Ate para yakapin ako, tapos yumakap na din yung dalawa pagkatapos ilapag yung cake at ibang pagkain.
BINABASA MO ANG
FamilyBook
Short Story“Maraming mga bagay sa mundo na kapag nawala, di na natin maibabalik pa. Mahirap mang kalimutan ang sakit dapat pa rin nating ipagpatuloy ang buhay na ipinagkaloob sa atin.”