11 months since I met him. At first, sobra akong natatakot dahil sa mga pinagdaanan ko. But GOD said to me "don't be afraid, child" but he didn't tell any reason kung bakit siya dumating sa buhay ko. Habang tumatagal kami nadadagdagan ang segundo, minuto, oras, araw at buwan na nakikilala ko siya ng husto. Hindi lang siya kundi pati ang family din niya. Lagi kong naiisip na hindi ako nagkamali sakanya may purpose kung bakit kami nagkakilala. Pano nga ba kami nagkakilala.
I was 1st year college. We arere in the same school. Pagpasok ko sa college hindi ako masaya because my mom just pushed me sa isang private at catholic school sa cauayan. Nagkaroon ako ng mga suitors. Yes hindi sa pagmamayabang pero may mga nagkakagusto sakin, sa ibang klase ko nga they wanted to get my phone number at pag hindi ko ibinigay kukunin nila ung phone ko sa bag ko wala akong magagawa kasi that time I was alone. I was the only Ab english student sa OLP walang permanent na classroom at classmates. Hanggang sa may mga nakilala na akong friends at tuluyuan na akong nakapag adjust. Lumalabas na kami sumasama na akong nagwiwindow shopping. Hanggang sa may nakatawag pansin sa aking paningin. Isang Black, wedge shoes na may tatak sa likuran na toms. Sabi ko babalikan ko yun. Hanggang sa nakalimutan ko ng balikan.
July na, hindi ko inexpect na magiging active ako sa school Ang daming clubs na sinalihan. Naging secretary ako sa Peer COunselor at naging muse sa aming department. Not knowing na kapag muse ka ikaw na pala ung isasali sa Ms. Sportsfest. And then Mass induction na. Pinapakilala na kaming mga officers sa harap after ng mass. Expected na talaga na madaming mata ang nakatingin samin kasi nga kami ung nasa harapan at bawat pagtayo ko at paglakad pabalik sa aking upuan hindi ko alam na may isang mata palang nagagandahan sa akin sabi niya nga "parang slow motion" noong nakita niya akong naglalakad. I am not aware that time, malay ko bang may nakatingin sakin haaha.
Dumating na ang araw na aming pinakahihintay Sportsfest na at ako bilang isang kandidata ramdam ko na ang kaba. Madami akong pagsubok hindi ko inexpect na magiging ganun na lamang ang mga pangyayari. After the pageant nakuha ko nga ang pangalawang place which is not bad. Hangang sa tuluyan na niya akong nakilala. "dinadalaw na daw niya facebook account ko pero hindi niya ako inadd kasi alam na daw niya kung san na naman mapupunta (chickboy) at that time daw may mga babae siya nakita daw niyang hindi ko deserve masaktan kaya nagdecide siyang wag na akong iadd"
Dahil sa pagkapanalo ko naalala kong bilhan ng isang bagay ang sarili ko as my reward to myself. Naalala ko ung Toms shoes sa isang Department store. Binalikan ko yung shoes na nakita ko then I bought it. Ang shoes na to ay may parte kung bakit at paano kami nagkakilala ng taong mahal ko. At dahil gandang ganda ako sa shoes na yun kahit bawal ang open shoes I loved to wear it walang nakakapigil. Ngunit ito ay napansin ng isang grupo ng kalalakihan na studyante din sa aming school. That time I was lonesome because I broke up to my first boyfriend in college. Sobra akong mainitin at simpleng asar lang nila nabwibwisit nako kaagad. Habang ako ay naglalakad papuntang nook isang grupo nang kalalakihan ang aking napansin sa aking likuran na nagtatawanan at binabanggit ang salitang "toms" napailing ako kasi aware akong ako un nilingon ko sila at sabay inirapan then I was looking at them while walking papunta silang BSA building. Naiinis ako at sinasabi kong "IGNORANT" dala ng pagkabwisit ko. Hanggang sa naulit pa yun ng naulit. Kahit nasa labas ng school or "Martone". Naisip kong iignore nalang sila tutal may pogi naman sakanila hahaha.
Hangang sa grumaduate na sila. Yes naman hahaha. Ilang sem din akong nabwisit sainyo oiy haahha. Buti nalang nakapasa kayong lahat haha.
Wala ng nangbwibwisit sakin. Pero madaming araw akong umiyak, nalungkot dahil sa dala ng past relationships ko. Puro nalang sakit at ang drama talaga. Madaming nangyari at madaming ala-alang puro pangit. Nasubukan ko ng nagkaboyfriend na