Jeepney Diaries

251 13 4
                                    

Pwede kayang mainlove sa taong hindi mo kakilala? Sa taong ni hindi mo makausap kahit minsan? Yung taong nakatabi mo lang. Nakakasabay o minsan mo nang nakatitigan?

Dati, yan ang tanong ko. Ang corny lang kasi. Pero hindi ko alam na maiinlove pala ako sa taong nakakasabay ko lang sa isang Public Utility Vehicle na tinatawag na...

JEEPNEY.

*****

Commuter lang ako. Araw-araw nakikisiksik. Nakikipag-unahan sa mga tao para mabilis na makasakay ng Jeep. Araw-araw na tinatahak ang daan patungong eskwelahan at patungong trabaho. 

Oo, trabaho. 3rd Year College na ako at may part-time-job sa isang fast food chain.

Tuwing umaga, estudyante ako habang tuwing gabi naman ay pumapasok ako sa trabaho ko.

Ito ako ngayon, papasakay na ng Jeep upang pumasok sa paaralan. At ito na naman sya. Nakaupo sa karaniwan nyang pwesto. Dun malapit sa Driver.

Hindi ko sya kilala. Hindi nya ako kilala. Pero lagi kaming nagkakasabay dito sa Jeep. Gwapo nga sya eh kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.

Dahil lagi kaming nagkakasabay, nasasanay na ako sa presensya nya. Sa tuwing sasakay ako ng Jeep, lagi ko na syang hinahanap.

Kahit hindi pa kami nagkakausap, lagi kong naririnig ang boses nya. Lagi kasi syang may kausap sa telepono. Sa pakikipag-usap nya, mababakas ang pagkamagalang nya at pagiging mabait.

Kung wala naman syang kausap ay nakasuksok lang sa mga tenga nya ang kanyang earphone.

Subalit higit na kapansin-pansin ang palagian nyang pagsusulat sa kanyang notebook. Para bang Teacher sya at kailangang-kailangan nyang magsulat ng Lesson Plan.

Ganun ang araw-araw ko bilang isang commuter. Yung tila bang alam ko na, na ganun ang mangyayari o makikita ko sa pagsakay ko ng Jeep.

"Para!"

Sigaw ko nang mapansin kong nakarating na ang Jeep sa may kanto patungo sa paaralan ko. Ngunit bago ako makababa ay napatingin ako dun sa lalaki. Nagulat ako ng makita kong nakangiti sya sa akin.

Bumaba na ako at hindi maiwasang kiligin. Kasa hindi naman kami magkakilala para ngitian nya ako.

Akala ko wala lang tong nararamdam ko. Subalit hindi pala.

Kinabukasan, excited akong pumasok dahil alam kong makikita ko na naman sya. Subalit, iba ang nadatnan ko.

Iba na ang nakaupo sa karaniwang pwesto nya.

Nung una akala ko, may sakit lang sya.  Na-late ng gising o ano pa mang dahilan para hindi sya makasakay sa Jeep na sinasakyan namin.

Ngunit lumipas ang araw, linggo at buwan na hindi ko na sya nakakasabay pa. At syempre, hindi ko maiwasang ma-miss sya.

Ngayong wala na sya ay saka ko pa na-realize na.....

MAHAL KO NA PALA SYA.

Sa bawat araw na dumadating, lagi kong kinukumbinsi ang sarili ko na, WALA NA SYA.

Pero hindi pa rin sya mawala sa isipan ko. Wala na akong motibasyon para pumasok araw-araw. Wala na akong inspirasyon para bumangon sa kama, sumakay ng Jeep at pumasok sa paaralan at trabaho.

Papasok na ako sa trabaho ko. Mag-aalas-diyes na rin ng gabi kaya wala na akong masyadong makitang mga tao.

Nakatayo ako sa gilid ng daan para mag-antay ng Jeep. Pagkahinto ng Jeep, napansin kong medyo marami ang nakasakay. Puro babae nga halos e. Pero pinili kong sumakay na dahil male-late na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jeepney DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon