Chapter 26

140 10 8
                                    

Chapter 26

Sooyoung's POV

"Soojin, inumin mo na itong milk mo, para makatulog ka na ng mahimbing." Sabi ni yaya sakin.

"Ayoko yaya, nasan na si mama at papa?" Tanong ko kay yaya.

"Aalis muna sila, may business na aasikasuhin." Sabi ni yaya.

"Hala, bakit hindi ako kasama? Dapat kasama ako! I'll be handling the company soon naman eh." Pagdedefend ko kay yaya.

I know. I'm too young to say this. But it's true, I am mature enough to handle situations. Matalino naman ako eh. Sorry, proud ako. Hahaha! :)

Lumabas ako ng kwarto, pero nilingon ko na muna si yaya, "Ya, tama na pagdala sakin ng gatas. May boyfriend na nga ako eh. :)" Sabi ko sakanya.

"Hay nako, papagalitan na naman ako sayo nito Soojin eh." Sabi niya at sinundan niya na lang ako.

Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko sila papa palabas na ng bahay, "Papa, saan tayo pupunta ngayon?" Tanong ko sakanya.

"Yaya, bakit gising pa si Soojin? Akala ko ba pinatulog mo na siya?" Tanong ni papa kay yaya.

"Sir, sorry po. Ang kulit po kasi niya. Hindi siya mapakali." Sabi ni yaya kay papa.

"Anak naman, go up to your room. Wag ka na muna makigulo, kahit ngayong gabi lang." Pakiusap sakin ni papa.

Hay grabe. Ayoko ng ganito, feeling ko kasi ang useless ko eh. Pero nakiki-usap si papa kaya no choice.

"Okay fine. But promise me, you'll tell me everything that will happen tomorrow, okay?" Sabi ko sakanya in a serious tone.

Pero nag smile lang si papa,

that sweet smile,

na hindi ko akalain na hanggang ngayong gabi ko nalang makikita...

"I promise, boss."

Sabi niya at kiniss niya ko sa forehead. Si mama naman niyakap ako at sinabi, "I love you very much, sweetheart."

Nung sinabi ni mama yun,

parang gusto ko i-record.

Kasi di ko akalain na, yun na pala ang huling gabi na maririnig ko ang magandang boses ng mama ko.

"Okay, ingat po kayo!" Sabi ko at umakyat na ko sa kwarto.

Few moments later,

naghahanda na ko ng letter ko, para kay Sehun. Birthday niya kasi bukas! Gusto ko siyang i-surprise.

May surprise party din kami para sakanya. Ano kayang ibibigay nila Suho sakanya?

Magbabati na kaya ang M at K?

Sana...

Pero biglang kumidlat ng sobrang lakas! Napadungaw ako sa bintana ko at isasarado ko na sana yung kurtina ng....

nakita ko si mama,

nakahiga sa labas ng bahay namin.

Duguan.

Si papa biglang tumakbo para habulin ang gumawa ng masama kay mama.

But suddenly, I felt the urge to go down at sundan si papa.

Nagmadali ako sa pagtakbo,

hinarang ako ng mga guard ng bahay pero di nila ako nakayang habulin dahil sa sobrang bilis kong tumakbo.

And I never knew that I could run this fast...

Suguro bumilis dahil alam ko na kailangan ko tulungan si papa sa pag-revenge para kay mama.

"Papa!"

Sigaw ko, pero hindi niya ko naririnig.

"Papa, sasamahan kita, tutulungan kita!"

Again, di parin niya ako narinig.

"Papa!"

Tumigil ang papa ko sa pagtakbo at nilingon niya ko.

Pero yung tingin niya sakin, parang sobrang gulat, kaya napatigil ako.

Nakita ko yung reflection ko sa baha at nakita kong sobrang pula ng mata ko.

Anong nangyayari sakin?

Am I a monster?

"Soojin!"

Napatingin ulit ako kay papa at papalapit siya sakin, but it's too late.

Biglang may malaking truck na paparating,

niyakap ako ni papa para maitulak niya ako sa kabilang side...

But it was too late.

Parehas kaming nasagasaan.

Nag slow motion lahat ng nasa paligid ko,

hanggang sa pumalo na yung ulo ko sa sahig at unti-unti ng nag b-blurred yung paningin ko.

Happy Birthday my dearest, Sehun. I'm sorry if I won't be able to see you grow anymore... I love you.

Yan nalang ang nasa isip ko ngayon.

Present:

~ Bigla akong nagkaroon ng malay at nakahiga ako ngayon, pero halos lahat ng tao sa paligid ko ay tumatakbo.

"Sooyoung, please. Wake up! You need to survive okay?" Hindi ko kilala kung sino nagsasalita pero napakaputi niya.

"I don't want to loose you again..." Sino ito?

Unti-unti ulit nandilim ang paningin ko at hindi ko na alam ang nangyayari...

-------

A/N lang ng onti :)

Hi guys! Ayan na po nakapag update na din ako sa wakas. Sembreak na!!! At nagaganahan ako dahil pasado ako sa major subj ko. Hahaha!

Nagpasilip muna ako, kung ano talagang nangyari.

Abangan niyo kung pano naman nanging Sooyoung si Soojin.

Onting push nalang, matatapos ko na ito! :) Sana suportahan niyo po 'til the very end.

Kapag sinipag ako, i-popost ko din bukas o mamaya yung susunod na chapters. :)

Comment kayo, para ipost ko mamaya at ma-inspire ako. Hehehe! Enjoy reading ;)

Inlove with a Wolf?! (EXO FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon