Dear Diary: (my 100 Unhappy Days)

65 0 0
                                    

Prologue:

Sabi nila sa Diary mo maisusulat lahat ng nangyayari sa buhay mo mapamasaya, malungkot o kahit ano pa, sa Instagram may nauusong #100happydays, kung pag Samahin ko kaya ang dalawa? at imbis na letrato ay mga sulat ang itatala ko at imbis na 100 happy days eh 100 UNHAPPY DAYS ang gagawin ko. ito na siguro ang pinaka magandang paraan para maisigaw ko ang mga sakit at sama ng loob ko na di magawa ng aking mga bibig.sana makapulot kayo ng mga bagay bagay mula dito bagama't hindi masasaya ang mababasa nyo nais ko paring maramdaman nyo na HINDI LANG IKAW ANG NAG-IISANG MALUNGKOT SA MUNDO, kasi andito pa AKO ANG KARAMAY MO.

#1of100unhappydays

09-19-2014

"But what's done is done.You've just gotta hold your head up and act like you dont give a shit"

-Chris

(Jenny Han, To All The Boys Ive Loved before)

Dear Diary,

Uumpisan ko na ang mga malungkot na kwento ko. 2 months before nanalo ako sa pacontest ng isang famous wattpad writer, at nabanggit nya ang tungkol sa MIBF. grabe! 2 months ko tong ipinagpaalam, 2 months ko pinag ipunan! eh kaso umepal pa sa eksena si MARIO edi eto ako ngayon mukhang binagsakan ng buong universe! sayang yung paggising at pagligo ko ng maaga! ang lamig kaya! sayang yung damit ko wala ng point para isuot pa. tapos pati Daddy ko sumasabay sa hagupit ni Mario! lalo lang sumasama loob ko. haaay sana mawala na to sa Sunday para makapunta ako at makita ang surprise prize ko!

nagmamahal,

Cockroachxx

#2of100unhappydays

09-21-2014

"Sometimes you dont have a choice in the matter"

-Mia

(Gayle Forman, If I Stay)

Dear Diary,

akalain mo nga naman tila eh isinadya ng tadhana na mabasa ko yan. wala na kasi akong magagawa kundi magbasa nalang ng IfIStay at umiyak. sobrang sama ng loob ko! tila ba pasan ko na lahat ng kamalasan sa mundo! taos puso kong ipinagdasal ang MIBF! sana di nalang sila nagpa Oo nung una para di nalang ako umasa, sana wala nalang pangako para di nalang ako umiiyak ng patago. magang maga na mata ko. wala na talaga, wala ng chance para makita ko ang mga favorite wattpad writers ko, di na rin ako makakabili ng mga libro. ang sama sama ng loob ko! ayawkong lumabas sa higaan ko. ayawko muna sila makita o marinig, kasi parang pinapatay ako sa twing naaalala ko ang mga sinabi nila "kapag may naitutulong kana"

"wala kasi akong salita"

ang sakit eh! sana di nila ko pinaasa ng ganito! sumasakit na ulo ko kakaiyak! ang bigat sa buong pagkatao na mismong sila nilalayo ako sa mga makakapagpasaya sakin. sabi nila pinakamasakit yung mga luhang tutulo nalang mag isa,totoo nga yun! kase eto ako o! damang dama ko! ang sakit sakit talaga! ang sama sama ng loob ko! di ako makapagsalita kasi mas sumasama loob ko! sana talaga di nila ko pinagmukhang tanga. binilhan pa ko ng damit tas wala naman pala! wala rin ako makausap kundi ang diary na to. sana humupa na. kasi ang sakit sakit na! masakit pa to kesa nung nagbreak kame ng ex ko. :(

Lord help me, ang sakit sakit po.

namamaga ang mata,

Cockroachxx

Dear Diary: (my 100 Unhappy Days)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon