Crush ko siya (Oneshot)

22 0 0
                                    

"Hindi masamang magmahal ng isang taong alam mong walang pakealam sayo. Mas maganda na yun habang tinatahak mo ang daang di ka masyadong masasaktan."

"Haha! Iisipin ko nga ulit"

Grabe naman tumawa tong kaibigan ko! Yan si Andrea. Nagtataka kayo kung bakit siya tumatawa? Paano kinukwento ko sakanya kung bakit ang epic ng araw ko, nadulas kase ako habang papunta dito sa room and ang masaklap sa harap pa ng crush kong si Jasper. Bigti na ako!

Minsan nga iniisip ko kung kaibigan ko ba talaga yang si Andrea ee.

Ay teka ako nga pala si Krishna :) 16 years old na ako pero aktong bata.

Hanggang ngayon di pa rin matigil tong si Andrea palibhasa di niya alam na crush ko si Jasper.

"Bahala ka nga dyan Andrea!"

"Hahaha. Oh! Teka ang pikon mo naman ee"

"Ee ikaw kase napahiya na nga ako ganyan ka pa! Kaibigan ka ba talaga?"

"Chill ka lang! Tara na nga! Lilibre nalang kita"

Alam niya talaga pagbadtrip na ako :) Kaya ayun pumunta na kami agad sa cafeteria sayang addyun ee. Libre din :)

Kaya lang nung nandun na kami sa cafeteria nakita ko si Jasper may kasamang babae :(

"Yow! Jasper!" tawag ni Andrea.

"Oy! Kayo pala!"

"Yep. Pwede makijoin?" pagtinamaan ka nga naman ng malas.

"Ay Andrea wag na kaya? Nakakahiya oh! May pinag-uusapan ata sila nung babae"

"No. Its okey :)"

Hinila nalang ako ni Andrea paupo. Inalok niya ako ng sandwich pero tinanggihan ko siya, kase wala akong gana.

Ang sakit kaseng makita yung taong gusto mo na may kasamang iba tapos ang saya pa nila.

Hindi ko na talaga kaya yung nakikita ko.

"Excuse me. Uuwi na ako. Ang sama kase ng pakiramdam ko."

Hindi ko na sila hinintay na magsalita umalis nalang agad ako. Feeling ko kase anytime iiyak na ako.

Naglakad lang ako nang naglakad hanggang sa mapadpad ako sa puno ng mangga. Walang tao kaya umupo ako dun. At umiyak.

Mga ilang minuto lumipas. Isang pamilyar na boses yung narinig ko.

"Krishna.."

Agad akong tumayo at pinahid yung luha ko tsaka humarap sa kanya.

"Bakit Andrea?" sabay ngiti .. pekeng ngiti

"Wag ka nga! Tell me bakit ka umiiyak?"

"Wala masama lang talaga pakiramdam ko"

"Kilala kita Krish. Bakit nga?"

Bago pa ako magsalita. Hindi ko na napigilang umiyak. Niyakap ko agad si Andrea. Ang sakit talaga.

"Tama na. Now tell me Krish. Makikinig ako"

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at huminga ng malalim.

"Andrea. Si Jasper crush ko si Jasper. Crush ko siya."

"Si Jas?!"

"Oo. Gusto ko siya. Gustong gusto ko siya kaya ako umiiyak. Kaya ako umalis dun kase nasasaktan ako sa nakikita ko"

"Krishna.."

Nilingon ko kung sino tumawag sakin. Si Jasper. Alam na kaya niya? Alam na kaya niyang may gusto ako sa kanya?

~~THE END~~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush ko siyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon